SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Makakahiligan ang mga klasikal na musika at ito ay makatutulong sa depresyon at problema. Mababawasan ang paghanga ng isang lihim na nagmamahal dahil sa sobrang kayabangan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at yellow green.

Yan ang sabi ng tabloid para ngayong araw. Kaya kelangan bawas yabang muna habang nakikinig ng classical na tugtog at naka yellow green. Shetness, hindi ata ako yan.

Kapag nakakalito ang buhay-buhay, horoscope ang syang takbuhan ko sa susunod kong mga hakbang. Pumalpak man, syempre horoscope lang ang masisisi.

Noon yun.

Nadala na ako. Kalimitang pumapalpak ang aking buhay sa kakasunod niyan. Ngayon binabasa ko na lang ang horoscope ng ibang tao. Gemini: ang zodiac sign ng taong nagpapatibok ng puso ko. Leo: zodiac ng taong nagpapapintig ng aking puson. Binabasa ko ang kapalaran nila araw-araw para malaman kung sumasang ayon ang mga bituin sa aking masasamang balak.

Mas trip kong basahin ang tagalog na horoscope. Me lucky numbers kasi. Na kapag tinayaan mo sa lotto e unlucky naman. Kaya sa susunod naisip ko, bago tumaya, basahin muna ang lucky numbers, tapos ibang numero ang tatayaan. Baka mas malaki ang tsansang maka tsamba.

Ang kapalaran kasi kung minsan tsambahan. Hindi natutumbok ng kutob ng horoscope. Pero basa pa rin ako ng basa. Parang hinihintay ang hulang magpapasaya sa akin. Kung ako ang gagawa ng sariling prediksyon, malamang ganito ang isusulat ko:

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Hindi ka lamang yayaman sa lotto bukas, mapapasakamay mo pa sina Gemini at Leo ng sabay. Para mapanatili ang lakas, limitahan lamang sa pitong beses ang pagkikipagtalik.




(*Wala sa Topic ito*) Ang kapalaran nga naman. Maganda ata ang hilera ng konstelasyon nung araw na nalaman kong nominado ang blog na ito sa Philippine Blog Awards. Ako lang ata ang nag-iisang jologs na napasama sa disente at kagalang galang na listahan. Hindi ba nila alam na wala akong sariling url? Na hanggang ngayon e default pa rin ang header-banner ko?

Sa maikling salita, ako ang pampagulo sa listahan. Swerte ko naman.

At dahil makapal ang aking mukha, ibinoboto ko ang aking sariling blog para hindi ako mabokya para bigyan boses ang mga bloggers na nagsusulat sa wikang pinoy.


facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

58 Response to 'Horoscope'

  1. dazedblu* Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221221820000#c5295960058900022385'> September 12, 2008 at 8:17 PM

    Whoa tht's kewl huh, reading is soemtimes entetrainning.. esp when you read afer a day of stress and work, and you'll find otu tht wht is been stating is actually true and tht happened to you in soem other way, or else at exact description , right?

     

  2. http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221223860000#c312687877829229370'> September 12, 2008 at 8:51 PM

    hahahaha! no doubt at nominated ka blog awards... nakakatawa naman talaga kasi tong site mo. at makabuluhan xa. trust me...

    so napanood mo na yung ibang zeitgeist-related na documentaries??? kakaiba noh?

     

  3. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221224700000#c8963169878992654046'> September 12, 2008 at 9:05 PM

    @ dazedblu - kung minsan naman kasi angkop naman ang sinasabi ng horoscope e -- angkop sa lahat! ha ha

    @ roneiluke - makabuluhan? hindi kaya naguguluhan ka lang ha ha joke.

     

  4. karmi Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221228480000#c5458427285309550166'> September 12, 2008 at 10:08 PM

    aus, nominated ka pala kuya. :D galing naman, gudlak, gudlak. ^_^

    mahilig din akong magbasa ng horoscope at mas gusto ko talaga ang tagalog dahil mas naiintindihan ko pa.. kesa sa english horoscope na kelangan ko pa ng dictionary para lang malaman kung anong kapalaran ko ng araw na iyon. =)

    sagittarius ka pala kuya, scorpio ako eh. :D la lang.. advance happy birthday! ^_^

     

  5. Gibo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221228480001#c6977932312058002650'> September 12, 2008 at 10:08 PM

    try yahoo horoscope, mas accurate daw :-)

    o sya, boboto na ako!

