Ako ay isang hero. Tagapag ligtas ng mga naaapi.

Praktis lang. Ito ang kagaguhang ginagawa ko kapag ako’y walang magawa. Ang pag tripan ang aking sarili na ako ay isang nilalang na maraming superpowers.

Napaka ordinaryo naman kasi ng layp ko. Walang excitement. Kung hindi ako nakatunganga sa kawalan, malimit binibilang ko ang kalyo sa aking kamay o di kaya ay kinakagat ang aking kuko. Kaya naisip ko, ang angas ko siguro kung meron me na kakaibang lakas. Lakas na pagnanasaan kaiiingitan ng lahat.

Pero hindi e. Kapal lang ng mukha meron ako.

Sino ba naman ang hindi nangangarap ng gising ngayon sa hirap ng buhay sa bayan ni juan. Ang haba kaya ng pila sa mga lotto station. Talo ang pila sa Caregiver at Sex and the City. Kahit alam kong 1:2 million ang posibilidad na makuha ang winning combination, nakikipila na rin ako. Na kalimitan naman ay isang numero lang ang nakukuha ko. Sayang ang sampung piso o kung minsan beinte. Pang text-text na din yun sa Gobingo at Games Uplate Live o pamboto sa Pinoy Idol.

Actually hindi naman talaga ako nangangarap ng mala superman na powers, hindi bagay sa patpatin kong katawan. Ang gusto ko lang talaga ay mailigtas si Ces Drilon sa mga kumidnap sa kanya. Alam kong nahirapan siyang umebs sa bundok. Sana nabigyan sya ng mga bandido o kung sino man ng toilet paper dun. At ngayong malaya na sya, natuwa naman ako. Natuwa ako para sa mga taga Sulu. Sa laki ng nahuthot na pera mula sa kidnapping na to, siguradong maganda ang ikot ng ekonomiya doon.

Ang gusto ko lang talaga ay mapababa ang presyo ng well-milled rice. Yun kasi ang palaging binibili ko kasi buo yung butil ng kanin kapag sakto pagkakasaing. At ang totoo nyan, wala akong access card para sa NFA rice.

Ang gusto ko lang talaga ay mapababa ang presyo ng gasolina. Kasi marami na ngayon ang nagco- commute para makatipid at hindi na ginagamit ang kanilang mga sasakyan. Kapag nagtuloy tuloy ang pag akyat ng presyo ng langis sa world market, na hindi malayong mangyari, aba’y malamang hindi na nila gamitin ang kanilang mga sasakyan at kalawangin na ang mga ito. Sayang.

Ang pinaka gusto ko lang talaga, na gustong gusto ko talaga, ay magkaroon ng kakaibang laser vision. Para makita ko kayong lahat na hubad habang naglalakad. Para mapasok ko maging ang kukote ng mga masasamang tao at maisuplong kagad ang maitim nilang mga binabalak. Para makita ko kagad kung sino ang me dalang armas, patalim, ice pick, droga, condom.

Pero wala e. Kapal lang ng mukha meron ako. Tsaka mga kalyo. At mga kukong hindi pantay ang pagkakakagat.

Ganito lang talaga ako. Isang tao na pilit nagpapaka hero.

O isang hero na pilit nagpapaka gago ordinaryo…


facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

52 Response to 'Superhero'

  1. http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213627140000#c2229086167534026375'> June 16, 2008 at 10:39 PM

    superhero!

    save me! ehehehe. ^_^

     

  2. escape Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213635660000#c5310305036776817385'> June 17, 2008 at 1:01 AM

    astig ka! ano naman lagi mong iniisip na power?

     

  3. atto aryo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213665000000#c8704158778137038045'> June 17, 2008 at 9:10 AM

    sa totoo lang, mga herong kagaya mo lang ang hinahanap ng bayan. mabuhay ka! (ayan nasersoyo ka tuloy) :-)

     

  4. odin hood Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213672260000#c3431069079119652968'> June 17, 2008 at 11:11 AM

    madalas iniisip ko sana meron ako telekinetic powers hehe tamad kasi ako... kunwari may gusto ako abutin pero malayo mula sa pinagkakaupuan ko, itataas ko yung kamay ko, nakaturo dun sa gusto ko kunin at iniisip ko ng matindi na lalapit yung bagay na yun..... pero never naman lumalapit kahit man lang gumagalaw hehe

     

  5. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213672920000#c529828708664043850'> June 17, 2008 at 11:22 AM

    @ vanny - damsel in distress? he he. wait lang bihis lang ko ng costume!

