Hindi ko makakalimutan ang araw na ako ay napilitang manahimik sa buong blogosperyo.



tumabling tambling sa bubong para makakuha ng eksklusib piktyur


Iyon ang araw na napanaginipan ko si Juday. Pilit idinidikdik sa aking kukote ang system loss habang umiindayog sa Bleeding Love ni Leona Lewis. Kaya siguro napabalikwas akong nilalamig. Giniginaw, kaya naisip kong patayin ang aircon para matuwa si Ploning. Pero naalala ko, wala pala kaming aircon.

Ayun at bumabagyo pala. Humihiyaw ang hangin at pilit hinihigop ang aming yero na tila yata bibigay na. Galing naman ng wake-up call ko ngayong umaga, ah. Parang nasa Big Brother house ako na maraming plus. Pag-aaliw ko sa aking sarili. Para pagtakpan ang matinding kaba. Mabagsik ang bawat hagupit ng bagyo. Parang si Baron Geisler kapag nalalasing at Madam Auring kapag sober.

Tandang tanda ko nung sinabi ni Kuya Kim na signal number one lang ang Aklan. Pero nung mga oras na yun tila nasa signal number four kami at nasa kinatatayuan ko ang mata ng bagyo. Ito na siguro ang ibig niyang sabihin ng "ang buhay ay weather-weather lang".

Hindi binabaha ang kalsada namin kaya tinatawag itong "taas". Pero hindi sa araw na iyun. Wala ng nakapagpigil ng pumasok ang tubig sa bahay namin. Hindi na nakaya ng powers ng sandbag at mga harang... blah, blah, blah... In short, bumaha.



Kaya ayun napilitan kaming lumipat sa isang lugar na tawagin nating "bahay ni lola". At habang gadibdib ko ang baha, isa isa kong binuhat ang aking gamit at lakas loob na lumusong sa gitna ng lumulutang, uulitin ko lumulutang, na tangke ng gasul, ref, aparador, atbpa.

Mga naisalba ko ayun sa pagkasunod sunod:
1. PC - Porn Cds Personal Computer
2. Pictures - gaya ng mga piktyurs ko habang lasing, o naka pikit, o naka talikod
3. Konting saplot sa katawan
4. TV - para patuloy kong masubaybayan ang masalimuot na buhay nina salvador at abigail sa El Cuerpo del Deseo.
5. Ayoko na ilista. Dahil nahihiya ako. Marami akong naisalba samantalang ang iba ay wala.

Lagpas tao ang baha sa amin. Habang sa mga mas mababang kalsada ay lagpas bubong.





Sa mga sumunod na araw, lubog sa malalim na putik ang bayan ng Kalibo. Walang tubig, walang kuryente, walang komunikasyon, wala halos makain. Walang mayaman, lahat mahirap. Weather-weather lang nga. Pero alam ko, malalagpasan namin ito. Ngayon ko naintindihan ang ipinapahiwatig ng panaginip ko nung araw na iyun ke Juday.

System loss. Yun siguro yun, basta...




facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

32 Response to 'Frank'

  1. odin hood Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215753240000#c6443262979893621380'> July 11, 2008 at 1:14 PM

    hanggang ngayon ba baha pa rin sa inyo?


    hope your ok na...

     

  2. atto aryo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215771540000#c5517339002147614294'> July 11, 2008 at 6:19 PM

    Nanangkupo! Grabe pala damage ng bagyo sa inyo. Kumusta ka naman? Sana naman e kumakain na kyo ngayon. Bilib naman ako sa yo, nakakapagpatawa ka pa sa gitna ng miserableng kalagayan. Pinoy ka ngang talaga. P.S Kelan ba naging sober si Madam Auring? :-)

     

  3. Jhaynee Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215787740000#c8239714093197899469'> July 11, 2008 at 10:49 PM

    pst! may post man ko kay frank.. si maldits may ara man kay taga iloilo man gali ang abnormal ya.. tapos magpuli pa di kay nagbulig sa family ya..

    hidlaw man kami sa imo ba.. dugay2 ka man wa kapabatyag di.. hehehe..

    musta ka na da? tani ok ka kag ang imo family

     

  4. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215788040000#c7759663498800511726'> July 11, 2008 at 10:54 PM

    you're back! miss you. chos! tsk, sorry sa nangyari sa inyo (kahit hindi ako si Frank). sana kahit paano eh medyo ok na kayo at mga kababayan sa Aklan.

     

  5. Mar C. Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215789300000#c215025074381028479'> July 11, 2008 at 11:15 PM

    hehe... anu kinalaman kaya ni juday sa mga hinaing ng tao about pagtaas ng kuryente?teka, meron nga ba? ah BASTA yun na yun.hehe.. napadaan..

     

  6. Ely Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215796020000#c2248456662040554382'> July 12, 2008 at 1:07 AM

    hirap talaga pag sa isla nakatira,. baha pa din ba? hopefully, bumaba na tubig, at hindi na lumulutang mga kagamitan mo, hehe.

     

  7. TENTAY™ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215814800000#c1583928528465498524'> July 12, 2008 at 6:20 AM

    homaygulay grabe naman baha yan. dami ko nakikta ganyan dati sa pampanga non don pa kami nakatira. :/

     

  8. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215835560000#c3384575927852701168'> July 12, 2008 at 12:06 PM

    yehey, you're back! good to know u are ok.

     

  9. http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215861600000#c1909721763815966993'> July 12, 2008 at 7:20 PM

    balita ko nga din malupit daw ang nangyari jan... ingat ka na lang dude... pero mas mag ingat ka kay ryan, ikakasal na kasi sila ni juday eh... hahaha

     

  10. http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215866400000#c1634666949695526743'> July 12, 2008 at 8:40 PM

    nakakalungkot naman. pero makakasurvive din kayo. May binigay na ring donation si Bill Gates so for sure, maaayos din ang Kalibo.

     

  11. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215874320000#c622016959947974272'> July 12, 2008 at 10:52 PM

    so sorry to lear you got affected... how i wish i could help. hope all is ok, bro.

     

  12. escape Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215965820000#c1109606284500500591'> July 14, 2008 at 12:17 AM

    oo nga. apektado pala kayo. sana ok na ngayon.

    tagal mo ngang hindi nakapagpost.

     

  13. Tiborsho Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1215976560000#c4352036712403858092'> July 14, 2008 at 3:16 AM

    wahh.. ngayon ko lang to nabasa.. tol, ok ka lang? yung PC mo? di nabasa?

     

  14. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216039740000#c6427175498098340345'> July 14, 2008 at 8:49 PM

    @ odin - hindi na baha sa min, maputek lang, tsaka maalikabok he he

    @ r-yo - kailangan natin tumawa e, para ma maintain ung sanity

    @ jhaynee - cge bisitahan ta man bi ang post mo ke frank...

    @ jericho - medyo ok na. teka ok na ba ko?

    @ pensucks - ewan ko nga din e, he he

    @ ely - hindi ako sa isla nakatira.

    @ tentay - homaygulay talaga!

    @ gibo - sana totoo yang tuwa mo na ako'y nakabalik ha ha

    @ wandering - ingat din

    @ keitaro - sana maambunan din ako ng tulong ni bill gates kung meron man. tas, i share ko sa inyo lahat he he

    @ acey - salamat sa concern.

    @ pietro - pag iisipan ko, sa panahong gipit ka, lahat gagawin ko ha ha. teka anong produkto nyo? wag lang ataul ha

    @ the dong - oo nga tagal ding wala akong post. gusto ko kasing pausuhin ang hiatus e

    @ tiborsho - di naman nabasa ang pc ko. bukas tingnan ko kung gumagana pa. ipagdasal mo ha... he he

     

  15. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216100760000#c7739641318815361298'> July 15, 2008 at 1:46 PM

    YAY! I hope yer ok na, btw. nakakatuwa naman at nagbalik ka na sa blogging.

    At anu naman ang konek ni Juday sa bagyo?

     

  16. churvah Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216103340000#c5319331728891669227'> July 15, 2008 at 2:29 PM

    hay sus!
    ke grabeng damage naman yan.

    nakakapagtaka nga yung weather report sa bagyong frank..kasi sabi din dito signal #1 lang,pero super lakas din.

    buti na lang matibay ang kapit ng mg yero sa bubong namin.

    buti naman at may nailigtas kang gamit gaya ng iyong PC- porn cd's

    haha!
    welcome back.

     

  17. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216135380000#c2431351099630249813'> July 15, 2008 at 11:23 PM

    @ dazedblu - ewan ko kung ano konek. Nasabi ko lang panaginip ko. Sana natayaan ko un sa lotto

    @ churva - sana sincere ung tuwa mo sa pagblik ko he he. Biro lang.

     

  18. http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216170720000#c2768610270989672031'> July 16, 2008 at 9:12 AM

    Nyahaha! Nanonood din ako ng El Cuerpo nung nasa Pinas ako! Huhu wala lang dito sa Singapore nun. Ano na ba nangyari kina Salvador? Nahanap na ba siya ng totoong asawa at anak niya? *LOL*

     

  19. http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216193700000#c7172588152108470790'> July 16, 2008 at 3:35 PM

    ok lang ba yung lugar satin?

    astig ang tema ng blog mo ah..:)

     

  20. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216215000000#c4455605564461915988'> July 16, 2008 at 9:30 PM

    @ gasdude - alex fan ka din pala ng El Cuerpo haha. update na lang kita lage ha ha. woot woot.

    @ ever - ok na, walang choice e, kelangan gawin nating ok. sana mawili ka dito sa site kong ewan

     

  21. http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216216860000#c563060797895980427'> July 16, 2008 at 10:01 PM

    i link kita ha..maganda to pang pamatay homesex!,ay! este,pamatay homesick dito sa kuwait!

     

  22. Lyka Bergen Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216238100000#c4280115903826804237'> July 17, 2008 at 3:55 AM

    Saan banda ng Aklan toh? Grabe pala! Di lang Iloilo but buong Panay!

    Yung sa amin, accdg to my Mom, eh hanggang waistline sa loob ng bahay. Taga-Jaro kami, btw.

    Ayun! Brand New ang fridge and gas range namin ngayon.

    Ang masama, lahat ng old Albums and Photographs di na-save. At di ka makabili ng replacement nito.

    Salot si Frank!

     

  23. BlogusVox Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216277760000#c2409437134542123573'> July 17, 2008 at 2:56 PM

    First time to comment here. Nakatanggap ako nang pics galing sa sister ko. At first I didn't recognized Roxas Ave. Ext. dahil sa tindi nang damage. I hope everythings back to normal na sa Kalibo.

    I'm glad to know I meet a fellow blogger na "kasimanwa".

     

  24. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216296300000#c5567212548620852373'> July 17, 2008 at 8:05 PM

    @ lyka - yan ang capital town ng aklan, ang kalibo. as compared to iloilo, medyo worse ung nangyari dito.

    @ blogusvox - kasimanwa ha ha. mabuhayan pat-a bago makabangon ro kalibo. hasta makaron, maeapok gihapon mga karsada kapin pa kada uean. kalisod.

     

  25. enrico Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216309080000#c7429648519074457959'> July 17, 2008 at 11:38 PM

    grabe, nakakakunsyensya dhil gumimik pa yta ako nung bumagyo. bilib ako sa iyong positibong outlook sa bhay. nkukuha mo pa rin mgptawa sa kbila ng lahat (nakiki-close lang). :9

     

  26. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216326000000#c604013319242598725'> July 18, 2008 at 4:20 AM

    di ko rin makakalimutan si Frank kuya.. dahil andyan ako nung umulan ng malakas.. di rin tuloy ako natuloy sa Galera nun.. haaay.. sayang tuloy..

    anyways, sana eh ok ka na po ngayon. =) pero sobra nga ata ung pagkakatama ng bagyo sa lugar nyo.. tsktsktsk...

     

  27. Oman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216349220000#c6009483996109610417'> July 18, 2008 at 10:47 AM

    Hope your ok. Pwede na ba maglibot dyan ngayun o hindi pa?

     

  28. Dabo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216367820000#c3406071183781912051'> July 18, 2008 at 3:57 PM

    siguro pantene na shampoo mo? :)

    --- --

    binaha rin kami dito sa mandaluyong.. pero laking pasasalamat ko kasi di binaha duon sa amin sa bulacan, hirap maglinis ng mga putik, tyak mapapauwi ako..

     

  29. Dabo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216367940000#c2845900203626540921'> July 18, 2008 at 3:59 PM

    nandiyan kami a week before frank hit visayas.. and the place is homey, at nakakagulat talaga yung mga pix na kuha mo..

     

  30. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216392000000#c7550966101671145900'> July 18, 2008 at 10:40 PM

    @ enrico - wag ka makunsensya kung gumimik ka, aba'y anong malay mo sa panahon di ba. he he o sya, cge close na tau.

    @ karmi - sayang ang galera trip mo he he

    @ lawstude - oo pwede na maglibot pero kelangan me mask ka kasi sa sobrang alikabok di mo na makita ang daan kung minsan

    @ dabo - buti na lang di kau naabutan dito ng bagyo hano.

     

  31. chroneicon Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1216637040000#c1102279025534590236'> July 21, 2008 at 6:44 PM

    grabe pare... sana ok na ang mga tao diyan... tulong tulong :(

     

  32. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/frank.html?showComment=1217087880000#c5201407644741943698'> July 26, 2008 at 11:58 PM

    eto nanaman ako magcocoment kc nga kunwari close tayo :d haha. ngtataka lang ako anong date nb?huli ako lagi sa pagbabasa hehe july 26 na ata o 27 n kc d ko alam if past 12 midnight na hehe itatanong ku lang baha pa rin b sa inyo? at eto pa isa tga kalibo ka pla hehe :D so nung ngbora ka napakatagal ng biyahe mo cguro hehe :D nkakaloka ang entry na to. tlgang npicturan mo pa sana may pic ka din dun sa baha abou habang dala ang porn cd's este pc mu hihi :D

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .