Kapag ganitong umuulan ako’y sinisipon. Lugmok at nakatitig sa kawalan. Iniisip ang panahong tag-init at ikaw ay nandiyan.

Oras na naman para magbitbit ng payong. Itim na payong para masaya. Hindi na ako mahihirapang ipaalam ang kulay ng aking nararamdaman. Pero bakit ganun. Pati yata utak ko sinisipon. Mukha mo ang nakabara sa aking isipan. Ayan tuloy, palagi kong nakakalimutan iuwi ang payong. Di ko maalala kung saan naiwan. O kung merong humiram. O kung ito’y napag interesan. Kaya kadalasan... basa pa rin ako sa ulan.

Kaya marahil sinisipon ako kapag ganitong umuulan. Buong araw akong amoy vicks at palaging me bitbit na inhaler. Mahirap huminga at ewan ko kung ito nga ang dahilan kung bakit naninikip itong dibdib. Kelangan kong uminom ng maraming tubig at humigop ng sabaw. Pero walang lasa ang sopas. Hindi ito kasing init at kasing sarap ng mga panahong ako ay may kasalo.

Wala munang love songs ngayong tag-ulan. Bawal muna ang mga himig tungkol sa mga walang hanggang pangako. Hindi ko naman maririnig ito habang maingay ang bubong at kumukulog. Mas ikatutuwa ko pa ang mga tugtog na pwedeng sabayan ng indak para pagpawisan. Baka sakaling mabawasan ang hirap na dala ng baradong puso ilong.

Mas marami akong libreng oras kapag ganitong sakitin ako at walang nag-aalaga. Mas masusundan ko ang lovelife nina Marian at Dingdong, Kim at Gerald, Sharon at Gabby, Piolo at Sam. Hindi ko na makakalimutang manood ng Takehshi’s Castle at Kim Samsoon. Mas mahaba na ang aking oras mag Friendster at mag view ng profile mo ng mga taong di ko kilala.

Umiyak man ang langit, di ako makikiramay. Mas nalulungkot ako sa bawat buhay na nawawala sa giyera sa Mindanao, sa bawat pamilyang nagdidildil ng asin, sa bawat pisong napupunta sa korapsyon. Sana sipunin din ang mga taong me pakana nito.

Alam kong magiging malamig ang bawat gabi sa susunod na mga araw. Pero hindi ako giginawin. Marami akong kumot na magsisilbing pananggalan. Meron akong makakapal na jacket na magbibigay ng init laban sa mga alala. Hindi ko lalabanan ang antok. Mariin kong ipipikit ang aking mata at bibilangin ang pagkarami raming mga tupa. Wala akong mapapanaginipang buhangin, sun block, o tag-araw.

Kapag ganitong umuulan ako’y sinisipon. Kaya huwag kayong magtataka kung ako’y palaging sumisinga. O sumisinghot – singhot. Hindi ako umiiyak kala nyo. Mawawala din ang sipon na ito.

Kung sana meron lamang kamay na magpapahid ng vicks sa aking dibdib.






Hopeless Emo na ba ako? Click lang ang logo habang nagbibigti ako...





facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

48 Response to 'Colds'

  1. atto aryo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218624660000#c5553586092366744589'> August 13, 2008 at 6:51 PM

    alam mo bang uso ang nakawan dito sa japan? ng payong? he he. nways, sana nga tumigil na ang pag-uulan ng malakas dyan. kawawa naman yung mga binabaha.

     

  2. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218626760000#c3583540356161638829'> August 13, 2008 at 7:26 PM

    malilimutin din ako pag may dalang payong,hehehe!

    aun,sana gumaling ka na!
    kasi parang nag momoment ka na jan eh,may namimiss ka ba?

    namimiss mong may kamay na magpapahid ng vicks sa dibdib mo?
    haha! un eh..

     

  3. Boying Opaw Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218627720000#c2250660720822550726'> August 13, 2008 at 7:42 PM

    manila ka? manila ako ngayon. mas gusto ko pag maulan at makulimlim dito sa manila. kasi hindi nagiging mainit at malamig sa gabi. ala kasing aircon ang inuupahan kong room sa dorm ko ngayon.

    love life pa rin pala sina piolo at sam? tsk. tsk. hihihi.

    oo nga. giyera pa rin sa Mindanao.

    "ayan mag comment ka para kunwari close tayo..."

    kunyari close tayo: pagaling ka...hehehe.

