
Hindi po ito postcard mula sa UNICEF. Hindi sila Jamaican, African, Tanzanian. Purong pinoy po lahat yan. Walang halong lahi. Mga batang Boracay.
Sila dapat ang nagmamay ari ng isla. Pero tila sila pa ang naging dayuhan. (pucha, tunog social relevance talaga ang post na ito, he he. Akala nyo siguro puro kaplastikan lang alam ko.) Sa kakatitig sa larawang ito, napagtanto kong ok lang maging maitim. Na dapat itigil ko na ang kakagamit ng mga papaya soap na yan. Na kahit anong kuskos gawin ko, walang star white skin na mangyayari. Naisip ko rin na sana natanong ko kung anong toothpaste gamit nila. Kung sila-sila ba’y nagkukutyaan din. O kung kinukutya nila ang mapuputi. At anong nangyari’t marunong na silang mag emo at mag inarte sa camera.
Aktwali, nanibago talaga ako sa asta ng mga batang ire. Medyo nasanay lang kasi sa kanilang kakulitan at kakukurot mabigyan lang ng barya. Siguro nga nag e evolve din maging sila. At ngayon me bagong raket na. Dyaraan… singing group!









wow, bravo. bloody brilliant!
pang UNICEF pic nga. hehehehe
mga kapatid ko pala sila.. mula sa iisang lahing Filipino!