     

  6. madjik Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221237600000#c2064297051917902185'> September 13, 2008 at 12:40 AM

    paki baba ang kilay at nguso kasi mag ko comment talaga ako sa ayaw mo at sa gusto hahaha.

    mayad kat ing may gemini na may leo pa.Ngayon,isa ka nang puto. :)

     

  7. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221281820000#c8171159038447559894'> September 13, 2008 at 12:57 PM

    @ karmi - saang horoscope ba yang binabasa mo at kelangan pa ng dictionary ha ha. salamat sa pagbati he he regalo ko

    @ gibo - sige check ko yang yahoo horoscope baka me tagalog din cla he he

    @ madjik - bakae ka it puto ha ha may iya man nga latik ha ha

     

  8. acey Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221282420000#c1277949686835383781'> September 13, 2008 at 1:07 PM

    lol. nakakatawa talaga ang horoscope sa tabliod. :D good luck with the blog awards, bro! wishing you the best!

     

  9. Lawstude Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221283380000#c1940268114613103626'> September 13, 2008 at 1:23 PM

    nakakaaliw talaga basahin blog mo kaya deserving ka sa nomination. tyak naman di ka mabobokya. sayang nakaboto na ko kay oggie. sana isa sa inyo ang manalo.

    malapit na pala bertdey mo/

     

  10. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221283860000#c4096974817179409178'> September 13, 2008 at 1:31 PM

    @ acey - mukhang pampa aliw lang talaga ang mga hula sa tabloid. ano ba zodiac mo at basahin natin, para mas masaya he he

    @ lawstude - wag mag-alala, di na ako bokya, binoto ko na sarili ko ha ha

     

  11. http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221284460000#c8962106190755624174'> September 13, 2008 at 1:41 PM

    uy may nominated... uyy, may nominated,. uyy may compelled mag update lagi! hahaha... congrats, dude!

     

  12. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221284640000#c4512311777914570439'> September 13, 2008 at 1:44 PM

    @ wandering - loko ka ewik ha ha di pa din ako magbabago, tamad pa din ako mag update ha ha

     

  13. BlogusVox Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221287520000#c9130464314728366080'> September 13, 2008 at 2:32 PM

    Horoscope, binabasa ko lang yan pagwalang mabasa, para matuwa o malibang.

     

  14. boying Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221290340000#c7805597961639101398'> September 13, 2008 at 3:19 PM

    WOW!!! congrats sa pagkanomina. bow ako sa iyo.

    tungkol naman dun sa horoscope. may nabasa na akong blog entry noon tungkol sa mga ito. sabi ko na: horoscopes are evil, diabolical, satanic and nasty.

     

  15. R-yo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221297420000#c8310404452607820079'> September 13, 2008 at 5:17 PM

    wow! nominated! ibang level na to! he he. congrats. you deserve it. konti lang ang maangas sa blogworld. rock on!

     

  16. http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221299220000#c3757844957589201452'> September 13, 2008 at 5:47 PM

    talaga naman ang aking bruder, sikat na .!..siyempre ikw ang iboboto ko sa contest - kahit di mo sinabing iboto kita hehe :)

    all, d best and CONGRATULATIONS for the wonderful nominations..

    MABUHAY KA :)

     

  17. http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221348600000#c3482429828216626411'> September 14, 2008 at 7:30 AM

    First of all, CONGRATS abou! You deserve it.

    For my comment, I think most horoscopes that I read is so generic. Parang lahat ng zodiac signs ay puedeng mairelate sa lahat ng tao. Lol. I agree with u na mas enjoy basahin ang tagalog ones. Lalo na yung sa mga tabloid. Very 'accurate and detailed' ang forecasts. Lol

     

  18. _ice_ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221379020000#c3933528585887028212'> September 14, 2008 at 3:57 PM

    makibalita lang.. pa favor pakibasa naman zodiac ko.. hahahah

    ingat lagi

     

  19. yffar Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221383100000#c6960669987606371890'> September 14, 2008 at 5:05 PM

    This comment has been removed by a blog administrator.

     

  20. jericho Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221392820000#c5501643051659830956'> September 14, 2008 at 7:47 PM

    uy congrats... bakit wala ang star sign ko sa pinapantasya mo? mwahaha kidding.. ;)

     

  21. http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221393540000#c5937294956887378214'> September 14, 2008 at 7:59 PM

    ano kaya sa virgo?

     

  22. the donG Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221410100000#c2561871586096281998'> September 15, 2008 at 12:35 AM

    abou good luck! dami nyo palang ka-blog ko na nominated. including oggie, rachel and richard.

    sana nga isa sa inyo ang mananalo.

     

  23. Ely Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221429240000#c8485089305668722343'> September 15, 2008 at 5:54 AM

    i also check my horoscope everyday. pero pagkabasa ko, nakalimutan ko din agad. Ndi naman kasi totoo, LOL

     

  24. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221438480000#c3257234964063738196'> September 15, 2008 at 8:28 AM

    @ blogusvox - aba at pati ikaw pala e naaaliw din mag basa ng hula he he

    @ boying - sobra ka naman. satanic, diabolical? baka hula ni madam auring sinasabi mo he he

    @ r-yo - oo nga rock-on nominated ako! ilang araw na nga ako naghe head bang e ha ha

    @ josh - talaga iboboto mo ako? kung ganun me dalawang boto na ako yehey ha ha

    @ mel bekham - hindi lang horoscope binabasa ko sa tabloid, pati mahahalay na artikulo ha ha

     

  25. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221449760000#c482472007198510005'> September 15, 2008 at 11:36 AM

    @ ice - ano ba zodiac sign mo he he eto hawak ko na tabloid he he

    @ jericho - ha ha di ko kasi alam kung ano buwan mo ha ha biro lang

    @ bryan anthony - virgo? wag raw masyado palikero ha ha

    @ dong - andaming sikat sa blogroll mo e ha ha. yaan mo matalo man ako, di ako iiyak he he

    @ ely - sus gayahin mo na lang ako, ibang star sign ang binabasa ko LOL

     

  26. _ice_ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221473160000#c5868440533320839061'> September 15, 2008 at 6:06 PM

    hahaha libra ako..

    pd pa favor yong about love..

    i dont need money,.

     

  27. http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221488880000#c4865950221999108781'> September 15, 2008 at 10:28 PM

    pards,ngayon palang todo suporta na kami sayo:

    ang iyong horoscope-magkakaron ka ng maraming boto,promise!...

     

  28. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221544800000#c8729296584865096137'> September 16, 2008 at 2:00 PM

    @ ice - tungkol sa pag-ibig talaga ang gusto mo malaman ha he he. wag daw pihikan ha ha

    @ ever- sana magkatotoo ang yong hula ha ha kasi ngayon pa lang alam ko na kulelat ako ha ha di bale pang gulo lang naman talaga ako e pero salamat talaga sa effort mo ever kahit papano e me dalawang boto ako ha ha

     

  29. odin hood Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221548760000#c2115602211589453447'> September 16, 2008 at 3:06 PM

    hmmm sige matignan nga ang horoscope hehe

     

  30. http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221559680000#c1066650601460688432'> September 16, 2008 at 6:08 PM

    thanks for the visit, mate:)

    pwede ba yun eh namatay nga yung mga characters sa huli eh! hhahahahaah!

     

  31. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221566940000#c8662413211234817864'> September 16, 2008 at 8:09 PM

    @ odin - uy, mukhang interesado din a he he

    @ roneiluke - salamat sa pagbalik, basta gawin mo lang kwento mo he he kahit patay na mga bida mo. LOL

     

  32. LALAKSUT Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221575640000#c5480093256560857871'> September 16, 2008 at 10:34 PM

    idol, dami mo fans! baka pwede mo maisama ang link ng site ko sa blog mo. will do the same, hehe. more power sa yo!

    Lester (lalaksut.blogspot.com)

     

  33. _ice_ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221602220000#c6203081745871911150'> September 17, 2008 at 5:57 AM

    hahaha pihikan..

    never me naging pihikan..

    all i need is love and to be loved

    btw salmat ha

     

  34. http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221651360000#c8184769258552406817'> September 17, 2008 at 7:36 PM

    thanks for commenting, mate:)

    ganun? siguro ligayang ligaya ang mga girls kapag nakakainuman mo sila! hahaha! namimigay ka sigurong pera! hahaha!

     

  35. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221674100000#c3451949970215688442'> September 18, 2008 at 1:55 AM

    @ lalaksut - idol? aprilboy isdatyu? he he hamo at gagawin ko yan sa susunod na mga araw

    @ ice - yelong yelo siguro ang dating mo kaya di makalapit sau ang love he he konting warmth naman dyan ice :-)

    @ roneiluke - at bakit mo namna naisip yan aber he he umaandar na naman ang imahinasyon mo ano? ha ha

     

  36. LALAKSUT Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221706320000#c7855593465017232961'> September 18, 2008 at 10:52 AM

    hehe.. patay na si april boy! :))

     

  37. Anino Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221707880000#c5284507703677483443'> September 18, 2008 at 11:18 AM

    Abou,tip lang.Post ka ng mga hubad mong larawan. Panalo ka, for sure!

     

  38. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221709740000#c2165588039371547639'> September 18, 2008 at 11:49 AM

    @ lalaksut - ha ha buhay pa si aprilboy, hiatus lang sya ha ha

    @ anino - loko ka din ano he he. baka manominate ako nyan sa best porn blog ha ha

     

  39. dazedblu* Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221716400000#c6159936734516629084'> September 18, 2008 at 1:40 PM

    haha, talagang makabuluhan.. tht's literally statement for isang magulong blogger, haha XD

    good luck sa awards.

     

  40. _ice_ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221744600000#c6048376229607914113'> September 18, 2008 at 9:30 PM

    nang-iinit na nga ako ako dito eh hahahahah

     

  41. slim whale Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221776880000#c1511519135412446251'> September 19, 2008 at 6:28 AM

    sana ganung kadali ang buhay. isang tingin lang sa horoscope, alam mo na ang dapat paghandaan. matatapilok ka mamaya. mahoholdap ka sa kanto. makakakilala ka ng mapapangasawa mo.

    pero hindi, masalimuot masyado. rason marahil yun kung bakit gugustuhin nating makibaka bawat araw.

     

  42. Chyng Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221791700000#c530619650601492085'> September 19, 2008 at 10:35 AM

    mabuhay ka! iilan lang nanonominate jan!

    pano mo pala nahanap frenster namen? NAKITA ko na picture mo, nakaharap version! ;)

     

  43. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221798300000#c131758494702599316'> September 19, 2008 at 12:25 PM

    @ dazedblu - salamat lei!

    @ ice - baka kung anong init yan ha. ha ha

    @ slim whale - kung minsan binabasa natin ang mga kutob ng hula para bigyan pag-asa ang buhay na merong mangyayari dito ngayong araw. isang pagkapit na tayo ay me pag-asa. ano daw? he he

    @ chyng - nakita ko friendster mo sa blog mo syempre ha ha. uy di naman ako nagtatago ha.

     

  44. Aethen Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221822240000#c6006836917747888616'> September 19, 2008 at 7:04 PM

    Leo: zodiac ng taong nagpapapintig ng aking puson.

    Isa ako sa mga nagpapapintig ng puson mo. Lols

    Correct me for my interpretation ha.leo: "nagpapapintig ng puson", people whom you are sexually attracted to?

     

  45. Aethen Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221822360000#c6207191886643251349'> September 19, 2008 at 7:06 PM

    Puson? Sorry am unable to anatomicaly translate. basta i knw yun yung sumasakit sa girls pag may period. sa navel area yun dba? Lols.

    in the context of the horoscope.

    una, wala kang puson.
    pangalawa, i think it means - zodiac ng tao na sexually atractive ka. i don't know.Lols. kaw bahala.

    Leo ako eh. affected. Lols.

     

  46. http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1221833940000#c3633355375535265370'> September 19, 2008 at 10:19 PM

    gemini ako, at siguradong kung kaibigan mo ako ay ako na ang pinakamalaking delubyo ng buhay mo! hahaha joke lang

    buhay na ko ulit...

     

  47. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222069140000#c4712484490017749744'> September 22, 2008 at 3:39 PM

    @ aethen - parekoy, leo ka pala ha ha. wag mo na kasi guluhin basta yun na yun

    @ neuroticsister - ha ha piapot! buti at nagbalik ka na! kailanman ay di ka magiging delubyo he he

     

  48. Abad Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222144140000#c2956705130462145142'> September 23, 2008 at 12:29 PM

    Congrats pare, you deserve it!

    hayaan mo na yang awards, ang importante ngayon ay ang makuha mo sina gemini at si leo. kung hindi mo man sila makuha, may kilala akong leo, short for leon. kaya lang baka hindi mo naman type.

     

  49. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222148220000#c5149878423630481971'> September 23, 2008 at 1:37 PM

    @ abad - ha ha i reto mo na lang sa iba ang leon mo ha ha congrats din pare sa nomination mo, akalain mo halos patay na yung blog mo at napansin pa din, iba ka ha ha

     

  50. caryn Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222218360000#c5532058104712043706'> September 24, 2008 at 9:06 AM

    heehee. i just remembered madam rosa ... "lucky number...blue!" wahahaha!

     

  51. lusia Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222259160000#c3727938321473229995'> September 24, 2008 at 8:26 PM

    hi nice post.

     

  52. http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222342380000#c7431263369352714645'> September 25, 2008 at 7:33 PM

    hahaha

    saguittarius din ako...naalala ko tuloy ang mga batikang manghuhula nuong kabataan ko, hahaa si madam rosa at si madam seva ng alas singko y medya hahaha

    uy malapit lapit na ang bday natin hahaha

    peace

     

  53. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222352820000#c8888665022461346984'> September 25, 2008 at 10:27 PM

    @ caryn - oo naaalala ko yun ha ha. di ko lang matandaan kung saan. sa pelikula ba un o sa tv he he

    @ luisa - ty. nice name u have.

    @ tirador - uu nga lapit na bday natin yipeee. teka bakit masaya ako? me panlibre ba ako ha ha

     

  54. dabo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222398300000#c6401120189907904339'> September 26, 2008 at 11:05 AM

    hayay..nalate ako ng comment

    nakakatuwa kasing basahin ang horoscope... source din ng entertainment kasi... in the longer run.. yung mga taong fond dito ay control freak at manipulative possesive na obsessive.. (okay masyadong harsh na remark yun)

    i mean ang mga naniwala sa horoscope ay mga sentimental na minsan ayaw kuhanin ang responsabilidad ng kanilang buhay.. sabgay tama ka,pwede nilang sisihin ang horoscope

     

  55. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222426440000#c5473274655950368744'> September 26, 2008 at 6:54 PM

    @ dabo - oo nga late ka nag comment, saan ka ba nagsususuot kasi ha ha

    ayam mo pala sa horoscope. ok ba sau palmistry? ha ha

     

  56. jhaynee Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222611480000#c5065339814961257840'> September 28, 2008 at 10:18 PM

    im so back and im so mahilig din sa horoscope...

    hehehe.. mabuhay tayong umaasa sa mga horoscope!!!

    as if naman nakakatulong pero kahit papano ansayang bantayan kung magkakatotoo o hindi.. hehehe..

    minsan nga, pinipilit na lang na iconnect ang mga pangyayari sa horoscope para lang kunyaring magkatugma..

    aist!!

    ingatz!!

     

  57. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1222625880000#c4749327258875490621'> September 29, 2008 at 2:18 AM

    @ jhaynee - ayon sa horoscope na mula sa aking kukote, magtatagal kayo ng bagong boyps mo na patay na patay ka ha ha.

     

  58. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/horoscope.html?showComment=1282799073670#c8492807396588004433'> August 26, 2010 at 1:04 PM

    This season is all about lace. thomas sabo schmuck günstig I am talking about crocheted cotton lace, sabo charms the kind your great grandmother thomas sabo engelsflügel wore. Think of the old doilies she used to angebote thomas sabo make. Lace is on everything these days from clothing, handbags and the rest of the accessories. You will see handbags made out of it or adorned with it. It is made into lightweight thomas sabo flowy scarves. Bangles are big and anhänger thomas sabo covered in lace with matching necklaces and earrings. The thomas sabo kette necklaces have lace beaded into it, thomas sabo 2010 beaded with lacey disk beads thomas sabo online shop or lacey beads themselves. It will not be hard to find a great shirt with lace on the top and accessorize it with matching earrings, thomas sabo halsschmuck necklaces, scarves or handbags. thomas sabo ohrringe Use them tastefully together but don't go overboard. A little of each goes a long way. Handmade is big in this category so don't go looking only at stores; keep those art shows in mind for that unique great find.

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .