Ang paglalaro ng apoy kung minsan ay nakakalunod.

Hindi ito isang opinyon ng eksperto. O ng isang taong nasobrahan ng tulog. Ito ay isang obserbasyon lamang ng minsang pumasok ang isang gamu-gamo sa aking haybol. Paisa-isa. Padala-dalawa. At tuluyan na nilang pinutakte ang nagiisang pundilyo bumbilya ko.

Alam ko na ang dapat gawin sa ganitong pagkakataon. Patayin ang ilaw. Maglagay ng kandila sa isang palanggana na me lamang tubig. At mamangha kung paano patayin ng mga gamu gamo ang kanilang mga sarili. Wala pang 5 minutes, lumalangoy na sila sa sarili nilang... ayun lumalangoy sila.



Ang paglalaro ng apoy kung minsan nakakalunod.

Mahilig din ako maglaro ng apoy. Bata pa lang nakahiligan ko na ang magkiskis. Ang pagkikiskis ng posporo ay isang paboritong larong pambata para sa akin. Na kadalasang nauuwi sa pagkasunog ng buhok o kung minsan ay ng kilay. O pagkapaso ng daliri. O ng siko. Ito ang rason kung bakit lagi akong absent sa klase.

Kaya lab na lab ko noon ang posporo.

Ano bang meron ang apoy at ang mga gamu-gamo ay gustong makipaglaro dito. Bakit madali silang madarang. Gaya ng tao, kung minsan, nagpapa alipin sa nag aalab na damdamin. At habang sila ay nakikipaglaro, iba ang nagdaramdam ng sakit ng pagkapaso.

Pero sino ba ang nalulunod sa pag iyak? Bakit ko ba itinatanong ito?

Sana gamu-gamo na lang ako. Diretso pagkapaso. Diretso sa pagkalunod. Glug. Glug.


facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

40 Response to 'Fireplay'

  1. madjik Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217258580000#c879122180678173465'> July 28, 2008 at 11:23 PM

    maya gani buhok ag kilay eang hadali king.

    Ano siguro kung mga texas ni papa mo ing na tripan.

    Wala lang. Peace posporo!

     

  2. Chyng Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217278020000#c5806586371435508134'> July 29, 2008 at 4:47 AM

    anlupet mo! hehe

     

  3. Ely Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217281260000#c6446070618739475448'> July 29, 2008 at 5:41 AM

    mahilig din ako maglaro ng apoy nung bata ako, muntik ko masunog bahay namin. Pero ngayon hindi na. Ayoko ng mainit kaya mas masaya maglaro ng apoy kung ang bahay ay fully air-conditioned. LOL

     

  4. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217299800000#c2074359980747530666'> July 29, 2008 at 10:50 AM

    @ magicsaucer - ano ing hakaon ag naka komentar ka? he he

    @ chyng - sus di naman a. ambait ko nga :-)

    @ ely - mas masaya maglaro ng apoy sa fully airconditioned kung me kasama he he

     

  5. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217308380000#c3741936240524752133'> July 29, 2008 at 1:13 PM

    Fire, metaphorically, represents desires that are forbidden. When we were young, we usually play with fire in secluded places or where no one can observed us. Ganyan din ang bawal na bagay na gustong makamtan, patagong kinukuha.

     

  6. Oman Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217311680000#c2626815396063192600'> July 29, 2008 at 2:08 PM

    tama naman yun eh. diba madalas tayo makakita ng 2 tao na naglalaro ng apoy sa ilalaim ng dagat. yung iba nga masyadong mapangahas kaya nalulunod sila eh. kasi naman kung ano-ano ginagawa sa ilalim ng tubig.

     

  7. lucas Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217316060000#c6651470285564600774'> July 29, 2008 at 3:21 PM

    wow...sino ba naman ang di mahuhumaling sa kaakit akit na apoy...ang kaligayahang dinudulot nito...ang nagbabadyang panganib--eto siguro kung bakit sila nakakaakit. people want to be excited knowing the fact of looming danger...masarap tlga ang bawal...thanks for visiting!

     

  8. odin hood Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217316660000#c1700606881156939414'> July 29, 2008 at 3:31 PM

    minsan talaga masarap maglaro ng apoy hehe

     

  9. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217326680000#c467031406074376443'> July 29, 2008 at 6:18 PM

    @ blogusvox - i still play with fire. lalo na kapag me camp fire -- ihaw, kantahan, inuman, lampungan ha ha

    @ lawstude - ang lalim mo talaga. he he ikaw ata ung naglalaro ng apoy sa ilalim ng tubig eh. :-)

    @ roneiluke - masarap ang bawal? wala akong kinalaman diyan he he

    @ odin - yan talaga ang hobby mo di ba? ha ha

     

  10. http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217334840000#c8756636883226140847'> July 29, 2008 at 8:34 PM

    langya ang trip mo ha,pwede nating isama yan sa bagong imbesyon,este! imbensyon! he he he...

     

  11. http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217335260000#c7956337908229032910'> July 29, 2008 at 8:41 PM

    teka bat parang may lumulutang na puti at malagkit tignan ang picture,sana hindi yung galing sa laro ng apoy ha,parang natalsikan eh...ha ha ha...

    pwede rin bagong version yan ng pangtawas with matching ensenso,kamangyan,tawas ni lola enkantada...

     

  12. chroneicon Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217372220000#c386271676196401505'> July 30, 2008 at 6:57 AM

    tangina ang galing. senxa at pati sa pagsulat ay napamura ako. ang galing ng post. akala ko simple lang nung una. saludo ako sau master!

     

  13. jericho Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217386560000#c155940050223631075'> July 30, 2008 at 10:56 AM

    aba...ano ba ang nilaro mo at ganyan ka? hehehe

     

  14. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217401560000#c8309251712652516739'> July 30, 2008 at 3:06 PM

    nakakaakit naman
    kasi ang apoy
    lahat tayo--
    we long for warmth
    hahaha




    .xienahgirl

     

  15. atto aryo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217406300000#c522369743977850255'> July 30, 2008 at 4:25 PM

    ok yung pic a. anatagal ko na figure out kung ano. parang alien something. :-)

     

  16. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217411940000#c7397064308004076564'> July 30, 2008 at 5:59 PM

    @ ever - gagawin ko ng sideline ang pagtatawas, pwede din pambabarang he he

    @ chroneicon - mas saludo ako sau, lalo na sa pagmumura ha ha

    @ jericho - ano sa tingin mo? lol

    @ xienagirl - gusto ko ung mas mainit pa sa warmth ha ha meron bang ganun?

    @ r-yo - sus parang palangganang me tubig at kandila lang yan e. he he parang spaceship ba?

     

  17. [chocoley] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217413140000#c7564407317258353100'> July 30, 2008 at 6:19 PM

    Ay naku kala kung ano ng sunog.. Hmm, nung bata ako natatagalan kung ilapit yung hands ko sa apoy for abt a few seconds, weired pro matagal yung effect na nasasaktan na pala ako. :)

     

  18. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217414280000#c1095787595875327048'> July 30, 2008 at 6:38 PM

    @ dazedblu - mukhang pwede ka sa perya a he he joke

     

  19. http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217422560000#c2283290023965629221'> July 30, 2008 at 8:56 PM

    mahilig ako maglaro ng apoy lalo na pag brownout at nov 1.

    naalala ko si jose rizal sa gamo gamo at apoy. hihi..

    la lang share ko lang :P

     

  20. [G] Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217433600000#c2462775992738461720'> July 31, 2008 at 12:00 AM

    this post reminds me of a friend's flat na nasunog dahil naglaro ako ng apoy :-) one day, i ikukwento ko ito sa blog ko.

    meanwhile, tama na ang paglalaro ng apoy abou. sayang ang posporo :-)

     

  21. enrico Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217438220000#c7698656958129025584'> July 31, 2008 at 1:17 AM

    hindi lang apoy ang nakakapaso. ang yelo pag matagal mong hinawakan nakakapaso rin sa pakiramdam. dun siguro nagmula yung 'sala sa init, sala sa lamig'. I don't think i'm making sense. hehe.
    hindi mo naman kelangan maging gamu gamo para hindi mo maramdaman ang pagkapaso. makipaglaro ka na lang sa araw, may init at liwanag din yun. :9

     

  22. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217499000000#c975018775946026035'> July 31, 2008 at 6:10 PM

    @ dakilang tambay - paano ka ba maglaro ng apoy, share mo din pls, he he

    @ gibo - wala na kong ibang mapaglaruan e ha ha.

    @ enrico - gusto mo ba kong magka sunburn? me galit ka ba sa akin? ha ha

     

  23. http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217509200000#c6454503718759236836'> July 31, 2008 at 9:00 PM

    great play with words. pareho kayo ni ever. haha. thanks for dropping by my site.

     

  24. Gracey Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217510220000#c3940319630692960796'> July 31, 2008 at 9:17 PM

    tamang trip yan ah! :)
    blog hop lang po..
    boto niyo po ako for idol blog
    at http://tiklaton.blogspot.com
    thnks!

     

  25. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217514240000#c5590380690237560900'> July 31, 2008 at 10:24 PM

    makipaglaro na lang ng apoy sa gamo gamo.

     

  26. escape Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217520360000#c2462193615764399902'> August 1, 2008 at 12:06 AM

    hahaha... ito ang mga certified astig post!

     

  27. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217554800000#c1141120363635896054'> August 1, 2008 at 9:40 AM

    uy! ginagawa ko yan dati. hahahaha! parang there's something soooo relaxing about the way they would kill themselves over their attraction sa flame. morbid pala no? hahaha!

     

  28. churvah Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217559780000#c4146626602903000621'> August 1, 2008 at 11:03 AM

    aba,emote ka?
    sos..wag ganun!

     

  29. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217587740000#c5229082707127389066'> August 1, 2008 at 6:49 PM

    @ eye in the sky - pareho kami ni ever? pareho kaming me sayad? ha ha salamat sa dalaw.

    @ winkii - yaan mo iboboto. basta me snacks ha he he

    @ kingdaddyrich - oo nga. sabi ko nga he he

    @ the dong - talaga lang ha. lol

    @ caryn - relaxing? habang nalalagutan ng hininga ang mga insekto? iba ka ha ha

    @ churva - lagi naman akong emo a. he he kakasawa na nga.

     

  30. ponCHONG Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217634360000#c278203877428557997'> August 2, 2008 at 7:46 AM

    kaueogot ra ho. ang blog hay uwa gaupdate it imong bag-ong entry sa gihapon. mayad hay bisan hilong ako makaron hay nakaabot pa ako bisan ulihi. hay painano? mahampang eon ako it kaeayo.

    bwahahhhaa..!

     

  31. http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217662380000#c2394534443772430698'> August 2, 2008 at 3:33 PM

    nagbabadya ang mga gamu-gamo ng malakas na ulan...

     

  32. Roland Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217669700000#c6178445255319290443'> August 2, 2008 at 5:35 PM

    nakakalunod ba ang paglalaro ng apoy? ... bakit ako napapaso? ... abangan mo ang entry ko tungkol rin sa "apoy" ...naunahan mo ko, hehe.

     

  33. http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217761680000#c6570986253205128580'> August 3, 2008 at 7:08 PM

    Ayus! Bagong kaalaman! Ganyan pala ang pagpatay sa mga gamu-gamo! *LOL*

     

  34. Mar C. Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217774880000#c1262328584954315072'> August 3, 2008 at 10:48 PM

    naks naman gumaganun eh. hehe...pero sa probinsya andaming gamu-gamo lalo na pag tagulan... napadaan lang.

     

  35. Denis Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1217994780000#c2333167266730597803'> August 6, 2008 at 11:53 AM

    shaks. sapol ako sa simpleng poetical attack mo. :(

     

  36. Dabo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1218177360000#c9150152888491059768'> August 8, 2008 at 2:36 PM

    ang lupit ng prose mo dude.. pero siguro nakaka-adik talaga ang paglalaro ng apoy.. at kahit nakakapaso maraming tao ang classic na sadist-masochist sa kanilang sarili.

     

  37. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1218314340000#c1886809921919341349'> August 10, 2008 at 4:39 AM

    this is so matalinghaga ha.. i like how u used interpretations in this article.. apoy apoy apoy! ayoko ko kc maniit! heavy! hihihi..


    vi-a-v!
    moi bena! ;)

     

  38. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1218372840000#c3730656115389599639'> August 10, 2008 at 8:54 PM

    dami nating fans ah.. hehehe..

    hula ko, may kinakaaidikan kang apoy ngayon..

    wahaha..

    pero naka lighter ka na.. malaki ka na ngayon eh..

    wahaha..

     

  39. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1221018660000#c8034248863295337274'> September 10, 2008 at 11:51 AM

    Mahilig ako nung maglaro sa kandila pagbrownout... yung daliri pinadadaan sa apoy. Galeng!

     

  40. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/07/fireplay.html?showComment=1658799888309#c503528247520921336'> July 26, 2022 at 9:44 AM

    聊天室 , 聊天室 , 聊天室 , 聊天室 , 聊天室 , 聊天室 , 真爱旅舍 , 伴游网 , 美女激情交友聊天社区 , 台湾辣妹视讯

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .