Merong christmas rush sa aking isip. At jingle bells sa aking dibdib.
Mukhang in lab na naman ang manyak na ito. Parang pasko sa saya. Parang naka denggoy ng regalo sa ninong ang pakiramdam. Parang gusto ko maglagay ng isang milyong mistletoe sa bahay. At sa bahay ng kapitbahay. At sa buong baranggay.
Hay… pwede na ko mag celebrate ng pasko ngayong Septyembre. Uunahan ko na ang mga krismas rapol sa TV, ang mga pakulong bargain sa mall, ang mga pagpapa ilaw ng mga parol. Kasi sa wari ko pinapana ang aking puso ng siyam na reindeer. Pinapana ito ng paulit ulit at hindi ako umiilag.
Mas masaya sana kung merong snow. Maglalaro tayo ng snowball kasama si snowman. Maghahabulan at titirahin kita ng aking ice balls. Buong araw tayong magkayakap na naka earmuff. Magkakape tayo, magku-kwentuhan, maglalampungan. Magtatalukbong at magkukulong sa kwarto. At manginginig sa lamig dahil hindi pala uso dito ang fireplace.
Mangangaroling ako para me pang noche buena tayo. Gagalugarin ko maging ang kabilang ibayo para maiparinig lang ang walang kamatayang Ang Pasko Ay Sumapit. Alam ko namang sintunado talaga ako at ayon sa mga hurado e puro sharps at flats lang ang lumalabas sa aking vocal chords. Pero lalakasan ko na lang ang tunog ng mga piniping tansan at magdadala ako ng maraming back-up. Back-up para barahin ang hindi magbibigay sa akin.
Haharangin ko si Santa Klaws para ako na mismo ang mamumudmod ng regalo. Napansin ko kasing yung mga merong chimney lang ang nabibigyan ni Santa. Naiintindihan ko naman yun dahil alangan namang dumaan sya sa kubeta. Pero sana dapat ika nga e patas. Dahil kung ako yan sigurado mabibigyan maging ang taga Payatas.
Padadalhan kita ng maraming krismas cards. Oo alam kong korni ito at hindi na uso. Pero hayaan mo na at makaluma talaga ako. Pipiliin ko yung mga cards na maraming puso para sakop na pati valentines. Para kung sakaling magdalawang isip ka at iwan ako, kung pwede, gawin mo lang matapos ang Pebrero.
Ito ang christmas rush sa aking isip. At ikaw ang jingle bell sa aking dibdib.
Kaya gusto kong ipagdiwang na ang krismas sa araw na ito. Now na. Baka hindi umabot ang pakiramdam na ito sa araw na ipinanganak ang taga pagligtas ng mundo.
At kapag nagkaganun, malamang magiging wasted uli ang pasko ng manyak na ito.









uyyyy, in love! haha. batiin na kta ng advanced merry christmas. good luck. sana di lang balentayms umabot yan. hanggang graduation o santacruzan man lng sana :9
@ enrico - hanep ambilis mo a! kaka post ko pa lang he he. wag ka muna bumati at baka mapurnada pa ha ha
sorry nman. may pagka ataters ba? haha. cge, binabawi ko muna pansamantala ang bati ko. hehe.
wahhhh! malapit na naman ang araw ng pasko!...lungkot ako pangalawa ko nang di makakapag celebrate ng xmas.di ko pa kasama ang luvi luvi ko...
pero teka pards...tamang pogi points ang dating nito sa pasko..sino ba ang nakabihag sa betlog! este! sa puso mo at inlababo ka ata?..ha ha ha.:)
hays... malapit na nga ang pasko. pasko ang pinakamasayang araw para sakin... iba kasi ang mood kapag pasko! ang saya saya! full of love!
ano nga kaya kung may snow dito noh?! hahaha! libre ang yelo panggawa ng sherbet at halo halo at banana con yelo! hahaha!
---
thanks for dropping by. open na yung comment box ko. sorry, hindi ko alam kung bakit nawala. kelangan ko pang magexperiment bago ko mapalabas. thanks for dropping by!
HAPPY KRISMAS!
@ enrico - he he ataters ka talaga. ha ha basta ikaw yung nauna sa mga bumati
@ ever - malayo pa ang pasko mauuna muna ang Eidul Fitr, todos los santos at Bonifacio day ha ha kaya wag ka muna mag muni muni dyan he he
@ roneiluke - kung me snow dito sigurado malulugi ang me negosyong halo-halo, sherbet, at banana con yelo ha ha
Mukha ngang inlababo si Abou. Naks!
Ako hindi talaga ako masaya kapag Pasko. Long story eh hehehe basta mas masaya ako 'pag Bagong Taon.
Tag ueotug gd a ra post ki a! Lol.
Prisinta gd ang mag back up king ok? Ako taga haboy it bukoe pag patyan kitat iwag.
@ ponchong - shhh wag muna idamay ang bertdey ko ha ha sana me naka ipit ung card na ipapadala mo ha ha
@ gasdude - totoo yan, mas masaya talaga ang magpaputok ha ha
@ madjik - indi ka puydi mag back-up kakon, basi masapawan mo ako ha ha ha
can't imagine a reindeer holding bow and arrow, hahaha.
ah wait, ung reindeer nga pala sa One Piece, surgeon pa! lolz
gusto ko ng karoling! hindi ko pa nasubukan kahit kelan.
@ mikologist - ha ha bagay naman sa reindeer un a. kapag nakailag ka sa pana cguradong susungayin ka ha ha
@ amicus - tara! pero kelangan ibirit mo ang joy the the world ha. ha ha
hahaha! tiyak malulugi sila! hahaha!
thanks for dropping by again :) that just means your subconscious in on overdrive... wheeww! isang beses pa lang nangyari yung ganun... cumming in dreams..hehehe!
naku galing naman at ramdam mo na ang kapaskuhan. hehehe... ako hindi pa masyado. malamang next month. hehehe...
@ roneiluke - ha ha salamat din sa pagbalik
@ the dong - mabuti na yung maaga, the early bird cathches more gifts ha ha
yes naman INLOVE! Di kana kasama sa mga ngpapanic buying kapag pasko! hahaha
Sabihin mo na sa lucky girl, baka maunahan kapa.. ;)
Haha, yan ang love story ni abou XD. weeee.
Haha, sana nga may snow dito sa Pinas, para mas masaya.
@ chyng - kahit kelan naman hindi ako nakapag panic buying tuwing pasko e. puro panic window shopping lang ha ha
@ dazedblu* - naku wag, mawawalan ng silbi ang mga aircon at pamypay ha ha
basta X-mas---para nang sinusunog pwet ko-I think it is a time for the family. I always make it a point therefore na saan man akong lupalot, I go home for this big event............
maaga pa, pero sige na nga, Merry Xmas!!! Isali mo sa listahan mga regalo namin. hehehe
napatumbling ako sa countdown hahaha..may ganun..
--- --
i couldn't imagine kung paano kayo hahabulin ng snowman lol :)
pero sobrang in lab ng post na ito..
hahaha
uy inlab haha sana magpatuloy ang mga jingle bells sa iyong dibdib dahil sa kaligayahan ;-) haha
@ salingpusa - huwaw naman. ambait mo, swerte family mo. sana ganyan din ako tuwing pasko he he
@ ely - no problem ely. exchange gips tau ha ha ha
@ dabo - di ko nga din alam dabo kung paano tatakbo c snowman pero parang sweet isipin he he. tapos slow motion pa ha ha ha
@ onat - sana nga he he mukhang ung mga reindeers pumasok na din sa dibdib ko e ha ha
hhhmm iba talaga nagagawa ng pag-ibig.
tulala pero may ngiti sa mga labi...lol
o sino kaya ang maswerteng babae. hehe.
at talagang kelangan may countdown ah.
as usual, i had to spend the christmas alone. ay hindi pala, may red horse pala at marlboro lights. kuntento na ako dun. :)
thanks sa comment ah :)
@ toni - aba at marunong ka na mag comment ngayon a. he he improving
@ lalaksut - ibubulong ko na lang sa yo ha ha
@ prosetitute - kapag napurnada to, itagay mo din ako ng red horse at isindi ng lights. wala ka bang menthol? ha ha
gusto kong umuwi.
kelangan akong umuwi.
kaya september palang may ticket na pauwi at pablik.
kaya september pa lang file na ng leave.
kaya september pa lang, count down to christmas na. hahahahaha.
@ boying - nasa countdown mode ka din? ha ha ha
nakakamiss talaga ang pasko sa Pinas... d2, December talaga ang start, dadaan muna ang Halloween.
wow abou. ramdam ko ang kutitap ng puso mo hanggang dito sa penang.
o sya, tumalon na sa bagong taon at magpa putok na :-)
Comments on this blog are made DOFOLLOW for the Google Spiders. Links in your comments are followed by the search bots!
^^lol. ayos pala to ah. pampadami backlinks. haha
sa menthol may tindahan. hahah
teka mali ata. baliktad.
sali mo na rin ako sa listahan ng bibigyan mong regalo total friends tayo.. merry xmas.. hehehehe
pero mauna muna bday ko bago mag xmas hehehehe
mabilis ang lahat pag inlove
woof
walang bagong post? i suppose your busy...
bury waiting for christmas? hahaha! joke! :)
--- thanks for the comment :) kailangan mo talagang mapanood. pang walong season na pero pwede ka pang humabol. magmarathon ka habang nagka-countdown :)
aieeee in love! ang shweet naman nito
awww. ang cute naman. ang saya mo palang ma-inlove, bro. :D
@ kris jasper - so pano? happy haloween muna? he he biro lang
@ gibo - tatalon talaga ako at magpapaputok sa bagong taon ha ha sana madinig mo dyan sa penang ang mga putok ha ha
@ prosetitute - ha ha cge pwede na ang lights a
@ ice - happy bday pala muna ha ha ung regalo antayin mo lang ha ha
@ bryan anthony the first - oo nagiging mabilis ang lahat pag in love kaya nga kapag nabigo e anlakas din ng lagapak :-)
@ roneiluke - wala talagang bagong post dahil bihira lang ako mag update ha ha
@ odin - nilalanggam na nga ako e ha ha
@ acey - buti at nagbalik ka na acey he he
huwaw! inlababo!
sabagay, pag masaya at inlab, mabilis lang ang panahon...
