Halata bang pinag isipan ang title?

Gasgas na kung ang government of the Pihilippines na naman ang sisisihin ko sa nadaanan kong ito kamakailan. Sa totoo lang, di ko na to binibigyan ng pansin. Sanayan lang siguro. Likas talaga sa kin ang pagiging passive. Walang pakialaman ata ang motto ko since grade 1. Magdukutan man kayo ng mata o magsaksakan ng bituka sa harap ko…-- bahala kayo diyan. Kaya’t syempre tuloy lang ang lakad.

Diretso man ang hakbang, lumilingon naman ang isip. Pinuputakte tuloy ng tanong ang aking kukote. Wala na ba tong magulang? Lumayas ba to? Nagugutom? Malamig ba ang semento? Anong oras na ba? Late na ba ako?

Tuloy lang ang lakad.

Ano bang klaseng pakikialam ang dapat gawin ng taong dumaan lang. Gigisingin mo ba? Kakausapin? Matitigil ba ang korapsyon sa ating bansa? Yaan mo na. Inantok lang yan, Andyan lang magulang nyan. Hayaan nating maabot niya ang kanyang mga pangarap kahit sa panaginip man lang.

Tuloy lang ang lakad.

Sana dumaan dun ang DSWD. Sila na lang ang bahala dun kung ano dapat. Yan naman talaga trabaho nila di ba? E paano kung dumaan nga, at gaya ko… tuloy lang din ang lakad…

facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

6 Response to 'Sleeping Child'

  1. Coldman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/02/sleeping-child.html?showComment=1203549540000#c6774990325144724986'> February 21, 2008 at 7:19 AM

    nakakalungkot at may mga bata pa ring natutulog sa lansangan. Nakakainis lang at puros pulitika sa Pinas. =(

     

  2. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/02/sleeping-child.html?showComment=1203568800000#c3143242220672613822'> February 21, 2008 at 12:40 PM

    maraming 'sleeping children'. kawawa naman sila. yan ang malungkot na katotohanan ng palalang kahirapan kahit na sinasabing bumubuti na ang ekonomiya ng bansa.

     

  3. http://abouben.blogspot.com/2008/02/sleeping-child.html?showComment=1203571260000#c2849370580824408220'> February 21, 2008 at 1:21 PM

    This comment has been removed by a blog administrator.

     

  4. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/02/sleeping-child.html?showComment=1203612840000#c5304308594102766023'> February 22, 2008 at 12:54 AM

    naawa naman ako dun sa bata.. haaay.. ang dami ngang ganyan.. siguro, kelangan ding sisihin ung mga magulang nung bata dahil hinayaan nilang doon na lamang matulog sa may hagdanan.. ok, sabihin na nating mahirap sila at walang matitirhan, pero dapat magkakasama pa rin sila diba? haaay..

     

  5. JoiceyTwenty Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/02/sleeping-child.html?showComment=1203764820000#c528897348865500562'> February 23, 2008 at 7:07 PM

    pag may ganitong eksena...


    awwww.:(

     

  6. http://abouben.blogspot.com/2008/02/sleeping-child.html?showComment=1203976920000#c6027099005912648676'> February 26, 2008 at 6:02 AM

    kawawa man. ganun talaga ang buhay.
    the politicians are preoccupied by their own ambitions leaving well-being of these kids in danger. tsk.tsk.

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .