Bago ang lahat Merry Giftmas at Happy Hellidays sa lahat ng naliligaw at patuloy na umuusyoso sa blog na ito. Buti naman at hindi nyo pa rin tinitigilan ang pagpunta dito kahit wala kayong bago na nababasa.
Siyanga pala, isang taon na ang blog na ito. E ano ngayon? Wala. Nasabi ko lang.
Dati dalawa lang kaming nagbabasa ng blog ko. Ako at ang aking konsensya. Pero akalain mo yun, madami na ang mga konsensyang umaali aligid dito! Nagsimula itong blog bilang hamon sa aking sarili na kumpletuhin ang simbang gabi noong nakaraang taon. Na kahit walang nagbabasa, parang ogag akong post ng post araw-araw. Baka sakaling maligaw si Lord at mapagtanto niyang mabait akong nilalang at ambunan ako ng kahit konting grasya. Kahit konting dagdag lang sa kagwapuhan.
Pero ewan ko. Di ata sya dumaan sa blog ko. Wala kasing grasyang dumating.
Subalit grasya na ring maituturing na kahit papano ay humihinga pa rin ang walang kwentang blog na ito. Andiyan kayo, andito ako. Solb.
Para lalo akong ma inspire sa pag blog sa 2009, eto share ko ang aking
New Year’s Resolution
Lumipat ng tinatayaang lotto outlet.
Siyanga pala, isang taon na ang blog na ito. E ano ngayon? Wala. Nasabi ko lang.
Dati dalawa lang kaming nagbabasa ng blog ko. Ako at ang aking konsensya. Pero akalain mo yun, madami na ang mga konsensyang umaali aligid dito! Nagsimula itong blog bilang hamon sa aking sarili na kumpletuhin ang simbang gabi noong nakaraang taon. Na kahit walang nagbabasa, parang ogag akong post ng post araw-araw. Baka sakaling maligaw si Lord at mapagtanto niyang mabait akong nilalang at ambunan ako ng kahit konting grasya. Kahit konting dagdag lang sa kagwapuhan.
Pero ewan ko. Di ata sya dumaan sa blog ko. Wala kasing grasyang dumating.
Subalit grasya na ring maituturing na kahit papano ay humihinga pa rin ang walang kwentang blog na ito. Andiyan kayo, andito ako. Solb.
Para lalo akong ma inspire sa pag blog sa 2009, eto share ko ang aking
Lumipat ng tinatayaang lotto outlet.
Olats lagi mga numero ko sa outlet na yun. Makalipat nga sa mas malapit sa simbahan. Baka sakali lang.
Palitan ang “Who Let the Dogs Out” na ringtone.
Palitan ang “Who Let the Dogs Out” na ringtone.
Ewan ko kung bakit me emotional attachment ako sa kantang yan. Oras na siguro para palitan at baka sakaling pumasok ang good karma.
Mag post sa blog araw-araw.
Mag post sa blog araw-araw.
Biro lang. Nagpapatawa lang.
Babawasan ko ang pag reply ng Ha Ha sa comment section.
Babawasan ko ang pag reply ng Ha Ha sa comment section.
LOLz naman ha ha –oops. Mas gusto ko sana ang dirty finger kaso wala akong alam na abbreviation nito e. Pero teka bakit mahaba ang salitang abbreviation?
I will not take money for sex.
Hindi ko na iisipin ang aking mga ex.
Hindi ko na iisipin ang aking mga ex.
Magmo move-on na ako. Pangako yan.
Resbakan ang mga taong me atraso sa akin ngayong taon.
Resbakan ang mga taong me atraso sa akin ngayong taon.
Humanda kayo sa 2009. Read also as: Humanda kayo mga ex.
Sumali sa isang support group ng mga bigo.
Sumali sa isang support group ng mga bigo.
Kung me alam kayo, buzz me. Kung wala, organize tayo dali!
Tumutok sa balita tungkol sa bayan at hindi sa lablayp ni Marian.
Tumutok sa balita tungkol sa bayan at hindi sa lablayp ni Marian.
Tigilan na nating lahat si Marian. Magbago na tayo. Hindi siya bitch. Bilhin nyo na lang ang kanyang dance album.
Ititigil na ang pagtalon tuwing bagong taon. Taon-taon kong ginagawa yan, wala ding nangyayari. sumasakit lang betlogs ko sa kaka alog.
Ititigil na ang pagtalon tuwing bagong taon. Taon-taon kong ginagawa yan, wala ding nangyayari. sumasakit lang betlogs ko sa kaka alog.
PBA092q21oo3
Ang opcors ako ulit ang pers honor!
Happy 1st year sa blog mo. Akalain mong 10million na nag bloggers na nagbabasa dito. (kahit ang tamad mo maglbog!) haha
Katakot naman to, may pagbabanta sa mga ex. Magtago na sila! ;)
@ chyng - huwat?! haha ikaw uli ang nakauna sa akin --este sa blog ko? hehe
ito ay magsisilbing aral sa mga babasted sa akin hahaha
Death threat!
Abou, add mo na ko sa friendster! ;)
Happy bertdey sa blog mo!!! At maligayang pasko na rin sayo!!!
Ganda ng resolution mo... helpful yan.. balitaan moko sa support group niyo... baka sumali ako dyan... heheheste... lols pala
Merry christmas Abou!
Ba't mo binura yung isa? If ayaw mo nang tumanggap ng pera for sex, do it for charity. Bwahahahahaha
hey... happy anniv. sa page moh.... ngaun lang atah akoh nakapagkoment d2 ahh... probably gonna be first and last...hehe... babakasyon muna... and hmm... andyan si God... madme kang blessings... nde moh lang napapansin.... hinirit koh lang... wehe... sige... have a merry christmas and a blessed new year... GODBLESS! -di
@ chyng - aba at pati friendster ko e gusto mong bulatlatin hehe cge add kita chyng
@ gilbert - isip tayo pangalan para sa support gruop natin haha. next year pa ko mag LOLs
@ mel - di ko binura, itinago lang. pero cge ilalabas ko uli ang post na un. sex for charity? pag iisipan ko haha
@ dhianz - sama ko sa bakasyon!
happy 1 year blog anniversary! sana marami ka pang pasasayahin na mga bloggers sa mga posts mo.
pero seriously wag mo nang resbakan ang ex mo, baka resbakan ka ng bagong bf niya.
@ papu - salamat sa advice! wag kang mag alala, hindi naman dadanak ng dugo hehe
ahaha.. go go go... isang taon na ang blog nya.
ayos sa new year's resolution mo.. idol.. ahahhaha..
@ chiquesan - o kala ko sasali ka sa grupo ng mga bigo? maghanda ka dahil me hazing haha
hihintayin ko yung maghahazing sakin dito.. ahahah.. as if mahahazing ako.
pwede bang BA ang name ng gruop, BA for Bigo Anonymous.
Happy first anniv sa iyong blog.
@ chiquesan - wag kang mag alala, hahanap hanapin mo ang hazing haha
@ dabo - pwede. Bigo Anonymous. sa mga gustong sumali contact dabo o ako haha.
waw wan year kana.
basta
sna matupad lahat ng resolution mo.
at basta
magbabasa pa din kame kahit ligaw na kaluluwa kame sa paningin mo.
happy first yr din sa blog mo. ayos ang mga resolution mo! sayang akala ko pa naman, araw2x ka ng mag blo- blog! araw2x ko sanang babasahin ang iyong blog! merry christmas and happy new year tol!
@ denis - akalain mo un naka isang taon na ito hehe at mag iisang taon na rin tayong magkakilala.
@ cynderellaz - hindi ako pwede mag blog araw araw kasi me buhay naman ako outside ng blogosphere haha masaklap na buhay nga lang LOLz
ang halay ng piktyur hahahaha.
happy anniv ab.
kaueogut ka makaron mo eat a ako gin hambaean.
tag naka bikini lang do hauna eoman ay.
@ madjik - haha oo nga ang naka bikining si chyng na naman ang nauna LOLz mahirap maunahan yan e, me koneksyon ata sa microsoft at google, nauuna sa update. pero seksi ng likod nya ha. hehe
ito ang pinakaunang post tungkol sa 2009 new years resolution ang nabasa ko nagyon!
napakaadbans mo dude!
pero tatalon pa rin ako!
umaasa pa rin...
-nakikicomment lang po-
merry giftmas!
napakaagang new years resolutionm..wala man lang xmas wishlist hahaha..
tama tama.. tigilan na ang mga ex,.. sakit sila sa ulo.. pampasira ng pokus tsk tsk..
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
@ eloiski - gudluck sa pagtalon. bumwelo ka ng husto para mataas talaga haha
@ fjordan - para sa impormasyon mo, nakapag xmas post na ako nung septyembre hehe backread ka na lang.
at kahit masakit sa ulo ang ex, i'm not closing my heart ha ha
sino available dyan? LOLz
wala pa nga pala kong new year's resolution. haha. buti napadaan ako dito.
palagi din akong nasa Kalibo nung wala pa ko dito sa Manila. Wala kasing mall sa Antique kaya kadalasan sa Kalibo kami nggrocery. hehe. lapit na nga pala ati-atihan. sayang d ako mkakapanood.
happy one year anib sa blog mo kuya. :)
hahaha. ganyan din ung ginagawa namin ni komski sa blog namin ngayon. :) kukumpletuhin namin ung simbang gabi, wala ring bumibisita, pero ok lang. :)
new years resolution. tsk, mahirap-hirap ito. ewan, magiisip ako, sana may maicp, kahit man lang isa. hehehe..
makakatalon ako ngayong taon dahil sa wakas, wala akong pasok sa trabaho!! ^_^
Merry Christmas at Happy New Year na rin kuya. :)
@ allan yurata - uy palagi ka pala dati dito kalibo ha? hehe Oo malapit na ang ati atihan, next month, marami na ngang umiikot ikot na grupo ngayon e
@ karmi - oi karmi taasan mo din ang talon at mukhang kelangan mo yan haha walang bumibisita? bibisitahin kita wait lang hehe
happy annniversary parekoy, biruin mo yun? isang taon ka na pala nangungulit hehehe.
at talagang may crossed-out sa resolution, ibig sabihin may chance pa sila sayo. ayos.
@ lawstude - salamat din at di ka nagsasawang dumaan sa blog ko hehe
hapi anniversary sa blog mo, merry x-mas na rin at happy new year.
wish ko, sana magawa mo lahat ng nasa New Years Resolution mo...at pag nakalipat ka na ng outlet ng Lotto at tumama ka,balato ha? lols.
@ teresa - oo ba me balato, me bonus pang kiss hahahaha gudluck sa akin!
hehehe. lols sa umaalog na betlog!! pakshet na humor yan, pamatay!
talaga, gusto mo na mag move on? panu yan ikaw pa naman din gagawin nating party list representative sa kongreso para sa SHM (Samahan ng mga Hindi Makapag-Move On) he he... Joke! Merry Christmas Abou, and be a blessing!
ang haaaaaaaaaaaba nman ng comment dito... sobrang pinuputakti ng mabmbabasa.. sabagay.. inaamag ka na sa mundong ito kaya ang bakterya na naninirahan at dumadaan dito at parami ng parami.. isali mo ako sa mga mikrobyo na papatay este bibisita sayo ah!?
merry xmas abou!
mabuhay ang mga pogi!
Duma-an Siya, tulog ka lang. Kaya hindi ka nakapila para ma-ambunan. : )
haha haha haha
gusto ko din bawasan yan.. pansin ko sa mga reply ko sa comment laging may haha sa dulo.. hahaha
gusto kong maging flat affect minsan para kunwari walang emosyon.. LOL
anyway merry xmas tatay abou.. see you next year!
ultimate test of vanity is when people are willing to pay just to have sex with you. o ha? o ha? hehe.
i seriously want to be a hosto. [pero siyempre ang sinabi ko sa tatay ko i want to be a lawyer. ahaha]
nga pala, happy anniv! yahu yahu!
NAtawa ako dun sa linya about Marian...
wala lang... parang related siya sa recent post ko.
Read mo nga....
LOL. ano bang height mo, abou?
lolz..di kayang tigilan si marian pareko...ang charap kasi tingnan..sarap pagnasaan...lolz...
Ayos dre!..hapi bertdey sa blog mo...Merikrismas na rin...
happy bloganniversary!
natawa ako sa Who Let the Dogs Out! hahahahaha
and Marian? No she's not a bitch. Palengkera lang :)
Merry Christmas
@ gentle - haha kelangan naka supporter ka kapag tumalon hehe
@ Allan - hay kelangan talaga natin mag move on, or else baka di ako abutan ng 2009 haha
@ kosa - welkam lahat ng klase ng mikrobyo dito haha
@ blogusvox - oo nga, malamang tulog ako nun. pero ok lang kasi sa tingin ko, di naman nya ako pinababayaan hehe
@ ferbert - marami ang mabibigla kung mawawalan ka ng emosyon sa pag relpy ferbert, di mo yan karakter haha happy hellidays sau!
@ amicus - pwede naman lawyer na hosto a?! o ha? o ha? hahaha pag isipan mong maige
@ kris jasper - wag na kasi nating pagtawanan si marian, hindi sya komedyante hehe
@ prosetitute - height ko is 5 feet 5 inches? more or less. yung ano ko naman is... LOLz
@ bry - papalitan ko na talaga ang who let the dogs out. pangako hehe. nag hahanap pa ko ng ipapalit, ung mas luma haha any idea?
haba berdie este hapi bday sa blog mo! weeeeeee naka 1 year ka na...
natawa naman ako sa new years resolution mo syadong kakaiba. ahihihi
sa support group... hmmmm ipaaalam mo rin saken ha...
yun lang...
napadaan at nakiepal lang..
mery krismas!
hehehe... wala bang hindi seryoso sa mga resolution mo?
ako din parang kailangan ko ring gawin pero hindi ko na lang ipost yon.
pibertdei sa blog mo
ang dami palang nagbertdei
dis mant
ipagpatuloy mo lang yan
huwag ka magalala
nagbabasa ang konsensiya ko rito
hahaha
.xienahgirl
happy anniversary.
hahaha.
LOL!
natutwa akong samahan kayo ng konsensya mo sa pagbabasa ng blog mo.
:lol:
Ang kulet talaga ng post mo parekoy. Tama yan dont take money for in exchange for sex demand more. Lol.
Natutuwa talaga ako sa blog mog 'to.
Merry Christmas Parekoy!
Hindi ko na iisipin ang aking mga ex.
Ha Ha.
Resbakan ang mga taong me atraso sa akin ngayong taon.
LOLz
Sumali sa isang support group ng mga bigo.
Ha Ha. LOLz
hi abou! :D
hi, abou! you got a fun list for 2009. hehe. natawa ako ako sa support group ng mga bigo, but i know seryoso ka. haha. sali ako. hehe.
merry xmas!
Sige, goodluck!
Palitan mo na lang ng hehe yung haha. huwag hihi kasi parang mangkukulam.
Merry Christmas sa iyo.
Akalain mo 1 year na pala itong blog na toh?? kelan lang ako nagbasa dito ah...
Oo nga tama ang mga comment na Haha... lolz...
Tama na rin bitternes sa mga ex...
Merry Christmas...
Bro Merry Christmas to you!
Merry Christmas!!!
hello abou..bago lang ko di ka sulpot..hehehe..Happy Aniv nga pala..dalaw ako lagi..hehehe..dalaw ka din sa blog blog ko..hehehe kahit walang kwenta un..whahha..Merry Cristmas!!!
parekoy sensya na hapi new year na ang pagbati ko sayo..ahhh..di ko alam na ilalayo ako ng bakasyon ko sa blogsite ko, hehe..hectic sked!..
anyway dumaan lang para maghatid ng seasons greetings sayo, patuloy sanang sumikat ang site mo by '09:)
tx mo naman ako..
09179358476
maligayang paskow, abou!
sana matupad mo lahat yan resolusyon mow. penge ng dance album ni marian.
hi, just dropping by!!! nice blog you got here... hehehe:D
Merry New Year to you and your family!!!
pls. visit mine too!!!
"Hindi ko na iisipin ang aking mga ex." --nako parang mahirap yata tong isang to. kung pwede lang sanang kontrolin ang mga bagay na napasok sa isipan ng isang tao..hays...
happy new year!
nako..
siguro nga dapat mu ng palitan ringtone mu tsong.
haha. alisin mu na kung anumang emotional attachment mu dun!
madame ng masbagong kanta!
haha.
'api new yr tsong!
ingaats sa paputok! :]]
happy new year abou!
this entry is so cool. i love reading things that make me laugh, probably because when i read my entries i never feel like laughing. hahaha. para hindi madagdagan ang sakit ng ulo about freaking EXes, wag makipagrelasyon. maghanap ng kalaro, maglaro, tapusin ang laro, maghanap uli. make it your cycle. chill it bro happy new year.
ayos...hapi new year!
langya pareho pala tayo ng ring tone dati!..:)
happy new year abou!
abou, kung ano man ang iyong balakin ngayong darating na 2009, we support you! "basta" ikakabuti mo at ng bayan. hehehe
happy new year! :9
have a blessed new year abou... GODBLESS! -di
abou, happy new year! oo nga, tama na ang katatalon .. baka hindi lang sumakit eh magka-luslos ka pa. ;)
Happy New Year. Ha Ha
huwow.
heypi 1st b-day sa iyong blog!
hahaha kalungkot lang at di ko natandaan kung kelan ang b-day ng blog ko, hahaha
happy new year sayo abou!naway magbagong buhay ka na! ahahahaha LOL
----bakit mahaba ang salitang abbreviation?----hehe... oo nga noh... lolz... kakakatuwa ka naman... and hmmzz... abah... dmeng fans ahhh... naks! =) ingatz... GODBLESS! -di
Happy New Year Abou... I like your New Year's Resolution....
Ititigil na ang pagtalon tuwing bagong taon? - hehehehe saya...
gusto ko sana gayahin yung sex for charity, pero kahit free wala pa ring takers e. inggit ako sa yo. :-)
belated na yta akong bumating happy 1st year sa blog na to?anyway buti nlang npadaan at mgco2mment nrin..hahaah kuya parang dma ko ang dma mo nuon na prang dlawa lang kayong ngba2sa sa blog kso ang pinagkaiba nten anino ung skin di konsensya..lolz
recent post-Social Networking Site's Addiction.