Inabot ko na ang ganitong edad at lahat, hindi pa rin ako marunong. Oo nga’t wala naman akong sasakyan pero yun na nga, pano kung meron na? Aantayin ko pa bang magka sasakyan bago matutong magmaneho? Nahihibang na ba ako? Nainom ko na ba mga vitamins ko?
Alam kong hindi naman kabawasan sa normal na pamumuhay bilang mamamayang Pilipino ang hindi marunong mag drive. Sanay naman akong maglakad. Mag commute. Umangkas. Mag hitch. Sumabit sa jeep. Sumiksik sa mga PUV. Makipag-agawan ng upuan. Makipag-sikuhan. Magdala ng barya sa umaga, sa hapon, sa gabi.
Pero sumasagi pa rin sa kukote ko na dapat na nga siguro akong matuto kahit motorsiklo man lang. Naranasan ko na kasing umangkas sa endurong motorsiklo na nanay ko ang nagmamaneho. Ayokong maulit ang ganun. Kaya’t sa iba na lang ako umaangkas. Angkas sa kapatid. Angkas sa kaibigan. Sa di gaanong kaibigan. Sa bagong kakilala. Sa di kakilala. Basta libreng sakay, angkas tayo dyan.
Ewan ko nga at bakit wala akong interest sa mga manibela. Marahil wala lang akong tiwala sa sariling kakayahan kung ako na ang kakabig nito. Ayokong ilagay sa panganib kung sino man ang magkamaling umangkas sa akin. Ayokong mabahiran ng dugo ang aking
Kung ako’y mag mamaneho, kailangan ko ng mas makitid na kalsada. Mas masaya ata ang makipag gitgitan sa kapwa drayber. Yung tipong nasa Formula 1 kayo at lahat ay nakikipag unahan ke Michael Schumacher. Dapat walang traffic rules. Para kung sino man ang biglang tumawid, ok lang na masagasaan. Dapat pagbigyan ang lahat ng vendors magbenta sa kalsada lalo na sa rush hour. Nang sa gayon di mo na kailangan mag hanap at magbayad ng parking area para mamalengke at sa kalsada na magkatawaran.
Gusto kong matutong mag drive. Subalit ito’y isang simpleng kagustuhan lang naman. Hindi isang matinding pangangailangan. Kaya’t bago mangyari ang lahat, mabuti pang simulan ko munang hasain ang pagpadyak sa bisekleta. Basta.









ely buendia, ikaw ba yan? ;) goodluck sa bagong gustong matutunan
simulan mo muna kaya sa bump cars, he he. madali lang mag drive. you just need to have the drive to learn. :-)
importante talaga ang matutong magdrive. hindi lang naman para sa yo yan. serbisyo din kasi yan sa parents mo, kaibigan at syempre sa girlfriend
pwede mag-apply ng driver?
@ jericho - oo, ako nga ito. he he i wish.
@ r-yo - cge bump cars muna me!
@ the dong - aba family driver pala ang kalalabasan ko nyan! ha ha
@ lawstude - tanggap ka kagad, kaso ano imamaneho mo he he.
ako ayoko ko mag-drive, palagay ko kasi masyadong stressful ang pagmamaneho, at masyado rin kasi ako masungit at mainitin ang ulo kaya di talaga bagay sakin magdrive. di man ako maaksidente sa away naman ako madidisgracia hehehe
kung magkaroon man ako ng auto dapat may kasama na driver para sosyal hahahaha
ako rin, kelangan ko na atang matutong magmaneho. kaya lang natatakot ako eh. :(
kahit nga ata bump cars natatakot ako. hehehe..
gudlak sa iyong plano kuya.. ^_^
lol. Pareho pala tayo, ndi pa din ako marunong mag-drive. hahahaha
go go go! :)
may lisensiya ako na malapit na mag-expire pero sa three years na hawak ko yung lisensiya, hindi pa ako nakapag-drive. haha
@ red riding odin hood - naku wag ka na mag drive! baka maka disgrasya ka pa. magpa drive ka na lang ha ha
@ karmi - sabay tau mag bump cars para happy!
@ ely - salamat at di pala ako nag iisa sa mundo he he
@ amicus - at least me lisensya ka na! gud start na un ha.
lika, turuan kita mag drive. =)
@ coldman - sige! sige!
@ ponchong - mingko kahueuya ag kaeain man george nga pirme eang kita ga inangkas! he he
paturo mag-bike ;p
irregular akong magpraktis magdrive.. ngayon, medyo marunong na naman.. kaso medyo natatakot ako pag may kasabay na sasakyan.. nyeheheheh..
ako din hindi marunong mag drive, pero dapat matuto para "angas".
Sana di ka masuka sa pagd-drive mo. =) Don't drink when you drive. Drink Moderately. Fasten your seatbelt. Drive safely.
@ xio - angkas ka na lang saken he he.
@ ardee sean - pano yan, so dapat solo ka pala sa kalsada kung ikaw drayber?
@ menace - welcome to the club! ha ha
@ Yael - sideline mo ba pagiging trapik enforcer
isa sa mga pinuproblema ko ngayon ngayon lang. during lunch break lumapit ang boss para sabihing magpapractice akong magdrive sa driver nya. ok lang naman sakin, a welcome opportunity. kasi sa mga official trips namin sya lagi ang nagdadrive. kakahiya naman. kaso...
wala pa akong lisensya.
akala nya siguro dahil nagdadrive ako ng motor e may lisensya na ko. expire na ang SP ko, syet. at mamaya na yong driving tutorial. anong alibi gagawin ko. tsk!
Mas mahalagang kumuha ka muna ng Driver's License, bago ka mag-aral mag-drive. Anlabo no? Pero totoo. = P
i want to know how to drive a motorcycle..
ayaw ni daddy mag buy ako ng motorcycle eh..
suidice mobil daw . huhu
Ako binayaran ko yung driver's license ko. perpek ko written exam pero ayaw nila gawin perpek score ko kse daw walang nakakaperpek. wahahaha.
Yung plastic na lisensya ko, binayaran ko ng P1500 sa LTO. kse di talaga ako marunog magdrayb nun.
wag mo ko gayahin at nang di ka matulad saken. kelangan matuto ka na.
eto share ko lang..
http://qrs-complex.blogspot.com/2006_09_01_archive.html
This comment has been removed by a blog administrator.
ako rin pare, gusto ko matuto. tinuruan na ako dati pero limot ko na hehe.
ngayong ngmamahal na gas. gusto mo pa rin ba?