     

  4. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218630240000#c5769623601912658567'> August 13, 2008 at 8:24 PM

    @ r-yo - kapote na lang nga dadalhin ko sa susunod he he, ikaw din magkapote ka dyan sa japan o sa korea o kung nasan ka ngayon ha ha

    @ churva - emo lang he he

    @ boying - ikaw din, tama na ang thumbsuck he he

     

  5. [G] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218632760000#c4983863409801896651'> August 13, 2008 at 9:06 PM

    where i am, sobrang init. dahil mainit, kailangan ng aircon, sobrang aircon, sipon. at amoy vicks na rin ang kwarto ko! :-)

     

  6. http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218641520000#c3289492067699324000'> August 13, 2008 at 11:32 PM

    ang payong pag bukas,wala ng bukas,pag sara naman,..sarado ang ilong!.he he he.

     

  7. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218641940000#c4689619700149925445'> August 13, 2008 at 11:39 PM

    hi, abou! magpagaling ka! get well soon!!! :)

     

  8. lucas Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218642180000#c7609965215903184182'> August 13, 2008 at 11:43 PM

    hala..lagi din ako nakakawala ng payong..at minsan bali na pag-uwi ko ng bahay...hehe!

    amyway, hindi daw adviseable gumamit ng inhaler...nakakapagpatigas daw ito ng sipon...hehe!

    mga madlang pipol! pahiran niyo ng vicks itong si abou! haha! SA DIBDIB DAW!

     

  9. Chyng Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218646860000#c1856460119448561033'> August 14, 2008 at 1:01 AM

    buti ka pa, yan lang sakit mo!

    nangiti ako, may advantage din pala ang pagkakasakit. mapapanood ko na kimsamsoon! yey!(--,)

     

  10. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218653880000#c1006195805551980627'> August 14, 2008 at 2:58 AM

    @ gibo - me taga pahid ka ba ng vicks sa yong dibdib? he he natanong lang

    @ ever - loko ka ever, para kang sipon, pabara bara ang koment ha ha. bakasyon ka pa rin ba?

    @ acey - buti naman at me taong gustong gumaling ako he he

    @ roneiluke - oo pwede ako pahiran ng vapor rub kahit sa buong katawan ko pa. pwede nyo simulan sa dibdib... pababa... ha ha

    @ chyng - yehey talaga at walang mintis kong napapanood sina samsoon at cyrus, lalong lalo na si chef dina. *lol*

     

  11. http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218681480000#c1365066952033096142'> August 14, 2008 at 10:38 AM

    ha ha ha.kung barado ang ilong uminom ng suminghot ng clorox! tanggal ang sipon pati na ang ilong!

    oo pards bakasyon parin ako...gusto pahiran kita ng vicks!ha ha ha.

     

  12. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218691920000#c2452381815707293221'> August 14, 2008 at 1:32 PM

    pareho tayo. alam mo kasi, may tonsilitis ako ngayon. ito yung nakakapag-trigger ng ibang sakit gaya ng fever, colds at cough. huhuhu. dala ng pabago-bagong weather at stress.

     

  13. Denis Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218695700000#c9207478516279157906'> August 14, 2008 at 2:35 PM

    naalala ko tuloy ang vicks ng nanay ko. pag yun ang gamot, lahat gagaling. sana ganun pa rin ngaun.

     

  14. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218696960000#c1187416603513505335'> August 14, 2008 at 2:56 PM

    Hay I still love the rainy days kahit ganun.. :) Masarap kasi sa pakiramdam yung malamig na panahon.. I love summer pero ayoko naman ng sobrang init.

    Speaking of rainy days ako lang ata ang tamad magdala ng payong tuwing umuulan, hehe :D

     

  15. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218716340000#c2728635680048977576'> August 14, 2008 at 8:19 PM

    @ ever - ha ha di ko pa na try yang chlorox kung epektib? epektib ba sau? ha ha

    @ johnray - wag ka kasi puro stress, mag play ka naman he he pagaling ka kc ako magaling na. siguro

    @ menace - kung minsan kasi hagod lang talaga ang kelangan e. *wink*

    @ dazedblu - mukhang gusto mo lagi na basa ka a he he.

     

  16. odin hood Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218727260000#c3179330775818713085'> August 14, 2008 at 11:21 PM

    nice one!

     

  17. Ely Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218731040000#c3798533446392533114'> August 15, 2008 at 12:24 AM

    ako kagagaling din sa sakit. sana gumaling din sipon mo. :)

     

  18. ponCHONG Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218751500000#c3782721989788996737'> August 15, 2008 at 6:05 AM

    bawal love song ha?

    eto na lang, ang walang kamatayang "basang basa sa ulan" ni shiela.

    hay suma, owa ka gakarbo kundi gasip-unon ka.

     

  19. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218768600000#c4282059642132936679'> August 15, 2008 at 10:50 AM

    mas maganda nga ang payong maliit para handy na rin kasi nakakalimutan ko magdala tapos mag kakasipon ako kagad pag naulanan...

     

  20. http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218788460000#c6799218207410278363'> August 15, 2008 at 4:21 PM

    okay dahil mabait ako. gusto mo ako na lang magpahid... hahaha. mabago lang ang mood ng post na ito. NYAHAHAHA

     

  21. http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218794400000#c1658243621687044465'> August 15, 2008 at 6:00 PM

    ang na- try ko lang eh visol saka toilet duck.pero wa-epek..he he he.

    teka siguro kaya barado.puro kulangot lang.ha ha ha.:)

     

  22. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218799260000#c4757877315185937377'> August 15, 2008 at 7:21 PM

    @ odin - nice one? mukhang natutuwa kang nasisipon ako a. he he biro lang odin

    @ ely - magaling na po. magaling ako mag alaga ng sarili he he

    @ ponchong - kayanon ko ro sip-on basta indi eang ko magtambok ha ha ha

    @ mang badoy - kapag handy lang at maliit ang payong walang pwede maki sukob. pero kung gusto niyang makisiksik at makihati sa init ng katawan ko, e ok lang ha ha

    @ wandering - aprub pwede ka magpahid. pero ewik samahan mo na rin ng masahe ha? ha ha ha

    @ ever - mukhang tumigas mga kulangot e. meron ka bang pampalambot dyan? nya ha ha *lol*

     

  23. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218806400000#c7681245862596774843'> August 15, 2008 at 9:20 PM

    Naman! masaya kaya yun, haha :)

     

  24. Oman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218845640000#c8510147129647680564'> August 16, 2008 at 8:14 AM

    senting-senti ang dating. may sipon nga pupunta naman sa boracay. ayos. hehehe.

     

  25. BlogusVox Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1218863280000#c7159291546422146686'> August 16, 2008 at 1:08 PM

    Yan ang kaibahan sa atin at sa lupang bihira o walang ulan. Dito, it's a welcome relief when rain comes, pero sa atin parang gusto mong isumpa ang ulan (don't wish for it, it might come true).

     

  26. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219030920000#c6259575240281058868'> August 18, 2008 at 11:42 AM

    ipon ngayon.Nabwisit ako ng malaman kong gawa sa Indya ang VICKS!!!

     

  27. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219035060000#c7273517684094742837'> August 18, 2008 at 12:51 PM

    @ dazedblu - lei he he, basta sinabi mo e

    @ lawstude - kelangan natin kumayod kaya :-)

    @ blogusvox - ok sa kin ang ulan, basta wag lang ko sisipunin

    @ anino - o bat naman ayaw mo sa india, he he kwento naman dyan

     

  28. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219043040000#c1960529925491419285'> August 18, 2008 at 3:04 PM

    dropped by from blog hopping...

    i love the rain... it seems to wash all the uncertainties in the sky,... the light rainfall makes all the flowers delighted, the leaves so green, the ground now refreshed from drought. But above most, i love the rain, because after the last drop of rain fell from the sky, the bluest heavens seem to be pleased...

    ayoko nga lang ng sipon! hehe

    at dahil parehas tayong ayaw sa sipon, iaad kita sa blog roll ko ha?? hope to see you there!:-)

     

  29. chroneicon Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219058160000#c1708723183720841308'> August 18, 2008 at 7:16 PM

    astig pare. hindi lang basta kuwentong pag-ibig. nadamay pa ang giyera sa bansa.

    akala ko simpleng kwento lang sa sipon, hindi pala.

    hanga ako! saludo!

     

  30. escape Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219129320000#c4626270469253572391'> August 19, 2008 at 3:02 PM

    hahaha... astig ka talaga. wala munang love songs sa panahon ng tag ulan.

    mainit tapos bigla na lang umuulan kaya dumadating talaga ang colds.

     

  31. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219147620000#c3882107315913060254'> August 19, 2008 at 8:07 PM

    @ neuroticsister - salamat sa makulay na comment he he. tama ka parehas taung ayaw sa sipon pero teka, sino ba me gusto ng sipon he he

    @ chroneicon - kaya nga nahihirapan talaga ako kapag barado ang ilong, kung ano-ano nasasabi ko e. :-)

    @ the dong - he he pero sa totoo lang ayoko talaga ng lab songs kahit kelan . ha ha

     

  32. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219160880000#c2766982886506324668'> August 19, 2008 at 11:48 PM

    haha..emo :D gagaling din ang sipon kung gagamutin :D

     

  33. enrico Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219165380000#c4345898907684805997'> August 20, 2008 at 1:03 AM

    sipon lang ba talga ang naging sakit mo? O kwentong pag-ibig to? neway, sipon man yan o pag-ibig, kelangan ang pahinga. wag pilitin ang katawan dahil baka lalo lang magkasakit. pag magaling ka na, saka ka na lng uli makipaglaro sa ulan.

    segue lng, mas gusto ko pa rin yung original na kim sam soon e. hehe

    @aryo, nangnenenok din kami dati ng payong sa dorm pag umuulan. pero binabalik din namin :9

     

  34. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219228440000#c72127863456421984'> August 20, 2008 at 6:34 PM

    @ yeine - magaling na sipon ko, pero ang pagiging emo, ewan ko kung me gamot para dito he he

    @ enrico - di ko naniniwalang binabalik mo ang payong he he.

     

  35. Dabo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219295100000#c1089231105625530045'> August 21, 2008 at 1:05 PM

    first: bilib ako talaga sa writing style mo.. hats off!

    --- --

    2nd: no comment, masyadong emo.. emoncipation of abou hehehe...

    malay mo kahit walang magpapahid ng vicks sa dibdib mo, darating naman ang daliring mangungulangot para sa iyo.. yuckk

    seriously.. it is just a phase..

     

  36. http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219389780000#c6370853949539952275'> August 22, 2008 at 3:23 PM

    may sipon ako ngayon kahit hindi umuulan. i hate it, i hate it, i hate it. alam mo yung feeling na hindi ka makahinga dahil nilublob ka sa kubeta?


    pero hindi rin ako makarelate kasi hindi pa ako nalunoblob sa toilet.


    pero i hate having sipon pa rin.

     

  37. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219399200000#c6724969200353468166'> August 22, 2008 at 6:00 PM

    Heya feeling ko magkaakroon na rin nako nyan... :(

     

  38. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219509960000#c1067786614921673993'> August 24, 2008 at 12:46 AM

    di ako nagdadala ng payong
    at kapag ganun--
    LAGING UMUULAN
    hahahaha





    .xienahgirl

     

  39. mikel Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219620120000#c4652781099034292282'> August 25, 2008 at 7:22 AM

    pareho tayong palaging nawawalan ng payong. bakit nga ba ganun? nung nainis na ako kasi halos tuwing umuulan e nawawalan ako, itinali ko na sa bag ko yung payong para hindi mawala. di ba tama lang yun? hehe

     

  40. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219667160000#c1379360122181597317'> August 25, 2008 at 8:26 PM

    parehas tau sinisipon ako pag-umuulan kaya nag-dedecol na lang ako o nagneo palagi, yun parang grabe tama ko palagi. Salamat nga pala 4 visiting my blog. Inom ka daming C, Good day!

     

  41. Oman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219823760000#c2577416384466524333'> August 27, 2008 at 3:56 PM

    guys, small favor naman. nominated blog ko sa PINOYWORLD BLOG OF THE WEEK. patulong naman sa votes. pls go to www.lawstude.blogspot.com check LAWSTUDE and click VOTE. salamat po.

     

  42. enrico Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219848420000#c2202792523898453187'> August 27, 2008 at 10:47 PM

    uy binalik ko yung payong. nasira e. hehe.

     

  43. ArchieMD Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219897260000#c6261121396619620937'> August 28, 2008 at 12:21 PM

    maghahagod ng Vicks sa aking dibdib... wow that was uhmm.. intense.

    Though, I do not believe in the power of Vicks.

     

  44. jericho Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219911420000#c5372892954233161102'> August 28, 2008 at 4:17 PM

    pwedeng mag-volunteer? ;)

     

  45. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1219927860000#c8737621372445912081'> August 28, 2008 at 8:51 PM

    Hehe, makiki-angal for no reasons :)

     

  46. http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1220159700000#c7080403228939110344'> August 31, 2008 at 1:15 PM

    Ang EMO ng post mo! Ahuhuhu.

    Ayoko muna isipin ang love life. Depressing lang ang subject na 'yan.

    Career muna. CAREER!

    *LOLz*

     

  47. _ice_ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1222440300000#c7951477408435653402'> September 26, 2008 at 10:45 PM

    uso ba ngayon ang EMO hahahaha

    alagaan mo mo yan sarili mo katawan lang puhunan natin hahaha

    ingat tol

     

  48. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/08/colds.html?showComment=1223125920000#c2659959979246657156'> October 4, 2008 at 9:12 PM

    Ganda ng sipon, este ng pagkahabi.Naalala ko tuloy ang Vicks.Batang Vicks din kasi ako.At yes,galit na Mrs ko sa akin.Dami ko na ring nawalang payong.Minsan lang ako makapulot sa Bus, sira pa.Nayari ako!

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .