Killer Abs
5:21 PM
Ang pagpapaliit ng tiyan kung minsan ay parang trapik sa EDSA –nakamamatay.
Ilan sa mga hindi ko makakalimutang pakiramdam ay ang mag push up ng pagkaraming beses na naka angat ang paa, umakyat bumaba ng hagdan nang isang oras at ang mag jogging ng mabilis palayo sa tumatahol na aso para lang lumiit ang tiyan na ito. Para palang hihimatayin ka na aatakehin sa puso ang pakiramdam.
Kaya’t sana itigil na ng ating lipunan ang ganitong pagpapahirap at pagpaparusa sa mga taong nagkakabilbil.
Pero dati naman talaga, nung college days, sanay ako tumakbo ng isang kilometro araw-araw. Natigil lang yun nung ilipat ang 7am subject ko sa alas diyes.
Kamakailan naisipan kong bumalik sa pag e exercise nang minsang kapusin ako ng hininga habang nanonood ng Desperate Housewives at Survivor Philippines. At ngayon higit pa sa maliit na tiyan lang ang hangad ko. Gusto ko yung me anim na pandesal sa labas ng aking sikmura. Ewan kung paano ko yun gagawin. Goodluck.
Ayon sa mga nagmamagaling da best pa rin daw na abs exercise ang cardio o jogging o yung pagtakbo. Bakit me nakita ka na bang isnatcher na malaki ang tiyan? At dahil hindi ligtas ang mga kalsada natin ngayon, sa tingin ko mainam na substitute na ehersisyo ang skipping rope. Magka heart attack ka man sa kakatalon at least nasa privacy ka ng iyong tahanan.
Ang alam ko lang dati na exercise sa abs ay ang pag-ubo. Sa tuwing dadapuan ako ng sakit na ito, sumasakit din pati abdominals ko sa kaka ubo, parang nag crunches ka rin ng isandaang beses sa isang oras ng buong araw!
Pero ngayon daw ang usong exercise ay ang Inversion Therapy. Ito ay ang pag ehersisyo habang naka lambitin patiwarik na parang paniki. Mainam daw ito sa back pain. Nagiging maaliwalas ang iyong isip at nakakapag concentrate ka sa isang bagay –kung paano mo hihilahin pataas ang iyong sarili na hindi sumisigaw ng saklolo.
Kaya’t noong minsang magawi ako sa gym hindi ko mapigilan ang aking sarili na gawin ang inversion na to at baka sakaling mapa bilis ang paglabas ng six-pack pandesal ko. Minsan ko lang ginawa at hindi na inulit . Nakita ko kasing nahulog na parang mga isnow ang aking mga balakubak.
Balik rowing machine na lang ako. Ang paborito kong exercise. Nagiging tense kasi ang muscles mo dito, bumibilis ang takbo ng puso kahit hindi ka gaanong gumagalaw –parang nasa traffic jam ka lang.
Para mas lalo kang ma motivate sa ginagawa mong adhikain sa gym, dapat rin daw meron kang kasama. Taga paalala, taga alalay, taga salo. Hinikayat ko ang isang kaibigan na sumama, pero sabi nya, di nya kailangan mag exercise, He is in shape. Round is a shape daw. So ok solo ako.
Sa tingin ko malaking tulong sa peace and order sa ating bayan kung magkakaroon ng isang matinding abs program para sa mga parak. Para kahit papano magtagal sila ng limang minuto sa tugisan. At mabawasan ang masasamang loob. At tayong lahat ay makakatulog ng mahimbing sa gabi.
Habang merong nangyayaring tugisan sa aking panaginip –tungkol sa pandesal, six pack at inversion therapy. Basta…
Exercise Tip: Kung nahihirapang mag sit-up ang isang tao, i-hook lang ang hintuturo sa loob ng kanyang pusod.
67 Ang Umangal!:
- At October 21, 2009 3:44 PM Popoy said...
-
naiinis ako at tungkol sa abs ang entry na to. hmpf. dati nugn hindi pa ako nagwowork dito sa trabaho ko ngayon, walang kasing flat ang tiyan ko. taena, ngayon ang dami ko ng bilbil huhuhu. ang hirap magpaliit ng tiyan. di ko makuha sa sayaw. di rin ako makapaggym dahil may problema yata ako sa gulugod. haaay. liposuction nlang ang solusyon. pera lang ang problema.
- At October 21, 2009 4:02 PM BlogusVox said...
-
So, ilang patatas na ba ang nakikita sa tyan mo? Me kalahating dosena na ba, o, kamote pa rin?
- At October 21, 2009 4:12 PM madjik said...
-
Di ako paghibaygi pag uli ko ha ay killer gd a rang abs ngara! Hehe. Mayad eang una si michael at least bisan paalin medyo maisot gid a ang buy on sa ang pamatyag! Hahaha..
- At October 21, 2009 5:22 PM Abou said...
-
@ popoy - sori naman at nalungkot ka sa entry na to
@ blogusvox - eto nangangamote pa rin
@ madjik - ayaw eon pag saligi nga maga isot pa it tiyan ngaron. puro mafia wars ka lang abi hmp - At October 21, 2009 8:03 PM I am Xprosaic said...
-
Ahahahahhahah apir! jejejejejeje... nakakamatay nga.. pero kahit ala na munang pandesal basta lang gumanda tingnan ayos na ako... jijijijiji
Word verification: execista (muntikan na! jejejejejjeje) - At October 21, 2009 8:20 PM cyndirellaz said...
-
korek saka na ang pandesal, paliitin muna ang tiyan, hindi yan ganun kadali, naku baka tumagal pa ng mahigit isang taon yan at kailangan mo din yan i-maintain so don't stop trying and exercising! ^__^ gud luck!
- At October 21, 2009 8:27 PM Abou said...
-
@ i am xprosaic - haha oo nga naman ok na muna basta hindi malaki hano?
@ cynderellaz - talagang maraming gudluck ang kakailanganin ko hehe - At October 21, 2009 8:34 PM kenwooi said...
-
cant understand! =)
kenwooi.com - At October 21, 2009 9:54 PM r-yo said...
-
good luck sa pandesal. meron dyan sa kanto. sawsaw sa kape. sarrap! ;-)
- At October 21, 2009 10:17 PM Abou said...
-
@ kenwooi - it's ok you wont understand it even if you press the translate button :-)
@ r-yo - haha - At October 22, 2009 1:33 AM PABLONG PABLING said...
-
pede naman bumii ng pandesal six pesos at ilagay sa tiyan.
salamat parekoy sa vote - At October 22, 2009 2:06 AM Jepoy said...
-
Change topic please. LoL
Salamat sa pag bati Parekoy! - At October 22, 2009 4:36 AM Alkapon said...
-
gusto ko ring medevelop ang aking abs, kaya lang nung nag gym ako napapansin ko lumiliit ang aking bototoy.. kaya tinigilan ko na lang.
- At October 22, 2009 6:02 AM PUSANG-gala said...
-
haha--mahirap talaga yan--ako nga nahirapan na pilitin sarili ko na mag-exercise, magka-6 pack pa kaya. malupit na disiplina talaga ang kailangan. good luck. kaya yan.kailangn ng motivation. hehe
- At October 22, 2009 8:07 AM Rico said...
-
Pareho tayo na may nakakabit na salbabida sa tagiliran. Dati sinubukan kong tanggalin ito sa pamamagitan ng boxing sa Elorde. Maganda naman ang kinalabasan, walang pandesal sa tyan pero ok na rin. Pero ngayon meron na ulit.
- At October 22, 2009 11:58 AM Abou said...