    @ the dong - araw-araw iba-ibang power iniisip ko... lahat kung paano yumaman ha ha.

    @ r-yo - seryoso naman ako a... tunog seryoso he he

     

  6. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213673820000#c7618344136460328368'> June 17, 2008 at 11:37 AM

    @ odin hood - hanep telekinetic powers ha. konting ingat sa praktis odin, baka lumabas utak mo nyan he he.

     

  7. CaleB Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213675980000#c1819979242270507852'> June 17, 2008 at 12:13 PM

    haay.. 2lad ng sabi ni ate V.. kung ganun lang kadali yumaman marami na sana ang lumunok ng bato.. haha..

    pero malay naten.. we are superheroes naman di ba in our own little way.. YOWN!

     

  8. blanne Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213687560000#c5872048284267114612'> June 17, 2008 at 3:26 PM

    uy ang ganda naman ng entry na ito. nakakaaliw. pero seriously, sana nga. sana nga maging superhero ka na. hehehe

     

  9. Si Me Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213690680000#c8254526047061230650'> June 17, 2008 at 4:18 PM

    napadaan lang... lahat naman tayo superhero eh, with all those out of this world superpowers, in our own lil way...he he he..

    kung magkakaroon siguro ako ng power (nakisali na rin ako ha), ang gusto ko eh 'yong power to make bad stuff good... diba astig 'yon.. darating 'yong panahong mababait na lahat, so di na kailangan ng superhero, pede na akong magpahinga... nakakapagod rin 'yong lipad ng lipad ah.. :D

    link kita ha, pede?

     

  10. Denis Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213693680000#c2431007590990380583'> June 17, 2008 at 5:08 PM

    hahah

    eto talaga ang trademark ni sir abou! random random ramblings

    u just have to love it

    hahah

     

  11. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213698420000#c3651694080829196152'> June 17, 2008 at 6:27 PM

    @ caleb - mukhang close talaga kau ni ate v a, he he. tama kau ni ate v, hindi nadadaan sa paglunok ng bato ang laban ng layp.

    @ blanne - salamat blanne at naaliw ka. basta tawagin mo lang ako at i'l be there, ha ha

    @ me - di kaya boring na ang mundo kung lahat tau mababait? he he. magpapakasama na lang ako nun, para maiba lang.

    @ the menace - uu, eto talaga trademark ko -- underdog at kawawa ha ha. pero lovable he he

     

  12. Unknown Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213706640000#c4690832001234330874'> June 17, 2008 at 8:44 PM

    napadaan lang po, mangyan din ako na nahahanap ng katribu. Link kita sa Kwentong Bancuro at http://visavis-kabulastugan.blogspot.com. Ayos ang mga atake mo, sandugo...

     

  13. PoPoY Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213760820000#c4920864485312309915'> June 18, 2008 at 11:47 AM

    wow superhero pala.

    nalulunod yung lamok save the lamok!!! hihihi :)

     

  14. http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213761780000#c299565299961843067'> June 18, 2008 at 12:03 PM

    parang gusto ko na na maging super hero ka. hehe

     

  15. http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213762500000#c7800685377406490574'> June 18, 2008 at 12:15 PM

    pwede ba akong maging super villain mo? hahaha

     

  16. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213762740000#c7936803967473708846'> June 18, 2008 at 12:19 PM

    @ via-a-vis - naghahanap ka ng ka tribu? naku bago ka makasali sa tribe ko kelangan mo muna tumulay sa alambre at kumain ng apoy ha ha.

    @ popoy - hoy popoy hindi nalulunod yang lamok, nangingitlog yan lang he he

     

  17. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213762980000#c4862257445077626235'> June 18, 2008 at 12:23 PM

    @ dakilang tambay - salamat mia. pero lam kong di u kelangan ng hero, dami mo kaya taga saklolo haha.

    @ wandering - ewik, pwede ka super villain ko basta galingan mo ha at wag ka maawa sa akin ha ha

     

  18. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213763940000#c1022734818431912932'> June 18, 2008 at 12:39 PM

    haha.. ang kulet sige nga test naten

    HELP!

     

  19. lethalverses Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213766700000#c3203119794767310360'> June 18, 2008 at 1:25 PM

    haha... lakas na pagnanasaan...

    syet, gusto ko nyan! hahaha

    pag nakabili ka, ibili mo ko ng tatlo ha.

     

  20. Admin Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213772700000#c7654724877419124349'> June 18, 2008 at 3:05 PM

    Nice naman... Kung magiging Superhero ka ba, sino ka at bakit?

    Hehe :) Just asking!

     

  21. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213773900000#c4870207237774367340'> June 18, 2008 at 3:25 PM

    @ dazedblu* - o bat parang halinghing yang HELP mo ha ha

    @ lethalverses - sorry napakyaw ko na lahat he he

    @ richard - aba at may Q&A pa pala dito. ha ha. ikaw muna he he.

     

  22. Oman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213777440000#c2420497767563814666'> June 18, 2008 at 4:24 PM

    ako gusto ko yung power ng bata sa the heroes na kaya kontrolin ang machines lalo na atm.

    bro, ni-link kita ha. tagal na natin exchnage comment di pa pala kita na link.

    ingat sa pangarap ha.

     

  23. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213806840000#c3112580822507306650'> June 19, 2008 at 12:34 AM

    ano? ahehehe. si abou tlaga. dami mong ka abnormalan!

     

  24. mikel Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213842060000#c5591873750412374111'> June 19, 2008 at 10:21 AM

    hanap tayo ng kryptonite! :D

     

  25. ardee sean Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213844880000#c8432660180552554378'> June 19, 2008 at 11:08 AM

    kulit ng laser vision na powers ah..hehe.. bigyan mo din ako nun ha.. sige, go up, up and away na!

     

  26. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213850580000#c812039222588252280'> June 19, 2008 at 12:43 PM

    @ v - ha ha masanay ka na. normal lang saken maging abnormal!

    @ amicus - itago lahat ng kryptonite pls!

    @ ardee sean - cge share ko sayo pero wag mo gamitin sa kin ha? he he

     

  27. Dabo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213853400000#c283047185624891990'> June 19, 2008 at 1:30 PM

    napaka-noble mong tao..


    PS: gustong gusto ko ang powers ni storm.. nagtataka nga ako sa xmen.. dahil hindi siya ng pinakamalakas.. eh to think.. aba hirap paririkin ang mata ha

     

  28. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213862580000#c4896669633558753925'> June 19, 2008 at 4:03 PM

    ako ay isang superhero,

    ilang kapangyarihan ang mayron ako

    ilang tao na rin ang nailigtas ko..

    pero lahat ng iyan ay sikreto

     

  29. Coldman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213870740000#c168445636957960760'> June 19, 2008 at 6:19 PM

    sana'y matupad ang pangarap mong maging superhero kasi uunlad ang Pinas!

     

  30. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213873800000#c8660504096173187544'> June 19, 2008 at 7:10 PM

    @ dabo - ang duda ko nasasarapan yang si storm tuwing pinatitirik nya kanyang mga mata he he

    @ kingdaddyrich - mukhang mawawalan ng trabaho mga pulis sayo a ha ha. sige i-secret na lang natin

    @ coldman - naku hindi na pala uunlad ang pinas kung ganun? ha ha

     

  31. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1213950720000#c7241561475673822857'> June 20, 2008 at 4:32 PM

    mabuhay ka, abou! di mo naman talagang kailangan ang laser vision eh. :)

    ...pero masaya sigurong kakikita ang mga tinatago ng iba, noh?

     

  32. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214007840000#c8613118621471779731'> June 21, 2008 at 8:24 AM

    Nice. Hehe.

     

  33. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214035980000#c1171041617506146192'> June 21, 2008 at 4:13 PM

    gusto ko rin yung powers ni storm

    para kung ayaw ko pumasok sa skul, papabagyuhin ko, or kung christmas kaya, papa snow-in ko,

    siya nga yata ang pinakamalakas na mutant.

    pinangarap ko rin ang laser vision medyo may kalibugan din ako dati eh.

    hehehe

     

  34. jericho Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214114640000#c8398361552487438633'> June 22, 2008 at 2:04 PM

    iba ang trip natin ngayon ah ... ako gusto kong superpower eh kay Mystique tapos magiging GMA ako .. ia-announce ko ang rollback ng presyo ng langis, ipapakulong ko si Mike Arroyo at Jovito Palparan .. tapos sabay declare ako ng resign .. devah bongga!

     

  35. Ely Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214159640000#c1153658453272338027'> June 23, 2008 at 2:34 AM

    Haay..buhay, napakatalinghaga naman ng post mo. Gusto ko rin magkaroon lahat ng minimithi mo.

     

  36. Jerick Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214254620000#c4842449239215042782'> June 24, 2008 at 4:57 AM

    nice blog. first time ko lang dito. :)

     

  37. sexymoi Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214297160000#c2045271546800926281'> June 24, 2008 at 4:46 PM

    hay... sana nga me superhero... tagapag ligtas ng naaapi. sana...

     

  38. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214320080000#c9115197937700081967'> June 24, 2008 at 11:08 PM

    hehe. natuwa ako sa post mo! :D
    napadaan lang. bloghop. hihi.

     

  39. Dabo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214369220000#c244086799481158231'> June 25, 2008 at 12:47 PM

    lang bago..

     

  40. TENTAY™ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214433900000#c3604626529874638220'> June 26, 2008 at 6:45 AM

    Hehehehe pakiligtas nga ako dahil ako'y nalulunod AKO!! carlos david ba pangalan mo!!!!?

     

  41. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214603100000#c908302021690178546'> June 28, 2008 at 5:45 AM

    bumisita lang :)

     

  42. Oman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214806680000#c1401269789909241716'> June 30, 2008 at 2:18 PM

    Nice!!!

    By the way i am campaigning for INSULARE and DONGISM in Filipino Blog of the Week. Kindly VOTE for them in Talksmart's or my blog. The poll is in the upper right side of the blog. Just check both their names. Take Care!!!

     

  43. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1214969700000#c4061515830433342221'> July 2, 2008 at 11:35 AM

    HI, Kuya abou! Astig ah. Ako pinangarap ko ding maging superhero yong pagiging invisible ang power. Masaya yon. Hehe.

    pero hini malayo maging hero. you can be a hero in the lives of others. madrama nga lng. Haha.

    Oi, kuya, exlink po.

    Pagpatuloy ang pangarap. :P

     

  44. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1215062700000#c1981032118149389688'> July 3, 2008 at 1:25 PM

    dahil ako
    ang superhero
    ng blogosphere

    DATI

    di ko na alam
    kung sino na
    ang superhero ngayon
    ng blogosphere

    pwedeng pwede ka.
    :)


    .xienahgirl

     

  45. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1215149820000#c4453556186347401151'> July 4, 2008 at 1:37 PM

    Abou, kamusta?

    Sana mauso ang bisekleta. Tipid sa gasolina at makababawas polusyon.

     

  46. duke Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1215333660000#c6349168024137948040'> July 6, 2008 at 4:41 PM

    nakalabas din ba brip mo?iozkn

     

  47. http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1215341280000#c3462409836082266862'> July 6, 2008 at 6:48 PM

    sino ka naman si kapitan boom?

    pero lahat naman tayo gusto maging maayos ang bansa natin.

    we can be heroes in our own little way naman po.:D

     

  48. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1215533280000#c564384585916057864'> July 9, 2008 at 12:08 AM

    Hi!

    My friends and I came up with SparkandStyle, an online clothes shop for men and women (although we have more stuff for men right now). We're selling mostly concept tees obtained from up and coming shirt designers in Bangkok. All unique, all original.

    We'd be thrilled if you and everyone reading your blog can drop by and shop with us.

    Thanks! ;-)

     

  49. Anino Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1215655680000#c3783879990842213131'> July 10, 2008 at 10:08 AM

    Si Storm, nauntog lang sa Xmen 1 movie, ayun hinimatay na.

     

  50. chroneicon Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1216638120000#c8240723880826131614'> July 21, 2008 at 7:02 PM

    ang lupit ng last part.

    *sambaaaa*

    bilib ako sau, bagong idol!

     

  51. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1217087460000#c8606223429816661950'> July 26, 2008 at 11:51 PM

    ayan magcomment ako para kunwari close tayo haha :D kung mging hero ka anong pangalan mo curious lang haha :D dumaan nkichismax :D

     

  52. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/06/superhero.html?showComment=1218564420000#c8353189157340731941'> August 13, 2008 at 2:07 AM

    kalibang talga ung mga underline mo superman..

    btw,
    share me naman ur voting power oh pls..hehe

    nominated po si AJ..ty talga


    http://www.pinoyworld.org/blog-of-the-week/

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .