Para sa inyong dagdag kaalaman, killjoy po ako. KJ. Kaya huwag na wag nyong aasahan na kayo ay makakabasa dito na inyong ikatutuwa.

Pero dis year medyo naki selebreyt ako. Medyo lang. Nahawa siguro sa nag uumapaw na kasiyahan mula sa mga simpleng bata. Nasiyahan ako pero syempre hindi halata. Medyo impit lang ang tawa, smile ng konti sabay bawi. Kailangan consistent.
Ewan ko lang kung me nakakita, pero tumalon ako nung nyu year. Ito lang talaga ang isang task na kailangan kong gawin tuwing bagong taon. Ipagbawal na nila lahat ng klase ng paputok, lahat na, wag lang ang pagtalon. Hangad ko pa ring madagdagan ang aking height kahit alam kong imposible.
Ngayong 2008, itotodo ko na. Tatalon ako maging sa darating na Chinese new year! Basta.









hala! ngayon unti unting nabawasan ang pagka kill joy moh.. hehehehe..
Ibibigay ko pati pagkalalaki ko para lang tumangkad.
Bakit naka strike out ito? Nabigay mo na ba ang pagkalalaki mo? :D