Kung nakamamatay lamang ang inggit siguro matagal na akong dedbol. Isa ito sa mga expertise ko--- ang mainggit. Kaya nga nag blog ako. Kailangan maki uso.

Nung makita ko si Manny Paquiao dito sa Bora nung Pasko, aba'y andar agad ang inggit-radar ko. Nainggit ako sa kanya hindi dahil sa tindi ng kanyang kamao, o sa dami ng kanyang atik, o dahil sa endorser sya ng NIKE. Hindi. Balewala sa akin ang mga yun.

Naghihimutok talaga ako sa inggit dahil sa galing niyang kumalabit ng kwerdas. Kung pwede nga lang sana lumapit at magpaturo ng chords e. Pero hindi ako nakalapit. Mas mabilis ang mga dakilang bantay. Bawal daw. Pagod si Pacman. Napagod sa mga kodakan na nangyari. Kaya't tinanaw ko na lang sya at syempre binigyan ng privacy. Nakakahiya naman kasi kung ipagpipilitan ko pang tugtugin niya ang mga favorite songs ko nung 1990's gaya ng Hit Me Baby One More Time at I Want it That Way.

Musmos pa lang ako, gustong gusto ko nang matutong mag-gitara. Pero dehins ko talaga ma gets e. Hirap talaga pag aralan ang isang bagay kung untalented ka. Kung minsan, kailangan mo talaga ng sandamakmak na lait upang magising.

Ngayon, naisip ko baka pwede ako sa singing.

Naisip ko lang. Basta, naisip ko lang. Maka inom nga ng salabat...
facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

2 Response to 'Manny Xmas'

  1. JoiceyTwenty Said,
    http://abouben.blogspot.com/2007/12/manny-xmas-kung-nakamamatay-lamang-ang.html?showComment=1199041560000#c2170015938032663194'> December 31, 2007 at 3:06 AM

    wow magaling talaga sya maggitara? frustration ko din yan..

    anyway na-link na kita. hmm, tag mo saken last name mo para maayos ko. hmm, at pakipalitan pala yung name ko sa list mo... =D

    it's JOICE... and not joyce.

    hehe, demanding ba??!

    happy new year!

     

  2. http://abouben.blogspot.com/2007/12/manny-xmas-kung-nakamamatay-lamang-ang.html?showComment=1199296200000#c1484434835761635737'> January 3, 2008 at 1:50 AM

    ako rin inggit ako sa kamao ni manny..
    yung kamao lng ha..
    hehehehe

    salabat??
    wow, nag prepare ka kumanta?

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .