Subalit ako’y dilat na dilat at laging iniisip kung bakit naunahan ng pagong ang matsing sa karera nila.
Buti naman at bago ako nag binata narinig ko din ang iba pang kwento maliban sa dalawang hayop na yun. Natutunan ko sa mga bedtime stories na wag basta magtitiwala sa matatandang mangangatok sa iyong bahay at magbibigay ng mansanas, na dapat maging mabait sa mga palaka dahil malamang royal blooded ito na nagsahayup lamang, na kapag inalipin ka ng matagal na panahon darating ang araw na anuman ang iyong naisin ay ibibigay ng fairy godmother. At sinong inuto nyo? Kahit walang muwang ako nun, alam kong ang happily ever after ay isang patibong lamang para ako ay makatulog.
Subalit hindi e. Dilat na dilat pa rin ako. At nagninilay nilay kung bakit naunahan ng pagong ang matsing.
Pero heto na, at dumating din ang panahong narinig ko ang mga gusto kong marinig. Panahon iyon ng mga brown-out na hanggang ngayon ay nangyayari pa rin sa aming probinsya. Ang saya kong marinig noon ang mga istorya ng mga ispiritong gumagala, ang kwento ng manananggal na nagroronda sa mga bubong, ang nakaputing babae na naka antabay sa puno ng balete. Aandap andap man ang kandila, walang pagsidlan ng tuwa ang aking puso habang naririnig ang kwento ng tikbalang, aswang at santermo. Ng mga patay na nabubuhay, ng mga gumagalaw na baso sa ispirit of da glass, at kung bakit nag iiba ang boses at lumalakas ng sobra ang aming kapitbahay sa tuwing ito’y sinasaniban.
Ito ang laman ng aking murang isip bago mahimbing na makatulog. At tsaka ko lang nakalimutan ang kwento ng karerahan ng pagong at ng …at ng… at ng kasama nitong hayop.
Paminsan-minsan parang bata ko pa ring hinahanap hanap ang mga bedtime stories. Pero dahil malaki na ako at puro malisya ang utak, hindi na yun nangyayari. Ibang kwento na ang nagpapahimbing sa akin. Ito ang kwentong masarap namnamin kahit walang salitang dapat bigkasin. Ang istorya ng magdamag-- na higit pa sa hiyaw ng kababalaghan, higit pa sa karerahan at mga palasyo ng ever after.
At sa kalaliman ng malamig na simoy ng gabi, ang tanging namumutawi sa aking bibig ay ang init ng aking mga maririing ungol. Basta…









ang halay naman, kuya abou. kala ko naman general patronage to! iba palang bedtym story ang nasa hulihan..
@ gentle - ha ha general patronage naman to a. e sa dun ako nahihimbing ng tulog e ha ha ha
masarap matulog kapag ganyan ang bedtime stories na maririnig talaga... hahaha
@ gillboard - oo nga e. kaya nga palatulog ako ha ha ha
hahaha.. ngayun anu na ba nagpapaantok sayo? lols... mga kwentong nakakalibog?
hahaha ako din alala ko pa yung mga kwnto ng lola ko nung mga bata pa kami.. di pa usu nun ang telebee..
nice one
ako hirap na ako mahimbing ng tulog lately, adik na kasi ako sa blogging hehehe. kung papakwento naman ako ng mahaba sa nanay ko over da pown para lang makatulog ako e.. long distance kaya yun, mahal!
@ kosa - oo ung kwentong nakakalibog, wala pa sa climax tulog na ako ha ha ha
@ gentle - magpa kwento ka na lang sa nanay mo over the internet, lagi ka naman online e ha ha
" At tsaka ko lang nakalimutan ang kwento ng karerahan ng pagong at ng …at ng… at ng kasama nitong hayop.
- kuneho (the hare), parekoy.
@ aethen - ha ha parekoy baka kuneho nga yun. buti at pina alala mo he he
kabitin naman...hintay ko yung real 'bedtime story' e. hahaha joke!
