
Dear George
Salamat sa wine. Natanggap ko na. Pero sa layo ng pinanggalingan nito, parang nagdadalawang isip akong inumin. Alam kong sa buhay na tinatamasa mo dyan sa Switzerland e parang tubig lang ang mga ganito. Pero hindi sa hamak na bayan ko.
Salamat sa wine. Natanggap ko na. Pero sa layo ng pinanggalingan nito, parang nagdadalawang isip akong inumin. Alam kong sa buhay na tinatamasa mo dyan sa Switzerland e parang tubig lang ang mga ganito. Pero hindi sa hamak na bayan ko.
Matagal ko ding pinag isipan kung bakit gusto mo akong lasingin. Dahil ba sa ako’y walang social life? Inis ka na ba dahil gabi-gabi akong on-line? Mas lalasingin mo ba ako kung malalaman mong nagpapaka invisible lang ako sa YM kung sabado ng gabi? Kung hindi ito ang mga dahilan mo, aba’y sirit na.
Alam kong naging saksi ka nang minsang uminog ang aking mundo sa bilog , lapad at long neck at… del monte pineapple juice. Inaamin ko na naging matakaw ako sa alak at kahit hindi ko tagay e nilalagok ko. Ako ang me pakana sa gabi-gabi at walang humpay na inuman at huntahan na walang katuturan. Malamang hindi mo na nalaman kung papano nagtatapos ito sa madaling araw dahil ikaw… ikaw ang unang humihilik. Pero ayos lang. Matitibay naman ang sikmura nina Jethro, StarMarlyn, Ryan, Rolf, Roy, Rhona. (Ayan, batian portion na, todo na to!)
Pero noon yun. Oo hindi na nasasayaran ng alcohol ang aking labi. Nagsimula na kasing lumaki ang aking tiyan kaya’t matagal ko nang itinigil ang pag-inom. Baka ikabigla rin ng tatay mo ang rebelasyong ito dahil sa lakas kong tumira ng tuba sa lugar nyo noon.
Subalit dahil sa wine na ito, nanumbalik ang pagkauhaw ng aking lalamunan sa mga boteng merong 15 proof, 30 proof, 40, 50, 70, 80 proof. Pero lalabanan ko ito George. Kung kailangan tawagin lahat ng mga santo-- tatawagin ko! Pero siguro yung mga kilala ko lang. Ayokong lumaki uli ang aking tiyan at dumating ang araw na kailangan ko ng yumuko makita lang ang aking
Huwag kang mag-alala. Iinumin ko ito at hindi idi display lamang. Walang kopita sa haybol ko at ayokong gamitin ang baso ng blend 45 para dito. Kutsarahin ko na lang kaya para matagal maubos.
Siyanga pala, inom ng alak lang itinigil ko at hindi ang pamumulutan.
Sa muli, tenk Q.
Abou
P. S. Malamang uubusin ko to sa semana santa bilang pag gunita sa mga hudas sa mundo.









namimiss ko na rin ang Red Horse, San Mig at Gin-Po..
hehehe, talagang kukutsarahin mo yang wine ha.. :)
para nga naman matagal bago maubos.. ^_^
i also had a pair of havaianas slippers na hindi ko ginagamit.. hheheh. mahal kc.
as to wines and liquor in general, parang hindi ko xa like. i dunno.
@ karmi - alam ba ng nanay mo na lasengga ka? ha ha
@ chase/chubz - kelan mo isusuout havaianas mo? kung mura na?
masarap ang wine kapag relaxed ka at nag-iisa. walan ring witness kapag sumuka...;)
May gusto talaga si george kaya pinipilit ka abou.
May gusto talga si george...
Meron, meron, meron........
uhhh...i think that would be me.. X_x... exchange links? ^_^
Ba! Inumin mo na yan! Mapapanis yan! Hahaha! =D
@ jericho - salamat sa tip. ganyan din ba ginagawa mo? he he
@ ignoramous - akala mo lang meron...pero wala, wala, wala! ha ha. tagay tau igno!
@ yael - kampai!
tama, sa semana santa mo na inumnin yan. bawal ang sumuka. LOL
anong tatak ng wine na yan? parang masarap. hahaha
WOW.. last inom ko ng alak talga! haha. nung 2005 pa.. nung nagdrama ako.. ahahahaha.. :P
samin ang daming wine.. haha.. display ng nanay ko.. meron kami super laki talga! haha
kapag binuksan mo na sama mo ako ah.. para ako na ang magsasara para sayo..
hahaha! kakatuwa naman blog mo.
ey george, gay ka ba. . . .
Hindi naman yata nakakataba ang alak mula sa ubas.Iyong beer talaga ang malakas makapagpataba ng tiyan!