@ lethalverses - ha ha inlalabo o inlalabuang? ha ha
hapi pasko na pala!
manyak o kahit ano pa 'yan, basta pasko.. para naman sa lahat ang pasko eh, basta may magic kasi ang pasko, kahit ano pa mang meron sa paligid masaya pa rin...aabot ng pasko 'yan..
"Ito ang christmas rush sa aking isip. At ikaw ang jingle bell sa aking dibdib." sa mga linyang 'to eh sigurado hanggang sa sunod na pasko aabutin pa 'to.
hapi pasko!
@ me - magdilang anghel ka sana ha ha. at tama ka kahit manyak nagdiriwang din ng pasko ha ha
masya ako at in lab ang kumag na ito..
mareho tayong in lab kaya't magsaya tayo!!!
yahoo!!!
@ jhaynee - at nagbabalik ka nga ha ha. paturo naman ng gayuma dyan ha ha
ke aga ng pasko ah!
maya kayakap ka na pag malamig! wohoooo!
inlababo ka ba o tigang lang? haha
merry xmas kuya abou..
gift ko ah
@ duke - ke malamig, ke mainit basta me kayakap ha ha
@ ferbert - ha ha maligayang pasko din sayo pervert ha ha. basta me grasya, maaambunan ka ha ha
jingle balls all the way. in love ang parekoy kaya sana araw araw ay maging pasko lagi.
@ lawstude - naku kung araw araw pasko baka mamulubi tayo ha ha
"At ikaw ang jingle bell sa aking dibdib."
idol ko yang line mo na yan.
-abad
at me countdown talaga! singbilis ba yan ng tibok ng iyong jingle bells? yan na yata ang pinakamasarap sa lahat - pasko na me pag-ibig. waaaaaahhhh! paano naman kaming wala? :-)
@ abad - ha ha salamat abad at nagusutuhan mo ang pinaka korning linyang nasulat ko ha ha
@ r-yo - kaya nga nilagay ko ang countdown para mag panic ang mga nag so solo tuwing pasko at nang makahanap pa cla ha ha
hayyy lapit na christmas
nararamdaman ko na din ang pasko lalo na ng mapadaan ako dito sa blog mo..
advance merry christmas=)
@ menace - excited sa bonus? ha ha
@ rio - adbans mery xmas din. wag magtago sa inaanak ha? he he
mag isa ako sa pasko. pengeng pera. uwi nako ;)
meri krismas.
@ chonggo - cge uwi ka, party tau sa pasko ha ha
second ber month na. merry christmas! ok itong blog mo, kwela.
ikaw ba yung manyak sa pasko?
Sana patuloy yang pagtunog ng jingle bells sa divdiv mo parekoy.
Maligayang pasko parekoy! :D
regalo ko ha :P
excited na ko sa christmas! weee! :)
love,
nobe
www.deariago.blogspot.com
@ rhieboy17 - yung manyak ako? hindi ha, namamanyak lang he he
@ aethen - ha ha palakas nga ng palakas ang pagtunog ng jingle bell parekoy he he
@ nobe - lahat ata excited sa pasko. wala bang excited sa undas? he he
Ha? Magki-krismas na naman pala... Sheesh...
@ jayclops - matagal pa ang pasko, ako lang nagmamadali he he
ayiii inlab na si abou! hahaha sige lang at ipagdadsal natin na magtagal iyan.... ehehehehe
ngaun n lng aku npadaan at dami ku n palang nalampasan
oh db magkatunog ang duli hehehe. inlababo nga ata ang abou na tlgang ipapangalan ko sa susunod na anak ng aso ko :) sabi mu un db :)hehehe ingatz :)
abababa, maaga ang pasko sa bandang ito. haha. nabuksan na ang regalo? hehe
@ neuroticsister - piapot ha ha salamat sa dasal, i novena mo na rin he he
@ yeine - ha ha cge ipangalan mo sa akin, pero bigyan mo din ako ha? he he
@ jericho - walang regalong bubuksan, pero ok lang, masaya naman ako ha ha sana ikaw din --masaya
napadaan lang. hakhak!!! may countdown kasi eh.
@ batopik - kung wala pa lang countdown e di ka dadaan he he mahilig ka bang magbilang? :-)
hindi ikaw 'to..hindi ikaw 'to!!!
advanced merry christmas....
Paskong Pasko na dito sir!
Let is snow, let it snow hohohohohohohohoho
be blessed sir!