@ toni - matulog ka na. walang totoong bedtime story na mangyayari ha ha gusto mo ungolan na lang kita? ha ha
kelan ko kaya mararanasan yung kuwentong pangkama? a basta! hehe
@ amicus - nagma maang maangan ka lang ata e he he.
ah ganun pala,
may ungulan
haha
@ denis - sshh... ha ha
hehehe. magugunaw na ang mundo pag natutong mag-internet ang nanay ko. ano ba tong napasukan ko? puro ungol ang pinag-uusapan ng mga tao, hehehe.
haha. bedtime stories. hindi nakakantok mukhang nakakagising. haha. joke.
---
most of our viewers are males. ang weird. hehe.
Naalala ko yung kwento ng uncle ko sa aming magpipinsan. Ganito yun:
"Ang pagong tumawid sa napakalawak na ilog. Lumangoy sya ng lumangoy. Lumangoy ng lumangoy...."
O, matulog na kayo. Bukas na natin ipagpatulog kung makarating na ang pagong sa kabilang pampang! : )
Hmmm? "Langitngit ng Papag Book 2"?
Ghost stories are the best bedtime stories. hehehe
@ gentle - pasensya ka na gentle at malalaswa ang readers ko ha ha o baka ako lang? :-)
@ joshmarie - talaga nakakagicing ang bedtime stories ko? sus kwentuhan kita dyan he he
@ blogusvox - ang galing ng uncle mo. natapos ba ang kwento kinaumagahanan? he he
SABI KO NGA SA BIRTHDAY MO PA SA DECEMBER 2 AKO MAGKO COMMENT KASO NAG BAGO ISIP KO HAHAHA!..
SAKA PINAG IISIPAN KO NA DIN YUNG "PICTURE GREETING" NA HINIHINGI MO SA LAHAT NG FANS MO PARA MAPASALI SA BIRTHDAY ENTRY MO!.GAGAWA KASI AKO..
AY, SECRET NGA PALA TO DI BA?
NAKU PANO YAN?
:P
P.S. ang halay ng post!
@ allan - langingit ng papag huwat?! sex scandal ba yan? he he
@ joaqui - ha ha gusto ko yung takot na takot ako bago matulog at naninindig ang balahibo ha ha
@ madjik - di ka talaga mapagkakatiwalaan ha ha
sana nilagay mo na din kung saang email pwede ipadala haha eto para kumpleto na wytbeach@yahoo.com
awooooooooooo! hahaha! parang sako lang ah? hehehe!
i had fun reading this! hansel and gretel ang isa sa mga pinaka fave kong bed time stories nung bata ako..hehe!
@ roneiluke - baliktad pala tayo, di ko naka hiligan mga ganyang kwento he he ang himbing guro ng tulog mo pag hansel at gretel hano :-)
Ano? Mariing nag-ungulan ang Pagong at ang Matsing? Shyet! *LOLz*
@ gas dude - oo at threesome kami niyan! sabay kaming nag uungulan ha ha
Abou!
I also learned that Happily Ever After has a price, it doesnt come free!
Di ko na kelangan ng bedtime stories, lagi akong tulog agad eh.
Seriously, 4 years kna walang work?!?! So what makes you busy?
@ chyng - cguro nga pinaghihirapan talaga natin ang mga happy endings ng buhay. hay.
ewan ko nga kung pano ako nakaka survive. basta nagbibisi bisihan pa din ako he he. abangan na lang sa susunod kong mga post ang kalbaryo ha ha
HAy naku Abou... basahin mo na lang yung 2 libro ko
1. Chunky Cunth and Dinggo Dickh
2. People's Republic of Vajaynah
@ kris jasper - mukhang ang wholesome ng mga libro mo Kris Jasper. gusto kong basahin ang People's Republic of Vajaynah. mukhang maraming aral akong makukuha :-)
hahaha. my nights will never be the same... hahahaha
@ wandering - bakit naman he he
Kala ko kung anung bedtime stories yan...hehehe
Hindi ko naranasang basahan ng mga ganyang kwento nung bata ako... Kasi late na rin ako matulog dati dahil sa TV at sa Family Computer ko noon... Hehehe...
buti ka pa may mga ganyang kwentong binabasa sa yo. sosyal ka naman pala. hehehe... sa paaralan ko na lang kasi nababasa ang mga ganyang kwento. hindi ko na kailangan ng mga bedtime stories kasi antukin ako nung bata. hehehe...
@ axel - buti ka pa, hindi ka na torture ng mga paulit ulit na kwento nung bata. pa pindot pindot ka lang bago matulog he he
@ the dong - ha ha sosyal ba ang kwentuhan ka ng pagong at matsing at mga kwentong sanib? ha ha
ako din kagabi di rin ako nakatulog...kaya ang ginawa ko nag "j...." ako..he he he.para mapagod,presto at nakatulog pagtapos.
nag "jogging!
pucha. akala ko fairy tale nga din. gusto ko din ang kwentong katatakutan. nakakatawa kasi sila hahaha.
ungol? tangenang yan. baka pusa lang yun naglalampungan?lols
@ ever - ah akala ko nag jak ka... nag jak en poy ha ha jogging pala
@ popoy - malamang pusa nga yon, pusa at ako? ha ha
hmmmm. pwede na rin pero since wholesome ako, stick na lang ako sa kwento ng kuneho at pagonh hehehe.
@ lawstude - uy share naman yang kwento ng kuneho at pagong. pagong at matsing lang alam ko ha ha
@abou. oo pussy na basa.lols
@ popoy - ha ha wet pussy? ha ha magsimba ka nga popoy! ha ha
ang saya mong story teller :D ..mapa PG or below hataw ka...magkwento ka pa, hehe..
ano nga ba ung santermo bro?..
@ josh - ang santermo ay bola ng apoy na pinaniniwalaang gumagalang kaluluwa. pero hindi. weather phenomenon ito na kalimitang nakikita sa dagat o sa lugar na merong tubig. hindi ito dapat hawakan dahil sa kuryente nitong dala. kusa itong nawawala.
nalaman ko yan sa show na emergency ha ha
ay puno nga ng malisya ng utak mo kuya,haha!
pampatulog ko, emo songs,lols!
p.s- matsing ba yung kasama ni pagong sa kwento? napaisip naman ako,hehe,parang ndi ata. mai-google nga.lols!
pag tumatanda na kasi ang utak pinapasok na rin ng polusyon, haha ibang kwento na ang nagpapatulog sa matatanda hindi na kwento ng pagong o matsing oh bakit madami ang mata ng pinya,haha
masarap bang binabasahan ng 'bedtime stories'?
what can i do my friend...
Napaka wholesome ko kasi... muntik na nga akong mag-pari
aBOU,
hahaha... alam mo , hindi ako nakaranas ng ganyang pagaaruga bago matulog. kahit mnsan hindi ako binasahan ng mga ganyan kahit noong bata pa ko.. weird pero iba ang pampatulog sakin ng nanay ko.. sinturon. hahahaha
@ teresa - o ano na nagoogle mo na ba kung sino ang kasama ng pagong sa kwento? he he
@ jm - sus pinupolusyon na din ba utak mo? ha ha kung gayon pareho na ba tayo ng pampatulog? ha ha biro lang
@ tres - depende sa kwento. :-)
2 kris jasper - ha, mukhang di ka naman mahihirapang magpari e. mahilig ka naman sa kawanggawa, at malamang mawiwili ka sa pakikinig sa mga mangungumpisal he he
@ ron - bakit me pakiramdam ako na nag eenjoy kang sinisinturon. ha ha
ay ako iba ang pampatulog ko, hahahaha
I called JACk. my friend haha
ganun ako pag di makatulog,
i call jack hahahaha
@ onats - baka JACK call u ha ha ha
peace
dang porma parekoy!!!uu nga noh! aq kc tanga ehh!hahaha napapatulog aq s kwento...kc naman mga nobelang ingles ang binabasa skin ng nanay q...ab eh d q maintindihan nung bata p q!kaya para makatakas, tinu2lugan q n lng!haha!!ayos!
just passing by...
gandang gabi^_^
@ eilarmos - ayos dina, sabi mo e
he he
umuungol ka pala bago matulog. hehehe. ginawang pampatulog?
should i say "nice twist?" di ko nahulaan at inasahan na may kakaiba sa dulo. :-) salamat sa pagdaan
haha. bedtime stories pala to na di applicabble sa mga toddlers.
hahaha...
ano naman ang kasamang hayop ng pagong?!
alam ko kuneho eh. lol
@ ely - bedtime stories nga di ba he he
@ dencio - napa kwento lang ako dencio, di ko inaasahang ma twi twist to e he he
@ icka - stick to ever after stories ka muna icka :-)
@ bry - pwede din naman kangaroo a ha ha
Ganda ng post na ito.Naalala ko tuloy ang lola ko. Bago ako matulog ay binabasahan ako ng bannawag.O kaya mga kwento sa radyo na Shimatar!Nung lumaki na ayaw ko na nun, mga kwento na ni xerex na.Lol
bakit di ko alam ang bannawag o ang shimatar? bakit di yan nai kwento sa akin waaa ha ha ha
lagi kong nakikita yan sa tv nung bata pako at to be honest inggit ako sa mga batang yun.....kasi ako walang nagbabasa ng libro sakin bago ako matulog...
,...bat ganun? sa Pilipinas, pag bata ka, tapos wl kang ginawa kundi magbasa ng libro---sasabihin nila tamad ka?
@ pusang gala - mukhang gifted child ka naman e. sigurado ikaw ang nagbabasa para sa sarili mo he he
abou, gusto ko yung hirit na "at sinong inuto nyo?". parang naiisip ko tuloy ikaw yung batang siga na mahilig mang-bully at mangkonyat ng ulo. tusong bata ka siguro. hehe
naku, hindi pala tayo pwede magkapitbahay. baka batuhin ko bahay nyo. kaaway ko kasi ang mga asong umuungol at punsang humahalinghing sa gabi e. ayaw magpatulog. :9
@ enrico - saktong tuso lang he he at kung ikaw naman kapitbahay ko, baka suhulan ko pa ang mga aso at pusang lakasan ang kanilang mga ungol ha ha biro lang
hehehe ibang kwento rin ang trip ko pag pasko hehhe kwentong pang-tag-ulan hehehe
iba talaga ang style mo magsulat.. hats off!
hahaha.. ang galing! basta... LOL
ibang bed time stories pala ito.
"Ang istorya ng magdamag-- na higit pa sa hiyaw ng kababalaghan, higit pa sa karerahan at mga palasyo ng ever after." Diosmio! bakit kung ano-anong pumasok sa utak pagkatapos kong mabasa ito? karehan? me nakikita akong nangangabayo. a ewan! heheheh
@ dabo - ano ba yang kwentong tag-ulan tuwing pasko ha ha malamig na pasko ba un? he he di ako maniwala, ikaw pa ha ha
@ janus - he he iba ka dyan, un din un pampatulog kaya ha ha
@ r-yo - pasensya ka na kung medyo nalito kita he he
Whahaha, ang malokong si abou, at kanyang bedtime stories.. yun na yon! xD
maririing ungol ah?
parang ikaw ang BIG BAD WOLF!
ahooo! ahooo!
:)
@ dazedblu - yun na ba yun? he he hindi meron pa ha ha
@ pepe - oo parang big bad wolf. parang super sama ko naman ha ha
Haham big bad wolf, uu nga.. masama si abou sa maririing ungol, lol xD
wow! ang dami nang umaangal dito ah :)
dahil bday mo happy bday
paborito kong bedtie story yung the boy who cried wolf.. awooooh
kwekwentuhan lang ako nun tas may kasamang gatas dadalawin na ako ng antok ngayon naman gatas na lang napapaantok sakin.. pag nagkaasawa ako malamang gatas ni misis ang magpapatulog sakin.. rawr
@ dazed & grace - salamat, pagpalain nawa kayo.
@ ferbert - tama yan ferbert, at laging tandaan na ang gatas ng hayop ay para sa hayop at ang gatas ng tao ay para sa tao ha ha
waaaaah! nakahabol pa ba aco? 80 na angumangal :o. . hehe. . dati ang nagpapatulog sakin ung matandang putol angdaliri dahil pinutol nung anak para makuha ung singsing. . hehe. . tapos kailangan hinihimashimas ung likod co. . ngayon iba na pinapahimas co. . lol
@ paperdoll - hoy ano yang ipinapahimas mo ha ha wholesome naman yan siguro ano ha ha
ahaha!
ang kulet ni kuya
Ahahaha mga loqo tlga neh?Cnu puede mktxt d2 n gurl
Ahahahaha anu yn pmpä2log dn b ng sanggol yn
Pang box-office. Lol. More tagay!
naks abou
Sa title pa lang alam mo na kung bakit babasahin mo ang post na ito.
aminin.
brilliant ang mga banat! idol!