Matagal ko ring pinag isipan kung peace sign nga ba ang ibig sabihin ng two-fingers na ito. Kasi ang unang pumapasok sa isip ko sa simbolong ito ay “Marcos, marcos pa rin!”. Marahil mali ako dahil hindi naman kilala ng mga paslit na ito si Marcos.
Hanggang ngayon hilig ko pa rin ang mang demonyo. Pero syempre hindi na ganun kagarapal hehe. Subtle na lang. Ang kademonyohan ginagawa na lang sa
Kung peace sign rin lang ang pag uussapan, aba’y siguro ang batang ito ang higit na mangangailangan…
Ang batang palaging binu bully. Noon nabu-bully rin ako sa school, pero sa kalaunan natuto na rin akong umalma. Kaya kapag me nakita akong kinakawawa, sinulsulan ko kagad yan na rumesbak, kung hindi man sa pisikal na paraan, daanin na lang sa denggoyan.
Pero ang isang ito ngayon pa lang kina iinggitan ko na…
…mukhang magiging masaya ang kinabukasan e. Bata pa lang maharot na. Marami tong mabibigyan ng kapayapaan at kaginhawahan he he.
Ikaw, saan ka dito? Kung wala ka sa piktyur, malamang ikaw ang me hawak ng camera.
lagi rin ako binubully dati d ko na lang pinapansin. haha. tapos binabati nila ako pag malapit na exam. mga tae talga. hehe
Isigaw natin sa buong mundo: Kapayapaan! Fish my friends. Tama ba ang spelling? Tama na rin yun.
ang sarap maging devil, lalo na sa ----, ayokong sabihin. hehe.
siguro nung bata ka, kaw yung naglalagay ng sungay.. hehe.. peace, dude.. ako, never ko din nakasanay yung ganun.. saka kahit sabihan ako ng ganun, siguro pag tulog lang talaga ako peaceful. ahaha.. magulo kasi ako, wahah..joke.. :P
ayyy naku. dat two finger sign means ate V fanatic. yun yun.
wow ang galing naman.. kaw ba ang kumuha ng pic na to?
ako? wala ako jan.. coz hindi ako mahilig na pa picture2x. hehe