Showing posts with label Sleeping child. Show all posts
Showing posts with label Sleeping child. Show all posts

Halata bang pinag isipan ang title?

Gasgas na kung ang government of the Pihilippines na naman ang sisisihin ko sa nadaanan kong ito kamakailan. Sa totoo lang, di ko na to binibigyan ng pansin. Sanayan lang siguro. Likas talaga sa kin ang pagiging passive. Walang pakialaman ata ang motto ko since grade 1. Magdukutan man kayo ng mata o magsaksakan ng bituka sa harap ko…-- bahala kayo diyan. Kaya’t syempre tuloy lang ang lakad.

Diretso man ang hakbang, lumilingon naman ang isip. Pinuputakte tuloy ng tanong ang aking kukote. Wala na ba tong magulang? Lumayas ba to? Nagugutom? Malamig ba ang semento? Anong oras na ba? Late na ba ako?

Tuloy lang ang lakad.

Ano bang klaseng pakikialam ang dapat gawin ng taong dumaan lang. Gigisingin mo ba? Kakausapin? Matitigil ba ang korapsyon sa ating bansa? Yaan mo na. Inantok lang yan, Andyan lang magulang nyan. Hayaan nating maabot niya ang kanyang mga pangarap kahit sa panaginip man lang.

Tuloy lang ang lakad.

Sana dumaan dun ang DSWD. Sila na lang ang bahala dun kung ano dapat. Yan naman talaga trabaho nila di ba? E paano kung dumaan nga, at gaya ko… tuloy lang din ang lakad…

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .