Balabag Church, Boracay

Hindi ko talaga ugali ito. Ako’y maprinsipyo, matigas ang ulo, anti-social, atheist, at kung ano ano pa.

Hindi ako nagsisimba, hindi ako nakikinig ng misa, o nagkukumpisal, o nag e effort gumising ng madaling araw… Ewan, pero sa panahong ito parang hindi ito ako.

Ngayong disyembre , medyo nag iba ang ihip ng hangin. Ako ay nag simbang gabi. Ayan inamin ko na. Medyo nakakatawa especially kapag nalaman ng mga friends ko di ba. Actually natawa na nga ang iba just the thought of it. Hay naku, parang ba back-out ako nung una. Then I remembered sa “ The Alchemist” book :

“When you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it”

At dumating yun sa pamamagitan ng omen. Hindi bad omen ha? Bakit pa kasi narinig-rinig ko pa na magsisimba rin ung mga nasa tapat namin and they offered to wake me up. Kaya—go! (he he)


9 Mornings : Day 1 (Balabag Church, Boracay Island)

Lessons Learned:

1. Ok lang magsimba ng naka tsinelas. (Halos lahat naman ata naka slippers lang at isa pa wala naman talaga akong dalang sapatos e.)

2. Huwag umupo ng malapit sa isang toddler. Maingay yan. Di ka maka concentrate sa gospel.

3. Posibleng multi – language/dialect ang misa. (English ang rosary, hiligaynon/ilonggo ang service, english ang gospel, at tagalog ang sermon!)

4. Maglakad sa beach pauwi. Lalo na kung minsanan mo lang makita ang sunrise!


Iyan lang muna sa ngayon. Ewan ko kung makaka day two pa ako. Bahala na.

Who knows, history in the making pala ito. Basta.
facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

3 Response to '9 Mornings: Day 1'

  1. kengkay Said,
    http://abouben.blogspot.com/2007/12/9-mornings-day-1.html?showComment=1197899100000#c8599879065135024635'> 17 December 2007 at 9:45 PM

    ang sarap siguro mag simbang gabi sa boracay :D

     



Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .