Sabi nila nakakabawas daw sa pagkalalaki ang paglalaba. Upakan ko kaya nagsabi nito! Araw-araw ako naglalaba. Mali. Gabi-gabi ako naglalaba.

Gabi -- kung kelan lubog na ang araw. Kung kelan bumabalik ang bigat ng iyong alaala. Pero oo nga pala, ayaw na kitang isipin. Kaya’t sa harap ng amoy pawis kong sando, shorts at towel, dito kita lalabanan.

Hindi naman talaga ako magaling maglaba. Konting babad, konting kusot, yun na. Pero hindi na ngayon. Simula ng nagkaroon ka ng amnesia at naging makakalimutin, medyo bumagsik ang aking pagkukusot. Pakiwari ko’y sobrang dumi ng aking labahin at todo laba talaga ako. Ito siguro ang dahilan kung bakit andaling mabanat ng garter ng medyas ko at brief. Dahil to sa yo.

Masarap maglaba sa gabi. Walang istorbo. Malakas ang pressure ng tubig. Mas malawak ang espasyo sa sampayan. Ramdam ko din ang pagmasid ng buwan, ng mga bituin, ng mga kulisap, habang pinipigil ko ang nagpupuyos kong damdamin. Langya, iisipin guro nila ang sipag ko. Ang hindi nila alam, palaging tumatalsik ang mga bula sa aking mga mata.

Malimit gustong kunin ng nanay ko ang aking maruruming damit. Mas madali daw kasi kung iwa-washing machine nya at dryer. Sa totoo lang, bilib ako sa dryer, ambilis ngang matuyo, isang pihit lang. Sana dryer na lang ako. Sa isang pihit, tuyo kagad ang lahat ng hinanakit sa mundong ibabaw.

Kaya ayokong ipaglaba ako ng iba. Gusto kong ako mismo ang maglinis sa dumi, putik, libag, libog, galit, at iba pang paninibughong kumapit sa aking damit. Kulang ang isang banlaw para mahugasan ang animo’y samu’t-saring nararamdaman.

Bahala na ang araw bukas. Matindi man ang aking naging pagkukusot, nahamugan man ang aking ulo, nangulubot man ang aking palad, nangilid man ang aking luha dahil sa bula… Alam ko, sa pagsikat ng araw bukas, ang dala nitong init ang siyang papawi sa kung anong lungkot meron ang aking sinampay. Basta…







[off topic] Colorcare tips. Para malaman kung hindi humahawa o kumukupas ang de color, labhan muna ang mga nakatagong bahagi ng damit sa kaunting detergent solution. Kung umiba ang kulay kapag natuyo, labhan ito ng hiwalay. [off topic]


facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

49 Response to 'Dirty Laundry'

  1. karmi Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209065400000#c6276032723661992423'> 25 April 2008 at 3:30 AM

    nanay ko ang naglalaba d2 sa bahay. minsan lang akong maglaba, pero washing machine ang gamit ko..

    ayos tong post mo kuya ah, talagang nairelate mo ang paglalaba sa pagkalimot sa kanya. kaso, masisira ang dami sayo kapag naglaba ka ng galit.. tsktsktsk, kawawang mga damit..

    salamat nga pala sa tip. sasabihin ko yan sa nanay ko. :)

     

  2. http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209066780000#c982723029020284385'> 25 April 2008 at 3:53 AM

    ang metaphorical ng post ni lolo.

    ako rin may tip, wag masyado manggigil sa pag kusot. kaw din, baka masira agad ang damit mo.

     

  3. the menace Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209093900000#c695701170068916058'> 25 April 2008 at 11:25 AM

    tama dapat may emotional drive and paglalaba!

     

  4. amicus Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209094560000#c4575157928363747089'> 25 April 2008 at 11:36 AM

    palagi akong nabibiktima ng humahawang damit. huhu.
    thanks for the tip. :)

     

  5. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209097260000#c5509290914658612019'> 25 April 2008 at 12:21 PM

    @ karmi - ang lambot guro ng kamay mo ano? :-)

    @ kingdaddyrich - salamat. mukhang pinag isipan mo talaga ang tip mo. he he

    @ the menace - oo, pero dapat me control ka din. tuloy lang ang buhay matapos magsampay...

    @ amicus - mukhang ikaw din naglalaba sa yong sarili a he he.

     

  6. R-yo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209097440000#c8858303025641284484'> 25 April 2008 at 12:24 PM

    sama mo naman labahan ko. one month na kong tinatamad e. :-)

     

  7. jericho Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209101100000#c991473208719771830'> 25 April 2008 at 1:25 PM

    mas madali pala ang maglaba kapag ibinabad mo muna

     

  8. http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209104640000#c5132497410274662563'> 25 April 2008 at 2:24 PM

    hahahaha nakakatuwa to ah!

    luha dahil sa bula hahahaha ang galing ng post na to! mabula!

    at may colorcare tip pa! hahahaha

     

  9. http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209106800000#c2932750121375628202'> 25 April 2008 at 3:00 PM

    Eh may dryer naman na pwedeng magpawi ng lungkot ng labada mo in 30 minutes di ba?

     

  10. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209107220000#c7029890546280654209'> 25 April 2008 at 3:07 PM

    @ r-yo - cge, ipaglalaba kita tapos singilin kita ng mahal! ha ha

    @ jericho - sus ngaun mo lang nalaman un? :-)

    @ odin - masakit pala sa mata ang bula. next time gamit na ko ng googles he he

    @ keitaro - shhh... alam ko he he. pero tsaka na. ipaubaya muna natin sa araw. summer pa naman. sa tag ulan, baka... :-)

     

  11. Vera Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209121260000#c4621469698221555773'> 25 April 2008 at 7:01 PM

    ang macho mo abou!

    --mr. clean

     

  12. karmi Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209130620000#c5031807778774160246'> 25 April 2008 at 9:37 PM

    malambot ba kamay ko kuya? hmmm.. ewan. hehee.

    pero oo ata.

     

  13. dabo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209165780000#c4144219732928904285'> 26 April 2008 at 7:23 AM

    -- --

    he he he.. siguro pag naging manila boy na ulet ako sa May, ako na maglalaba ng damit ko..

    tanong: paano mo lalabhan ang puso..(wapak ang drama... ei thanks sa blog hop.. print mo lang yun anti-stress kit sa papel, tapos paste mo sa wall.. tapos kumuha ka ng ulo, not necessarily yours lol)

     

  14. janus Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209187800000#c6434005652808161629'> 26 April 2008 at 1:30 PM

    parekoy! upakan na natin yang mga taong yan! hahaha

    naku, gabi? beer ang katabi ko pag ganyang mga oras pero ngaun nagpaalam na ako. hehehe

    salamat sa pagdalaw sa aking i.ph blog pero napag-isipisip ko na kelangan ng mapansin ng tao ang domain ko. bisita ka dun! clickmyname below! thanks pare

     

  15. janus Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209187860000#c549366464927740058'> 26 April 2008 at 1:31 PM

    click my name above pala! haha

     

  16. Ely Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209225840000#c5378304856854512111'> 27 April 2008 at 12:04 AM

    napakatalinghaga naman ng post.

    Ako mga puti lang nilalabhan ko. One day nakababad kaya madali na lang kusutin after. LOL. Lahat ng de color sa labas ko na pinapalaba.

     

  17. http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209263580000#c4641780273008349812'> 27 April 2008 at 10:33 AM

    sa totoo lang di ako marunong maglaba. wala talaga akong kwenta na bata. hahaha!

    nagsusugat ung kamay ko sa pagkukusot. as in nagdudugo talaga.

    kaya ayun nagpapalaundry ako dati sa dorm.

    salamat sa tip, masabi sa naglalaba samin! :)

     

  18. gibo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209298800000#c6361930316468667884'> 27 April 2008 at 8:20 PM

    wagi ang paglalaba, dati favorite ko itong gawain. pero dahil mabilis na ang buhay, nilalagay ko na lang sa washing machine. kapag emo mode ako, pinapanood ko na lang ang pag-spin ng washing machine. ang tawag ko dito, mechanical emotion.

     

  19. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209379980000#c8120600810643147733'> 28 April 2008 at 6:53 PM

    @ vera - nag commercial endorsement ka pa dyan! ha ha

    @ karmi - uy pinagyabang na malambot ang kamay he he

    @ dabo - pareho tayo ng tanong: paano lalabhan ang puso! buzz me up kung me sagot ka na :-)

    @ janus - salamat at dadamayan mo pala ako sa laban! Lusubin natin ang mga yan kung madame na tau! ha ha

    @ ely - ang wais mo naman maglaba! :-)

    @ mia/dakilang tambay - ang malas ng magiging asawa mo!

    @ gibo - wow, isang araw, gagayahin ko din yang mechanical emotion mo! ha ha

     

  20. keith Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209393780000#c2981586005729986022'> 28 April 2008 at 10:43 PM

    ako. solo kung nilalabhan lahat ng labahin sa bahay namin. pati yung sa katulong namin ako ang naglalaba. wala pa akong sahod tapos hindi pa ako pinapakain. kaya nyo yun.

     

  21. FerBert Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209471600000#c8886436637704757302'> 29 April 2008 at 8:20 PM

    may isang pangyayari na pagkatapos kong maglaba eh nakipaghiwalay ako sa syota ko.. hahaha.. sabi nya parang sinama ko daw sa nilbahan ko yung nararamdaman ko sa kanya at saka binanlawan..

    naglalaba din ako pero hindi madalas kase biniyayaan ako ng dyos ng dakilang labandera.. pero kapag naglalaba ako nakakapag isip ako parang sinasama ko sa rin sa paglalaba ang pagtatanggal ng mantsa sa buhay ko.. Mantsa kase yung ex ko eh kelangang mawala.. bwahahahaha

    ang gulo ko tuloy no..

     

  22. the donG Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209484200000#c8757173098569375550'> 29 April 2008 at 11:50 PM

    Gusto kong ako mismo ang maglinis sa dumi, putik, libag, libog, galit, at iba pang paninibughong kumapit sa aking damit.>>> astig talaga! ako din siguro kelangan na ring maglaba ng sariling damit. hehehe... parang paglalaba na rin ng buhay.

     

  23. Abad Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209490020000#c417509437922194328'> 30 April 2008 at 1:27 AM

    ayos tong blog mo ah. pinagisipan, ililink kita.

     

  24. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209496860000#c995258738537154804'> 30 April 2008 at 3:21 AM

    @ keith - lumayas ka na sa inyo! ha ha

    @ ferbert - sus, porke't ex e mantsa na kagad. matapos mong mantsahan at lahat... he he

    @ the dong - mukhang ngaun mo lang naisipan na labhan sarili mong damit a. sana makatulong ung colorcare tips :-)

    @ abad - salamat naman at nagustuhan mo ang simpleng blog ko. wag ka lang maaadik dito dahil madalang ang update ko! ha ha

     

  25. dabo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209530880000#c1708051812444096477'> 30 April 2008 at 12:48 PM

    salamat sa pagdaan abou..

    perou di kou pa rin alam ang sagou sa tanoung mou... he he he cheers!


    regards bro

     

  26. http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209564480000#c647433326388232621'> 30 April 2008 at 10:08 PM

    Try mo maglaba sa fully automatic na washing machine. HEAVEN! Woot woot! Hehehe! = P

     

  27. acey Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209621240000#c9160615128711347401'> 1 May 2008 at 1:54 PM

    hi, abou! parang symbolic rin ang post na to, ha. hehehe.

     

  28. http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209631080000#c5047403063839234281'> 1 May 2008 at 4:38 PM

    ito na marahil ang pinakagusto ko'ng post mo EVER!!! (nakahighlight, bold at italicized yan). napaka symbolic, buhay na buhay at puno ng damdamin.
    although hidni ako naglalaba. parang gusto ko na rin matuto at magkaroon ng kasama na gagawa ng ganyang klaseng mga alaala. naks...
    nakakahawa ka! hahaha

     

  29. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209642780000#c8077435974604953204'> 1 May 2008 at 7:53 PM

    @ dabo - tsaka na natin pag isipan ang sagot, kampay na lang!

    @ gas dude - gudluck na lang sa singapore! woot, woot!

    @ acey - ewan ko kung symbolic, basta lang he he

    @ wandering - salamat sa papuri, salamat. ganun talaga kapag puno ng himutok ang damdamin, kailangan ilabas ha ha! Laba tayo!

     

  30. Whaddaheck Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209670680000#c7637381158925510969'> 2 May 2008 at 3:38 AM

    wow ganda ng post! naantig ako dun... gusto ko na tuloy maglaba forever... masakit nga lang sa kamay...

     

  31. coldman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209751500000#c2181176122670837056'> 3 May 2008 at 2:05 AM

    ang lalim mo naman! dyuk.

    di ko talaga trip maglaba, buti na lang may waching machine. =)

     

  32. paolo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209766380000#c6384063859666351030'> 3 May 2008 at 6:13 AM

    sigurado ka bang tungkol lang ito sa paglalaba?

    peace =P

     

  33. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209786000000#c6904209119781035058'> 3 May 2008 at 11:40 AM

    @ whaddaheck - maglaba forever? sus wag naman. baka mawalan ka na ng oras sa lablayp nyan.

    @ coldman - malalim ba? hay...kung minsan nga parang nalulunod na ako. glug, glug. he he

    @ paolo - tungkol ito ke gabby conception. ha ha

     

  34. acey Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209825180000#c4815125414277261487'> 3 May 2008 at 10:33 PM

    ay, hindi pala ito metaphorical? sorry, sorry. na-carried away po. =D

     

  35. bugITs Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209886680000#c5934716007617665405'> 4 May 2008 at 3:38 PM

    WOW! galing mo ah! para kang makata! kaya mo yan amigo! pero ako ang naglaba last saturday..naawa na ako sa mama ko..aheheh

     

  36. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209916620000#c2657766974528079148'> 4 May 2008 at 11:57 PM

    @ acey - ikaw kasi, puro luto na lang inaatupag mo he he

    @ bugits - hindi ako makata. labandero ako ha ha.

     

  37. http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209925920000#c5313706420113211269'> 5 May 2008 at 2:32 AM

    awww. i like this post, so melodramtic!

    na icompare mo ang paglalaba sa buhay pag ibig mo...

    bilib din ako sa drier, sana nga, matuto din tayo katulad ng drier isang pihit lang tanggal ang ecess na tubig at hinanakit sa buhay!

     

  38. Lawstude Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209955380000#c6132096008815533342'> 5 May 2008 at 10:43 AM

    ayoko na maglaba. ang dami ko na guess at la coste na nahawahan ng iba kulay. ang mahal pa naman ng bili ko nun sa divisoria ( 4 for P500 may libre pang panyo na pierre cardin).

     

  39. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1209962160000#c6663182940110215647'> 5 May 2008 at 12:36 PM

    @ mink - mukhang ambait mong aso. pwede kita alagaan? aw aw. he he

    @ lawstude - ha ha. bili ka na kasi ng orig!

     

  40. http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1210050840000#c409427190269529906'> 6 May 2008 at 1:14 PM

    Malaki na ang developments ngayon sa field ng laundry. Maging ang sexual roles dito ay nabago na din. Si Mr. Clean yata nagpauso. Pati si Joey de Leon nakikilaba na. Na try mo na ba ang isang banlaw ng downy? Ako hindi pa.

    Salamat pala sa pagbisita.

     

  41. http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1210052340000#c128148005198185632'> 6 May 2008 at 1:39 PM

    marunong akong manglaba.. pero hate ko talaga ang maglalaba.

    mas gusto ko pa ang mamamlansta.

     

  42. van Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1210196280000#c1991129413318150334'> 8 May 2008 at 5:38 AM

    magandang ilagay na skill ito sa resume' mo pag nag-aaply ka sa iyong nililigawan ;)

     

  43. http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1210222560000#c2794465652461515824'> 8 May 2008 at 12:56 PM

    Para maging malinis, kailangang magbayad ng mahal! Para makatipid ng sindami ng tubig sa Pagsanjan Falls, gumamit mag-isang banlaw lang.

    Marunong din akong maglaba, kaya pangarap ko magiging rtagapaglaba sa Malacañang. Siguradong walang gusot.

    Ambot lang!

     

  44. yarnhoj Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1210231200000#c8386283964874732992'> 8 May 2008 at 3:20 PM

    hehehe...oo nga...naglalaba ako, may angal?! yeah, galing ng comparison mo ng paglalaba mo sa tunay na buhay...

    hulaan ko sabon mo? ariel? hehehe, pareho tayo...

    may bago pala akong blog: http://bagongyarnhoj.blogspot.com

    pero kung hindi mo type, try mo na lang dati kong blog...:)

     

  45. Anino Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1210318020000#c7061644579618587174'> 9 May 2008 at 3:27 PM

    Parang kanta ito.

    Duet iyon ng isang babae at lalakeng kumakanta.

    Pambahay at maong na pantalon lang ang nilalabhan ko sa makinang panglaba.

     

  46. Silver Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1210708560000#c6961882170097353097'> 14 May 2008 at 3:56 AM

    nice blog..
    visit me back at my Blog

     

  47. lethalverses Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1213228320000#c7181440284983254569'> 12 June 2008 at 7:52 AM

    astig... gusto ko ung linyang "kaya dito kita lalabanan.."

    haha nakakarelate...

     

  48. hangeng Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1282797659900#c9058469992173578325'> 26 August 2010 at 12:40 PM

    This season is all about lace. thomas sabo schmuck günstig I am talking about crocheted cotton lace, sabo charms the kind your great grandmother thomas sabo engelsflügel wore. Think of the old doilies she used to angebote thomas sabo make. Lace is on everything these days from clothing, handbags and the rest of the accessories. You will see handbags made out of it or adorned with it. It is made into lightweight thomas sabo flowy scarves. Bangles are big and anhänger thomas sabo covered in lace with matching necklaces and earrings. The thomas sabo kette necklaces have lace beaded into it, thomas sabo 2010 beaded with lacey disk beads thomas sabo online shop or lacey beads themselves. It will not be hard to find a great shirt with lace on the top and accessorize it with matching earrings, thomas sabo halsschmuck necklaces, scarves or handbags. thomas sabo ohrringe Use them tastefully together but don't go overboard. A little of each goes a long way. Handmade is big in this category so don't go looking only at stores; keep those art shows in mind for that unique great find.

     

  49. Diamond R Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/04/dirty-laundry.html?showComment=1341987779335#c6864393714850739515'> 11 July 2012 at 2:22 PM

    ang lupit nito.lalo na ang offtopic at the end.

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .