Uhugin pa lang ako nun nang magsimula ang isang sumpa tungkol sa paglalakbay. Isang sumpa na dala ang pagkahilo, paghilab ng sikmura at pagduduwal. At ayon sa resident albularyo/manghuhula/grandma, mahiluhin lang talaga ako sa biyahe. Kaya simula noon, ang paglalakbay para sa akin ay isang trahedya na dapat pagdaanan ng paulit-ulit, ng paulit-ulit, ng paulit-ulit-- (stop!). Kaya’t bata pa lang required na nasa window seat ako, para diretso sa labas ng bus ang idinuwal!
Akala ko ang pagiging mahiluhin, isang phase lang. Mawawala din kapag ika’y
Buti na lang nadiskubre ng Pfizer ang gamot sa biyahilo. Kaya medyo guminhawa ang aking trips. Pero hindi pala ganun kadali itong mawala…
Minsan, sakay ako ng bangka papuntang Tablas Island. Dalawang oras ang biyahe. Nakupo, dalawang oras nakapako ang aking puwit sa matigas na kahoy habang idinuduyan ka pataas sa ere at biglang ibaba pabulusok. Walang window seat kasi malakas ang alon kaya kailangan takpan lahat. Ok lang. Nakainom ata ako ng pangontra hilo.
Pero bakit ganun? Pinagpapawisan ako ng malapot. Ipinahid ko na ang aking props na vicks at white flower pero ala pa rin. Umaakyat ang aking inalmusal sa lalamunan. Buong kagitingingan ko pa rin itong pinipigilan habang humahampas ang malakas na alon. Ilang beses din tumigil ang bangka sa gitna ng laot. Sabi ko, magunaw man ang mundo sa oras na yun, hindi ko ilalabas ang sinangag at pritong itlog na kinain ko!
Me isang bata ang bumigay na. I mean naduwal na sa floor ng bangka. Sinundan ito ng kanyang nanay, tapos nung katabi nila. Tapos nung kaharap ko. Hindi ko kakayanin ang ganung eksena kaya
Kaya nga number wan sa listahan ko tuwing bibiyahe ang plastic. Makalimutan na ang pamasahe wag lang yan. Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang sumpa ng paglalakbay. Kaya’t window seat pa rin as usual. Mga sanlibong biyahe pa at baka masanay na din ako. At tsaka lang siguro matitigil ang pagiging adik ko sa bonamine…









hahaha...naku, buti na lang na spare ako ng sumpang yan...teka paano yan kapag aircon ang sinakyan mo? hahaha
@ wandering commuter
na master ko na ang mga pasimpleng pagsuka ng walang nakakapansin sa aircon na bus. use ur imagination na lang ha ha
try mo ang master-in paglulon para mapigil ang pagsulak ng asido. kadiri pero epektib..;)
Wag mo pigilan ang pagsuka. It's the body's natural reaction against dizziness. Pauso ko lang iyan. But seriously, wag mo siya pigilan especially if trip na niyang lumabas, kasi baka pumunta sa larynx mo, asphyxiation abot niyan. Di bale ng pagalitan ng ibang pasahero kesa naman sa morgue abot mo. Ganyan din ako when I was a kid, pero dapat enough lang yung kakainin mo before ka bumyahe. Tsaka may nabibiling barf bag sa grocery, para naman hindi na plastic dala mo. Thanks for visiting my blog pala.:)
wala bang epek ang bonamine?
hehehe..
how bout in airplanes? nahihilo ka parin bah.
hmmm... pano naman yun. linulunok mo ulit? hehehe....
This comment has been removed by the author.
@ jericho - na try ko na paglulon, di epektib e, sumusulak pa rin palabas! he he
@ keitaro - talagang di ko makaya pigilan kc sa ilong lumalabas! try ko burf bag hanap ako thanks!
@ chase - minsan nag take ako dalawa bonamine, akalain mo ganun pa rin nangyari! baka too late ko na nainom e. im trying other brands!
@ wandering commuter uli - di ko kaya lunukin e. kadiri na nga magsuka, mas yuck naman ibalik! pero me classm8 ako b4 nagawa nya yun! ha ha!
sumpa talaga yan.. naalala ko utol ko tuloy nung ngpunta kami sa baguio, baguio to cavite suka sya ng suka. wawa naman,
ang sarap mo namang kasama sa byahe!
ang sarap iwanan! hahaha!
dyuk lang. =)
Aray ko.
Nahilo ako sa entry na 'to.
Ayoko talaga sa mga bangka. Nak ng-- masusuka ka talaga pag tumigil yun bangka pagkatapos ng mahabang biyahe. Waaaaa.
Pero imperness. Naimagine ko mga kasama mong nagsukahan sa bangka. Kawawa naman 'yun maglilinis nun. Bwahahaha laughtrip =))
@ dakilang tambay - tama ka, sumpa talaga to... sumpa ng sampung demonyo! help!
@ coldman - isang malaking pagkakamali talaga ang ako'y isama sa biyahe! kaya palagi na lang me nagpapa iwan! saklap naman...
@ janelleregina - wag natin pagtawanan mga nagsusuka he he... dedmahin na lang at takpan ang ilong!
aaaahh! naalala ko yung isang beses na sinukahan ako ng busmate ko papauwi ng iskul. walanghiyang yun. hahahahaha. buti na lang talaga papauwi na kami kundi, hindi ko matitiis ang amoy na yun. aaargh. :P
ang tawag sa akin ng mga kapatid ko nung bata pa ako eh "buzzer beater".. bakit? hehe, kasi sa tuwing pababa na kami ng bus, saka lang ako masusuka..
sa awa naman ng Diyos eh, di na ako biyahilo ngayon.. nakayanan ko nang sumakay ng eroplano eh.. hehehe.. :D
teka. hindi ko ata nailagay ng maayos ang link ko. hehe.
@ noime - mahal ka pa rin ni lord at yun lang nangyari sa yo! he he
@ karmi - ano bang panata ang ginawa mo at na overcome mo to, ha? share naman he he
Hahaha. ako pa, :)
gising pa ako. 12:35am pa lang dito sa amin (asa saudi po ako). Bat ikaw gising ka pa?
O siya. Dedmahin. At takpan ang ilong =)))))))))))
ahahaha.. ang sumpa nga naman.. buti nga sanay na ung utol ko pag nagbbiyahe.. hehe.. ewan ko lang pag malayuang biyahe na
isa kang malaking PUKE!!!
hah aha..
hindi pa naman maganda ang amoy ng puke... maasim asim..
hehehe!!!
wtf!
@ dakilang tambay/mia - gudluck sa utol mo... at mas malaking gudluck sa akin! nya ha ha.
@ kingdaddyrich - me mabango namang puke a... he he
ahhh ganun bah.. heheh.. kawawa ka naman..