-
@ pablong pabling - hindi kaya langgamin ang tiyan ko niyan hehe
@ jepoy - haha cge anong topic kaya?
@ alkapon - baka maliit naman talaga dati haha biro lang - At October 22, 2009 12:00 PM Abou said...
-
@ pusang gala - tama ka matinding motivation talaga kelangan.
@ rico - pag iisipan ko ang boksing. malalim na pag iisip to hehe - At October 22, 2009 6:45 PM homer said...
-
"Ang pagpapaliit ng tiyan kung minsan ay parang trapik sa EDSA–nakamamatay."
Agree! - At October 23, 2009 1:10 AM Raft3r said...
-
my wife janet has awesome killer abs!
- At October 23, 2009 12:15 PM Abou said...
-
@ homer - haha kaya mag ingat sa EDSA
@ raft3r - ano sikreto ng asawa mo? hehe - At October 23, 2009 1:54 PM dencios said...
-
may abs din ako hahaha. pero mukang pumapatay talaga abs mo sa ganda, ayun o!
- At October 23, 2009 10:38 PM manik_reigun said...
-
teka,,sabi na ayoko magcomment dito eh. nakakababa ng selfesteem to.
(p.s. ano po yung abs? endangered specie po ba ito?tenks)
lol - At October 24, 2009 1:46 AM Andy said...
-
Hirap naman ng killer abs na yan. Ilang taon na kong nagsi-situps wala pa rin akong six-pack. Sakit na ng likod ko. :P
- At October 24, 2009 2:17 AM wait said...
-
ako nahirapan din magpaliit ng tiyan... inabot ako ng almost 2 years' tiyaga at disiplina lang tlga ang kelangan : )
jogging and running lang katapat nyan... : )
salamat sa excercise tip!
Apir! - At October 24, 2009 11:31 AM Axel said...
-
ako rin nagbabalak magbalik lood sa pagpapaganda ng katawan... lumalaki na kasi ang tiyan ko, dati may apat akong pandesal eh... hehehe...
hirap nga rin minsan kapag wala kang kasama... - At October 24, 2009 4:48 PM Abou said...
-
@ dencios - asan? hahaha
@ manik requin - malamang tama ka endangared specie nga ito hehe
@ andy - baka nasa likod mo nag develop ang abs :-) - At October 24, 2009 4:50 PM Abou said...
-
@ wait - sana makatulong ng malaki ang ibinahagi kong exercise tip para lumiit ang tiyan mo hehe
@ axel - sayang naka apat na pandesal ka na pala haha - At October 25, 2009 11:01 AM Axel said...
-
ahahaha, uu nga eh... ngayon monay na siya... lolz
- At October 25, 2009 1:00 PM RICO said...
-
gusto ko ng six pack din eh kaso puro beer belly ang sakin!!! bdtrip!!
- At October 25, 2009 1:15 PM Abou said...
-
@ axel - waa haha monay. tinapay pa din? LOl
@ rico - ok lang yan. beer belly naman ata ang uso ngayon e hehe - At October 26, 2009 6:22 AM elYAS said...
-
meron akong anim na abs. parang mga mamisong pandesal. nyaha!
+++
@Abou:
o yeah. journey. yun naman talaga ang importante.
i remember ithaca...
ps. dalas-dalasan mo naman ang pagbblog. para kang comet kung dumaan eh. is your plurk active pa ba? see, my plurk is from 75 to 2.6 karma. (^rolling eyes) - At October 26, 2009 8:53 PM AJ said...
-
henyo ung suhestyon mo don sa mga parak na magka-abs..pero parang ang hirap yatang gawin un e, masyado nang lumobo ang tyan nila, hehe.
buti ka pa may abs. - At October 26, 2009 8:53 PM AJ said...
- This post has been removed by the author.
- At October 26, 2009 9:38 PM Axel said...
-
ahahaha... pero lumaki na yung tinapay... lolz
- At October 26, 2009 10:20 PM Abou said...
-
@ elyas - opo active pa plurk ko. cge dadalasan ko na ang pag blog basta dalasan mo din ang daan dito hehehe
@ AJ - sana dibdibin nila suheestyon ko no :-)
@ axel - yan lang ata ang pandesal na lumalaki a hehe lumiit kasi lahat ng tinapay ngayon e - At October 27, 2009 4:54 AM Chyng said...
-
ang mga ABS ni Aljur at dingDong sa EDSA, nakamamatay! Ang risky!
- At October 27, 2009 9:14 AM Elyong said...
-
"Ang pagpapaliit ng tiyan kung minsan ay parang trapik sa EDSA –nakamamatay."
Pamatay na introduction naman to...hehe
Topic namin sa usapan ng mga barkada ngayon ay ang pag enrol sa gym...
Dati-dati ang payat ko.. super payat na nagpakonsulta na ako sa doctor... ngayon.. iba na.. - At October 27, 2009 12:06 PM dencios said...
-
asan daw. ayun o
(turo sa tyan mo)
angaaaas... - At October 27, 2009 12:36 PM Abou said...
-
@ chyng - bakit chyng nalagay ka na ba sa bingit ng kamatayan dahil sa kakatitig sa abs nila sa edsa? hehe
@ elyong - ibig sabihin ba nyan e tumaba ka na? kaya mo kelangan magpapapayat uli?
@ dencios - wala pa, antay ka lang hahahaha - At October 27, 2009 8:30 PM YanaH said...
-
hindi namna pwedeng laging hindi ka hihinga para matago ng onti ang mga layers sa tiyan.... hindi uubra un lagi dahil di ka namna laging nagpapakuha ng fityur...
yun lang hehehe - At October 27, 2009 10:13 PM The Scud said...
-
yan din ang gusto ko mangyari. kaso nakatatamad. sarap humiga at matulog. hehe.
- At October 27, 2009 10:19 PM Axel said...
-
lumalaki na kasi tiyan ko kaya naging monay na siya... lolz
- At October 27, 2009 11:29 PM Abou said...
-
@ yanah - yan siguro ang ginagawa mo pag nagpapa picture no? hindi humihinga para lumiit ang tiyan hehe
@ the scud - bakit nga ba ganun ang sarap humiga at matulog. kelan kaya mangyayari na masarap mag crunches hahaha
@ axel - haha ibenta na monay na yan - At October 28, 2009 7:53 PM carelesshush said...
-
hmf! o nga hirap magpaliit ng tyan...
la lang paepal lang abou..hihhih - At October 28, 2009 10:44 PM timberboy said...
-
Nga naman... SIno ba ang nagsabi na dapat may six packs?
Hehehe...
Natawa ako doon sa "Ubo" part.
Sumasakit din ang abs ko sa kakaubo.
Kaya kapag pagaling na, feeling ko, lumiit din ang tiyan ko.
Kailan kaya ako uubuhin ulit?
Btw, salamat sa pagbisita sa blog ko. :) - At October 29, 2009 1:44 AM Abou said...
-
@ carelesshush - salamat sa pag epal. epal ka ulit hehe
@ timberboy - wag naman. pangit din naman yung mag uubo ka para lang lumiit tiyan :-) - At October 29, 2009 8:13 AM Lord CM said...
-
Problema ko rin yan pre, pero sabi ni push-up lang daw katapat nyan...
Mapapansin mo na lang pantay na diddib mo sa malakeng tyan mo lolzz - At October 29, 2009 9:28 AM MarcoPaolo said...
-
natamaan ako sa entry na ito... hehehe! gusto ko rin may pandesal sa labas ng sikmura... :)
- At October 29, 2009 1:06 PM Abou said...
-
@ lord cm - haha oo nga kapag nag push up ka, lalaki dibdib mo papantay sa malaking tiyan haha
@ marco polo - hehe e di lagyan natin hehe biro lang - At October 29, 2009 3:22 PM Alkapon said...
-
ANg pagkaka alam ko ay nakakadagdag bilbil din ang pandesal.
- At October 29, 2009 3:50 PM Solo said...
-
Ako din ako din! gsto ko din nung pandesal sa labas ng tiyan haha. ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy - At October 29, 2009 7:23 PM Abou said...
-
@ alkapon - haha tama ka, talagang magkakabilbil ka kapag sa loob ng tiyan ang pandesal hehe
@ solo - so pano, gawa na tayo ng grupo? haha madami na tayong iisa ang layunin e hehe - At October 29, 2009 11:03 PM jericho said...
-
iniisip kung alin sa mga tips ang susundin ko. sa ngayon, kuntento na muna ako sa isang loaf na tyan ko. ;)
- At October 31, 2009 8:20 AM elYAS said...
-
aba aba, nanghahamon ka! haha. sige, deal!
+++
@ Abou:
haha. ako naman hindi. i let myself take some rest. relax ba. then i face it with a fresh mind. :D - At October 31, 2009 10:55 AM Abou said...
-
@ jericho - haha isang loaf!
@ elyas - ok deal hehe - At October 31, 2009 1:44 PM Dhianz said...
-
naks.. aiming for six pack.. malufet.... cge lang.... we're cheerin' for yah... kaya moh yan.. Aja!.. lolz.. salamat sa madalas na pagdalaw sa blog koh... i appreciate it.. ingatz.. Godbless! -du
- At November 1, 2009 7:33 AM wait said...
-
happy hollowen! : )
- At November 1, 2009 9:44 AM Abou said...
-
@ dhianz - wala lang hehe
@ wait - happy halloween din :-) - At November 4, 2009 8:43 PM JoShMaRie said...
-
pakaway lang abou :) kumusta ang abas? :P
- At November 6, 2009 4:03 AM Everlito (ever) Villacruz said...
-
ayos fitnis ang dating,epektib din kung may humahabol sating bumbay para maningil, mapapabilis ang takbo mo araw araw, sigurado magkakapandesal na tayo sa tyan.
- At November 6, 2009 11:17 PM Mac Callister said...
-
ako din yang pangarap ko!haha
goodluck sau at ipakita mo agad ang finish product ha! - At November 12, 2009 9:45 PM Traveliztera said...
-
speaking of abssss super pinaghihirapan ko rin magka-abs... syempre nasa process pa lang din ako kc nanggaling ako sa weightloss tapos ngayon body sculpting na habol ko lol (pero d ko pinapangarap maging jackielou lol) ... at super gusto ko magka-abs nang bonggang-bongga. haha kso syempre girl ako so mjo ung tama lang lol... fave ko rin ung rowing machine! :)
- At November 18, 2009 11:26 AM mikel said...
-
abs! abs! AAAAABBSSSS! gusto ko din ng abs. san ba nakakabili? haha
- At November 29, 2009 12:20 PM ace said...
-
lol @ the exercise tip.
- At November 30, 2009 3:54 PM Anino said...
-
Subukan mong magpunta sa korea,Abou. Kahit ilang packs pa ang ipalagay mo sa duktor,kaya yan.
Kahit 6 packs na dibdib posible din sa bansang iyon. - At December 2, 2009 3:09 PM hxero said...
-
pwede next topic na muna hahaha
laki kase ng tyan ko ngayon huhuhu - At December 7, 2009 4:54 PM KT said...
-
Good day!
Napadpad ako sa site mo kasi naghahanap kami ng mga pwede namin bigyan ng online surveys regarding our thesis topic which is: TRIVIAL BLOGGING: A Uses and Gratifications Inquiry About Identity Presentation Through The Blogging Practices of Young Professionals . :)
Pwede ka magreply dito sa email ko : ktlacorte@gmail.com SALAMAT!







