Hindi ako mataba. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako tataba. Kaya naman ngayon ay medyo nagdadalawang isip ako kung makikiuso ba ko sa tinatawag na pagpapagutom diet..

Matakaw daw ako sa pagkain. Hindi. Hindi totoo yun. Ang sabi naman ng ilang natitirang naturingang kaibigan ko parang patay gutom ako kung tsumibog. Ows, sabi ko. Ganado lang ako. Ayoko lang na me natirang pagkain sa plato kaya't kung minsan medyo ako yung huli matapos.

Ewan ko lang kung bakit nauuso ang pagdi dyeta o yung pinipili mo lang ang iyong kinakain. Hindi ba nila alam na mahal na ang pagkain ngayon? Parang bumulusok ang presyo ng lahat? Gustuhin man ng ibang bumili ng mga karneng mataas sa kolesterol at sa taba e malamang hindi na praktikal. Ito kaya ang dahilan at nauso itong pagpapagutom diet.

Ayon sa mga me pakana ng dieting, para hindi tumaba, iwasan ang kanin, softdrink, white bread, sugar, powder juice, junk food, pork, beer, ad infinitum. Andami naman. Papayat nga ako nito. Payat na, tirik pa ang mata. Kaya nga ayoko magbasa ng mga tungkol sa kalusugan e. Gusto lang ata nila akong turuan magpakamatay ng hindi ko napapansin.

Kaya kalaban ko yang diyeta diyeta na yan. Hindi makatao. Gusto ko din ng prutas at gulay dahil masustansya at di nagdaragdag ng timbang. Pero dahil nagpapaligsahan na din ito sa presyo ng bigas, gasolina, tuition fee, at haircut, nahihirapan na akong lunukin ito. Mahal talaga ang mag diyeta. Pang mayaman. Nagtityatyaga na lang ako sa mga instant pancit cantot canton. Ito ata ang sikreto ng aking kakisigan abs.

Kung gusto mong makontrol ang dami ng iyong kinakain, gayahin ako, wag kumaing mag-isa. Kelangan me kasama ka. Mas marami, mas mabuti. Sa ganung paraan malilimutan mo ang iyong manners at kelangan mo na makipag agawan ng pagkain kung gusto mo pang mabuhay.

Nakakatulong din ang mahabang oras na panonood ng tv. Dito tutulo ang iyong laway sa inggit sa mga buto’t balat na modelo ng mga pampapayat na inumin at gamot. Pero wag kang mag panic para bilhin ang kanilang iniendorso, malamang hindi ito ang dahilan ng magandang katawan nila. Ituloy lang ang panonood ng tv. Ang pagpupuyat ay isa sa mga epektib na paraan kung bakit bumabagsak ang timbang ng isang tao maliban sa pagdu droga.

Sinusunod ko din ang oras ng ayuno tuwing Ramadan. Ito’y bilang pakikiisa sa mga kaibigan kong muslim na magagaling magbenta. Walang pagkain simula madaling araw hanggang alas sais ng gabi. Tubig lang. Subalit sadyang mahina ako sa makamundong tawag ng aking kalamnan. Wala pang tanghali, patago akong bumibira ng kain sa kusina.

Kaya nga tsaka na siguro ang diet. Kung mataba na ako. . Hahayaan ko na munang ang katawan katakawan ko ang mangibabaw sa sanlibutan. Basta.



facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

63 Response to 'Diet, Die it'

  1. atto aryo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220334360000#c5615580645975559701'> September 2, 2008 at 1:46 PM

    yan kasing pagda-diet, dapat health reasons ang dahilan. yun bang pag mataba, mas me tsansang mangolekta ng kung ano-anong sakit. pero yung magkakasakit ka lalo dahil sa pagpapagutom, e kalokohan nga yun! :-)

     

  2. BlogusVox Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220337060000#c6715268233851002756'> September 2, 2008 at 2:31 PM

    Dito binabaliktad lang nila ang araw. Sa umaga sila natutulog hanggang paglubog ng araw at sa gabi naman ngasab ng ngasab at pamamasyal hangang bago sumikat ang araw.

     

  3. http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220346120000#c6021650303704506497'> September 2, 2008 at 5:02 PM

    mamamatay din ako kapag nag-diet ako. ang sarap kaya kumain ng kumain. pero, siguro nga, dapat healthy foods din lang yung kinakain natin. ayoko rin namang maging obese.

     

  4. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220346300000#c4547937425054090594'> September 2, 2008 at 5:05 PM

    Hehe, diet is mostly likely para sa mga health conscious. XD

    Pero kung tataba ka man or tumaba ka nga, much better na mag-diet para ma-enhance mo yung pagiging fit ng katawan mo, nakakatakot kayang mamatay dahi lang sa katabaan, ewww.

    Sa case ko namimili na ako ng food, kasi... napapansin ko na hindi na maganda yugn maxado kang matakaw (makain for least possible term), hindi naman masama kumain ng marami as long as may healthy reasons ka para chumibog ng ganun karami. Pero kung wala, good luck sa mga intakes mo diba, and later on magkakasakit ka rin sa katakawan. :)

     

  5. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220350860000#c3358488640663011324'> September 2, 2008 at 6:21 PM

    @ r-yo - pero napansin ko, mas epektib na pampapayat ang pagkakasakit, dont u think? he he

    @ blogusvox - kasi naman sobrang init dyan sa middle east, parang tinutunaw na ang iyong taba, kaya ok lang yang ngasab ng ngasab sa gabi ha ha

    @ keitaro - mahal nga ang mga healthy foods kaya dapat hindi natin tangkilikin, baka isang araw ibagsak na nila presyo ha ha

    @ dazedblu - tama ka, katakot mamatay na mataba. kelangan mo ng malaking kabaong ha ha

     

  6. lucas Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220359500000#c5808220507757288232'> September 2, 2008 at 8:45 PM

    wahehehe! i never find 'malnourished' models sexy... nakakaturn off kapag nakikita ko yung nga lubog nilang pisngi, clavicles na pwede ng sabitang ng hanger at ang kanilang chicken legs na sobrang payat... hehe! pero yun daw ang in? weird... ako nananaba na kaya thanks sa info :)

    ---

    slamat sa comment, tsong. madali lang magpaint gamit ang MS paint :) turuan kita. hehe. talga payag kang nude? haha! marami kukuha sayo may abs ka sabi mo di ba? hehe!

    thanks for dropping by.:)

     

  7. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220368560000#c6235906377134049075'> September 2, 2008 at 11:16 PM

    wala akong ganang kumain ngayon.. kalalabas ko lang kase ng hospital dahil sa typhoid fever. wala na akong appetite. sana magtuloy tuloy na to para pumayat naman ako.. hahaha

    kung gusto mo talagang pumayat maghanap ka ng may tuberculosis.. magpahawa ka. tas pabayaan mo tiyak papayak ka nun.. haha

     

  8. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220370600000#c5877629161774189641'> September 2, 2008 at 11:50 PM

    @ roneiluke - wag kang mag alala malapit ng maging uso ang mataba, kaya nga kain ng kain ako e ha ha

    @ ferbert - sa lusog mong yan nagkakasakit ka pa? he he biro lang. bawasan mo kasi ang pag plurk at matulog ng maaga ha ha

     

  9. Ely Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220391000000#c1636125506313303212'> September 3, 2008 at 5:30 AM

    kabaligtaran problema ko. Taas na ata cholesterol level ko sa kakakain ng matataba pero hirap pa rin tumaba. amf!

     

  10. http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220398680000#c8576716432441508930'> September 3, 2008 at 7:38 AM

    ang front reason ng iba, nagiging health conscious na daw sila. pero vain lang talaga sila.

    tingin ko, hindi mo dapat isurpress ang sarili mo sa isang bagay na gusto mo gawin. pero dapat everything in moderation!

     

  11. http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220405460000#c2968803482484936882'> September 3, 2008 at 9:31 AM

    "if you dont cook! you dont eat! and if you dont eat! you die!"

    this message is brot to u by JIMMY SANTOS..ang henyo ng wala ka sa lolo ko...A TSE TSE!..a ha hahayyyyyy!

    p.s.
    pre sensya na...di pa kasi kumakain eh..ha ha ha!

     

  12. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220409960000#c3845472829374909616'> September 3, 2008 at 10:46 AM

    @ ely - swerte mo naman, problema mo ang pagpapataba he he. baka ma high blood ka nyan gaya ni nasty mac, dead na sya. *sad*

    @ wandering - ewik vain din kaya ako ha ha ha

    @ ever - solid eat bulaga ka talaga ha ha. galit ka ba sa kabilang network? ha ha

     

  13. jericho Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220421660000#c1910664586978072028'> September 3, 2008 at 2:01 PM

    hahaha. kinarir ang pagtira sa pagdi-dyeta. like all else, in moderation lang ..:)

     

  14. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220430120000#c8224858842431533679'> September 3, 2008 at 4:22 PM

    Hindi lang yun.. kakalat pa ang mantika sa ospital, dahil sa kunsumisyon nila sa katabaan mo XD

    Hehe

     

  15. Oman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220432100000#c3478749263503240768'> September 3, 2008 at 4:55 PM

    noong una kaya ako nag-diet ay dahil sa health reasons, kaso ng magkaroon ako ng muscles at abs eh mas naging lapitin ako ng tsiks kaya for vanity reasons na pagdidiet ko lols.

     

  16. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220437320000#c8986206270116154668'> September 3, 2008 at 6:22 PM

    @ jericho - wala ng moderation-moderation ah. he he bahala na

    @ dazedblu - sayang naman ung mantika kung itatapon, pwede pa naman siguro magamit pa ha ha

    @ lawstude - talaga? buti ka pa lapitin ng mga malilibog, ako wala wala wala hu hu

     

  17. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220439540000#c4511501142496533794'> September 3, 2008 at 6:59 PM

    Ang saya ng problema ni Ely. Sana ganun din ako. hehehehe.

     

  18. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220445000000#c4569628988104706378'> September 3, 2008 at 8:30 PM

    yuck! kadiri ka talaga.. hehe XD

     

  19. _ice_ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220447100000#c541465069013834728'> September 3, 2008 at 9:05 PM

    ako kelangan kung mag diet kasi tumataba na me, nawawalan na me ng mga ***.

    musta? pasyal ka naman sa blog ko

    live well
    laugh often
    enjoy life

     

  20. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220462280000#c591777192401958679'> September 4, 2008 at 1:18 AM

    @ carlo - uu nga. kainggit ung metabolism ni ely. ano bang klaseng panunaw meron sya he he

    @ dazedblu - ikaw kaya ang nauna ha ha

    @ ice - uy ano ung nawawala he he. syota ba? sirit na :-)

     

  21. http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220495040000#c5373711255600266678'> September 4, 2008 at 10:24 AM

    naku pards..kapuso at kapamilya ako...:)..tuwa2 lang ako sa eat bulaga! he he he.:)

    di kaya ikaw ang isa sa mga head ng eat bulaga(marami ka kasing alam na kalokohan..ha ha ha!)

     

  22. Aethen Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220509320000#c461494196240750931'> September 4, 2008 at 2:22 PM

    Moderation lng yan, 'tsong. Huwag isipin ang pag-diet, kung gutom ka, ikain mo. Ikakamatay mo yan pagpinipili at pinipigiln mo ang "tamang" pagkain.

    ***

    may kaibigan akong muslin na sumusunod sa ramadan ngayon. Sinamahan ko syang bumili ng kakainin nya bago sumukat at lumubog ang araw. Bread and mayonnaise ang sina-suggest ko sa kanya. At sinasabayan ko syang kumain every 3am at masmarami pa akong nakakain sa kanya. na-aawa ako sa kanya kasi parang ang hirap ng ganung pagsunod sa oras ng pagkain. parang ako ang nagugutom para sa kanya. Hehe. anyway, tradition nila yon - sacrifice in faith kung baga.

     

  23. Roland Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220510160000#c4629757771678875446'> September 4, 2008 at 2:36 PM

    dati uber taba ako kaya nagpapayat talaga ako... dumating sa point na nag-collapse ako... si itinigil.

    hindi kailangan mag-diet... moderation lang.

     

  24. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220510760000#c2061685478558351507'> September 4, 2008 at 2:46 PM

    Yay, mas kadiri yung sayo.. :P

     

  25. escape Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220511420000#c1262205919873248533'> September 4, 2008 at 2:57 PM

    ako naman ganito lang, pag hindi ako mag eexercise hindi ako kakain ng marami kasi hindi ko naman masusunog yung kinain ko.

    kung gusto kong kumain ng marami eh di kailangan kong mag exercise.

    abou, saan ka nga pala sa panay? sana makadaan ako dyan kasi papuntang boracay ako mangagaling ako ng iloilo.

     

  26. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220513340000#c4344254561865612793'> September 4, 2008 at 3:29 PM

    @ ever - haha kung ako ang head kukunin kitang host ha ha kalaboso na!

    @ aethen - wag ka mag alala. masiba ako ngayon. nagpapataba ako tapos magpapa[ayat haha

    @ roland - walang moderation sa kin. itotodo ko na ang pagkain ko ha ha

    @ dazedblu - cgi na nga, ako na talo ha ha

    @ the dong - ano to eyeball? ha ha nasa kalibo ako he he il be on bora sa weekend

     

  27. sugar Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220524560000#c9079677309522190162'> September 4, 2008 at 6:36 PM

    ano po yung diet?
    hehehe!

    kelangan ko daw yan,
    kasi diabetic ako,
    kelangan ko daw magpapayat at mamili ng kakainin ko.

    hay,ang sarap kaya kumain.

     

  28. onatdonuts Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220548080000#c8121448291908462878'> September 5, 2008 at 1:08 AM

    buti kapa nahuhuli sa pagkain...

    ako ng PG na at sangkatutak lumamon, nauuna pang matapos.hahaha

    mahirap talaga ang mag-diet...hindi ko talaga kaya. pero ang hindi ko matagalan ay ang mga taong nagpapagutom...yung mga taong tingting na ay feeling nila kamukha pa rin nila si donya buding.

    May clasmate naman ako nung college..pagkatapos kumain...isusuka! ang sarap kaltukan, sayang ang pagkain. ;-)

     

  29. escape Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220551260000#c7846865087855114136'> September 5, 2008 at 2:01 AM

    imimeet ko din ang mga iloilo bloggers kaya lang hindi ko alam kung dadaan ako sa kalibo first time ko kasi bumyahe from iloilo to caticlan.

     

  30. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220551260001#c5011049622368321351'> September 5, 2008 at 2:01 AM

    @ teresa - o doctor's order na yan, mag diyeta ka na he he. side effect nyan ay se sexy ka. lol

    @ onatdonuts - bakit ambilis mo kumain? me taxing bang naghihintay? he he. kakainis talaga ung isinusuka ung pagkain ano. ipakain na lang sa aso para di masayang ha ha

     

  31. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220551500000#c1081147718697937172'> September 5, 2008 at 2:05 AM

    @ the dong - dinadaanan talaga ang kalibo papuntang caticlan. walang ibang dadaanan yan. wow at parang me world tour ka ata a he he

     

  32. ponCHONG Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220552340000#c32122093653735134'> September 5, 2008 at 2:19 AM

    nagulantang ako dahil ipinangalandakan mo talga ang bloglog mo ha.

    salamat satip pero di ko kaya ang magdiet. ag thankful pa ngani hay nag-igo eon ako sa mga loose pants ko dati. so now from medium to large na.

    kalokohan ang diet diet. purilon kat ing. owa ka lamang gakaon it laswa.

     

  33. Denis Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220597880000#c7390736207540427003'> September 5, 2008 at 2:58 PM

    maaarte kase mga tao. gusto magmukang artista. hahah

     

  34. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220611500000#c1926510919404241075'> September 5, 2008 at 6:45 PM

    @ ponchong - mawron hay taeagsa ka abi naga agto sa blog nakon, nakibot ka lang sa bloglog ko ay he he

    @ menace - gusto ko din magmukhang artista ha ha kaso malabo ha ha

     

  35. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220622480000#c6854445578034310943'> September 5, 2008 at 9:48 PM

    ahihihi ako kelangan ko magdiet pag di na kasay sa akin ang mga damit ko, at pag muka na akong siopao o bilog na bilog na buwan tuwing titignan ko ang mga picture ko! hehehe pero as of now, hindi muna pwede, tagtuyot pa ang aking pangangatawan, next time na lang siguro... hahaha

     

  36. [G] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220643480000#c1301057190034454654'> September 6, 2008 at 3:38 AM

    fasting month na naman! i tried it once, it didn't work. tulad mo, patago akong kumakain sa kusina habang yung kasama kong muslim ay tulog sa kwarto.

     

  37. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220648160000#c122365383560012174'> September 6, 2008 at 4:56 AM

    @ neurosister - pareho tau, tsaka na yang dyeta. 3 extra rice pls!

    @ gibo - ha ha. di mo naman kelangan maki ramadan kung iba naman relihiyon mo e.

     

  38. AJ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220686680000#c5416920659356757889'> September 6, 2008 at 3:38 PM

    ikw talga abou..

    pero tama ka, wag tayo magsayang ng grasya esp in this highly critical time...

    at ung mga nagdidiyeta.. kuripot tinatamad lang siguro magluto hehe..:)

     

  39. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220686680001#c9041308505634419328'> September 6, 2008 at 3:38 PM

    natawa ako sa "ad infinitum", abou. totoo ngang mahirap daw mag-diet. pero sai ng mga kaibigan kong nagdadiet, mas effective daw pag iba-ibang klaseng pagkain ang kakaining araw-araw para maging "fast" ang "metabolism". :)

     

  40. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220687100000#c8678559482498314740'> September 6, 2008 at 3:45 PM

    This comment has been removed by the author.

     

  41. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220845980000#c4588642463272277298'> September 8, 2008 at 11:53 AM

    @ josh - kuripot ang nagdi diyeta? hala, ikaw me sabi nyan ha ha basta kapag ayaw natin sa pagkain ibigay sa mas nangangailangan! o sa akin ha ha

    @ acey - ikaw lang ang natawa sa ad infinitum ha ha. un talaga ang joke kaya lang corny ang dating sa iba ha ha ibig sabihin ba nyan e pareho tayong mababaw? ha ha

     

  42. Joaqui Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220857500000#c198828275243005689'> September 8, 2008 at 3:05 PM

    It's no joke to go on a diet and it could even be very expensive.

    Good for you you need not do it... yet. lol :)

     

  43. Chyng Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220878020000#c2968734042297223371'> September 8, 2008 at 8:47 PM

    This comment has been removed by the author.

     

  44. Chyng Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220878080000#c3726102159327346443'> September 8, 2008 at 8:48 PM

    We may not all believe in God but EVERYONE wants to get thin. - Paulo Coelho

    Well, kahit kelan di naman kasi naging uso ang mataba kaya everybody is dieting kahit pa DIET is to DIE with a +...

    btw Abou, Enrico and I are reading your blog while waiting for our flight. (--,)

     

  45. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220880300000#c4081387892146547547'> September 8, 2008 at 9:25 PM

    @ joaqui - ha ha yaan mo at gagawin ko din yang pagpapagutom kapag di ko na makita betlogs ko ha ha

    @ chyng - ha ha at magkasama pala kau ni enrico na nag out of the country ha. kainggit naman kau hu hu. salamat sa pagdaan sa blog ko at ang sweet nyo naman mukhang share pa kau sa pagbasa nito sa airport ha ha

     

  46. Dabo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220934420000#c3099454681458621610'> September 9, 2008 at 12:27 PM

    basta ang rules sa diet ay...

    you are what you eat
    and you are what you not eat..

    --- --

    uso naman talaga ng pag-diyeta its a business..

     

  47. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220937780000#c5020489070394257326'> September 9, 2008 at 1:23 PM

    @ dabo - o cge susundin ko ang rules na yan sa diyeta. Kahit gulay ang kinakain ko, iisipin ko na lang na ham yan!

     

  48. http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220947200000#c4156054432942568133'> September 9, 2008 at 4:00 PM

    buti pa gumawa nalang tayo ng programa...pamatay abou ang basta rito at ewan dun...he he he

     

  49. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1220955240000#c6067432202240592959'> September 9, 2008 at 6:14 PM

    @ ever - kung tayo ang gagawa ng programa aba'y walang magtitiwalang sponsor ha ha di talaga uubra. :-) sasakit pa ang ulo ng mtrcb sa atin ha ha

     

  50. Oman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1221018540000#c2257531302280068645'> September 10, 2008 at 11:49 AM

    Hey Bro. Salamat sa birthday greetings. I truly appreciate it. Ingats.

     

  51. PoPoY Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1221018660000#c2909914409316994252'> September 10, 2008 at 11:51 AM

    abou, hindi ako naniniwala sa diet at sabi nila hindi totoo ang diet.

    sa totoo lang mas mahal pang magdiet dahil pili lang ang kakainin mo.

    ang mas importante ay healthy ang katawan.

    wag na magdiet. masarap kumain :)

     

  52. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1221021480000#c3795285250296691469'> September 10, 2008 at 12:38 PM

    @ lawstude - sus maiiyak naman ako nyan he he. no prob!

    @ popoy - poy tama ka dyan, hindi pwede ang diet sa katulad kong mahirap lang ha ha kaya ngayon niluluwagan ko sinturon kapag lumalamon ha ha ha

     

  53. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1221031380000#c36188820993902627'> September 10, 2008 at 3:23 PM

    good luck sa nomination kuya abou XD

     

  54. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1221037740000#c2152993668013975310'> September 10, 2008 at 5:09 PM

    Buti nalang ako hindi tumataba. Hihi.

     

  55. http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1221143280000#c7966633234719750815'> September 11, 2008 at 10:28 PM

    Ako ang dapat mag-diet. Antaba ko na. Huhuhu.

     

  56. blanne Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1221146460000#c1985560226488335877'> September 11, 2008 at 11:21 PM

    diet.. diet.. hindi pa ata ako nakapagdiet ever.. eh ang payat2x ko na.. bakit pa ako mag di-diet? gusto kong tumaba.. hehehe

    Himalayan Goji Juice
    Goji Juice
    Pinoy Negosyo Directory
    Hit-or-Miss
    Cebu Lands and Homes

     

  57. milai Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1221200940000#c2659319573874403722'> September 12, 2008 at 2:29 PM

    he he he! natawa ako dun ah. title pa lang na-amuse na ako.
    nice blog. :)

     

  58. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1222142280000#c4629352509888497289'> September 23, 2008 at 11:58 AM

    Tapos na yata yung tunggalian niyo???!!!

    Sinubukan ko na yan nung buwan ng pebrero! Nagulat ako ng mag-79 kilos ang aking timbang. Edi ayos na,bumalik sa 75 kilos. Tapos, nabasted ako at naging 68 kilos. Hindi ko pa nga napansin na nagmumukha na akong bungo hanggang sa nilapitan ako ng isang estudyante at sinabing "Why you skinny?"

     

  59. wickedcurse Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1222781340000#c3095708322412947077'> September 30, 2008 at 9:29 PM

    YOLO! You Only Live Once! Mataba rin ako, walang gall bladder, 89 kilos at sa kategorya ng medisina, pasok ako sa obese! Hmm, paki ko, mura ng pagkain sa Saudi he he, kain na lang ako ng kain, tsaka na diet! O... wag na lang!

     

  60. AJ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1226168640000#c5540854249495922352'> November 9, 2008 at 2:24 AM

    parekoy, kmsta. magupdate ka naman, para ka nang ako eh.:) hntay ka na ng mga readers mo.

    rgds

     

  61. gentle Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1226403960000#c7340426893256173463'> November 11, 2008 at 7:46 PM

    hehehe. naaliw ako sa artikol mong ito. sana kayanin ko. :)

     

  62. gentle Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1226451600000#c6011019150957262546'> November 12, 2008 at 9:00 AM

    uhm.. gusto ko lang kase palagi nag-iisip sa mga bagaybagay kaya ayun, mga dapat di naman na pinapansin, eh pinapansin hehehe. thanks po for droppin by to comment. :)

     

  63. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/09/diet-die-it.html?showComment=1665300418066#c7904086106901599836'> October 9, 2022 at 3:26 PM

    後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .