Ang sobrang libog ko daw ay dala ng sobrang kain ng sibuyas. Napangisi lang ako. Ano naman ang kinalaman ng sibuyas sa pagiging mahalay kong nilalang. Nakita nyo lang ang almusal kong hilaw na mangga na merong kamatis at bagoong na nilagyan ng maraming ginayat na pulang sibuyas, e mataas na ang libog sa katawan.

Ang totoo nyan, kamakailan lang ako nahilig kumain ng sibuyas. Gusto ko kasi laging amoy sibuyas ang aking bawat paghinga. Gusto ko kasi maraming ma turn off sa akin. Gusto ko kasi iwasan muna ang letseng pag-ibig na yan. Ayaw ko munang i-share ang magandang lahi ko.

Yan ba ang malibog?

Kung ang isang tao ba ay mapusok kelangan meron tayong sisisihin na gulay? Ewan ko. Pero naniniwala akong walang kinalaman ang gulay na yan kung bakit mataas ang aking libido. Ang kailangan ko ngayon ay ang magpapahupa ng aking kahinaan.


Habang ang iba ay naghahanap ng sex pag-ibig, ako naghahanap ng away. Biro lang. hindi ko muna iniisip ang mga ma kesong sitwasyon at mainam na iwasan muna yan sa panahon ng BARE months. Mas pinag tutuunan ko ng pansin ang mga mahahalay mahahalagang problema. Gaya ng kung paano hiwain ang sibuyas na hindi umiiyak.

Hindi nawawala ang sibuyas sa almusal tanghalian at hapunan ko. Maging pulutan –onion rings. Kaya’t malimit three times a day napapaluha ako. Ang sabi nila, pwede maiwasan ito kung palalamigin muna ang sibuyas. O kung hihiwain ito na nakalubog sa tubig. Pwede ka rin magpa andar ng electric fan na iihipin ang ano mang kemikal mula sa iyong hinihiwa palayo sa iyong mga mata.

Pero iba ako. Nagsusuot ako ng googles. Para siguradong di makapasok ang naka iiritang gas na yan sa aking mga mata. Pagod na pagod na kasi itong tear glands ko.

Kung ang sibuyas merong kapangyarihang magpa luha ng tao, bakit walang gulay na makapag papatawa sa atin? O baka di ko lang napapansin.

Pero paano kung totoo ang sinasabi nilang nakapagpapalibog nga ang sibuyas? Hindi pwede ito. Ayokong gawin ang bagay na siyang iniiwasan ko. Mahirap mag move-on kung merong malisyang naglalaro sa iyong isip. Hindi muna ako padadarang. Hindi muna ako kikiligin ngayong tag-ulan. Pasensya na kung prospect nyo ako. Dahil simula bukas, wala munang sibuyas.

Balut at talaba naman ang aking babanatan.


facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

78 Response to 'Onion Overdoze'

  1. YanaH Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283328932315#c2161847916577825515'> 1 September 2010 at 4:15 PM

    sabi nila para daw hindi ka maluha sa sibuyas habang ginagayat ito, wag ka daw hihinga.. i mean, wag mong sasamyuin ang amoy nito.. sa bibig ka huminga.. malay kung epektibity hah
    Hindi muna ako padadarang. Hindi muna ako kikiligin ngayong tag-ulan.
    - hahaha pano kung saka-sakali na hindi mo maiwasan? hahaha

    Gusto ko kasi laging amoy sibuyas ang aking bawat paghinga.
    - kadiri ka manong abou! ahahaha

    ang pag-ibig daw.. kahit anong iwas mo kapag oras mo ng tamaan ng pana ni kupido, wala ka DAW magagawa para maiwasan ito.. masasalg at masasalag ka nito kahit anong gawin mo.. yan eh ayon sa mga taong inlababo.. malay kung trulagen hahahaha

     

  2. definella Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283332186482#c7140092214475995203'> 1 September 2010 at 5:09 PM

    Ayaw ko munang i-share ang magandang lahi ko.

    LOL natawa naman ako dun :p

     

  3. http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283334943243#c8520902206970724120'> 1 September 2010 at 5:55 PM

    nakana. sa tingin ko, strawberry ang nakakapagpasaya na prutas. bakit ikamo? kasi daw... pede mo dila dilaan ang utong neto. yung parang cone na hugis ng puwet nya. :P joke onle.

    ngaps, pag nahihiwa din ako ng sibuyas minsan naka shades ako. wahaha. adik lang!

     

  4. Mokong™ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283335722697#c4745515184932729573'> 1 September 2010 at 6:08 PM

    Hahahaha.. ako mahilig din sa sibuyas..onion ring..sarap na pulutan...lalo na yung sibuyas na hindi luto yun gipapatong lang sa bagong lutong bistek...sarap!

     

  5. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283336073316#c5385702669908179946'> 1 September 2010 at 6:14 PM

    @ yanah - e kahit di ka naman huminga e mata mo ang pinupuntirya ng sibuyas hehe. pumikit ka na lang habang humihiwa haha

    @ definella - oo dapat isipin natin lagi na meron tayong kahalay halay na lahi haha :-)

     

  6. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283336254169#c4497593453284095937'> 1 September 2010 at 6:17 PM

    @ bulakbulero.sg - makahanap nga ng strawberry at nang matuwa naman ako hehe

    @ mokong - ah yung puting sibuyas. sarap nga nyan kahit di luto. :-)

     

  7. RJ Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283338985168#c7025934352074592020'> 1 September 2010 at 7:03 PM

    Magsuot ng mask (takpan ang ilong) habang naghihiwa ng sibuyas para iwas luha. Konektado kasi ang nasal cavity sa ating mga mata thru the naso-lacrimal duct.

    Kung kumakain ka ng sibuyas para babaho ang hininga--> turn off; bakit balot naman at talangka ngayon? Para malansa ang bibig mo?

     

  8. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283339590366#c3097102357269244667'> 1 September 2010 at 7:13 PM

    @ RJ - wag mo na kasing isipin kung bakit balut at talaba naman ang pagdidiskitahan ko hehe

    :-)

     

  9. http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283349451098#c5032539045534905748'> 1 September 2010 at 9:57 PM

    Haahahahahhaha ikaw na ang may magandang lahing habulin! lol... mahilig din ako sa sibuyas gaya ng pizza toppings, onion rings at sa bistek nga sabi ni mokong...

    Kakaibang trip din yung goggles ah... kinaya ko namang manghiwa ng sibuyas na di naluluha... wala lang malayo lang ang kamay ko sa mukha ko... lol

     

  10. Poldo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283350209921#c1197631671797374342'> 1 September 2010 at 10:10 PM

    Sa pagkaka alam ko para raw di maluha habang naghihiwa ng sibuyas e ngumuya ng chewing gum. Di ko pa sure kasi di ko pa nagagawa ya hihihihi...

    Di ako mahilig sa sibuyas kasi nagaamoy indiano ako.. nadaragdagan yung air pollution dito sa kinalalagyan ko.. yun lang po!

     

  11. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283354354899#c3128602009503897751'> 1 September 2010 at 11:19 PM

    @ i am xprosiac - ginawa ko na rin yang ilayo ang mukha ko habang naghihiwa. pero wala rin, maya maya lang e nagkukusot na ako ng mata hehe

    @ poldo - chewing gum? hmmm hehe epektib kaya yan?

    :-)

     

  12. KUMAGCOW Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283355215365#c2426592451620943185'> 1 September 2010 at 11:33 PM

    Kaya pala pag umoorder ako sa burger king ayoko ng fries... laging onion rings lang ako hahaha...

    Uy hello nga pala, this is my first time dropping by your blog, magbabasa basa muna ako ng entries mo para kahit pano I have an idea who you are =)

     

  13. mikel Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283357926597#c6368718322403871422'> 2 September 2010 at 12:18 AM

    Pero iba ako. Nagsusuot ako ng googles. Para siguradong di makapasok ang naka iiritang gas na yan sa aking mga mata. Pagod na pagod na kasi itong tear glands ko. <-- panalo to! haha. hindi ko to naisip gawin. nice!!!

     

  14. Maldito Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283358055870#c436629100627077862'> 2 September 2010 at 12:20 AM

    goodluck sa mga aprodisiac....bahala na wrong spelling wrong.ahahaha..

    buti nalang hindi ko hilig maghiwa ng sibuyas..ahahhaa.i let my mom do those things.

    magsuot ng gas mask para mas epektib.

     

  15. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283364585099#c4014644901766181602'> 2 September 2010 at 2:09 AM

    @ kumagcow - welcome to my layp kumagcow :-)

    @ mikel - kaya ngayon alam mo na. na hindi lang sa paglalangoy ginagamit ang googles.

    @ maldito - wala akog gas mask.

     

  16. glentot Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283376035985#c7533480499666995498'> 2 September 2010 at 5:20 AM

    Kumain ka naman ng papaya para mabawasan.

     

  17. imsonotconio Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283376124699#c64786384285697259'> 2 September 2010 at 5:22 AM

    i like onions too!

     

  18. khantotantra Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283376137997#c1956922065929982199'> 2 September 2010 at 5:22 AM

    may nagsabi, maghiwa ng sibuyas habang may nakasinding kandila.... di ko pa natry. :D

     

  19. Super Jude Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283382419002#c8288327986442515186'> 2 September 2010 at 7:06 AM

    bare months? hahaha. siguro habang sinusulat mo tong post mo nakain ka ng onion. =))

     

  20. http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283393047491#c1206697613098136012'> 2 September 2010 at 10:04 AM

    di bale na daw malibog basta wag lang manyakis..:)

    sibuyas, samahan mo pa ng sili!

    musta pards!

     

  21. Jag Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283393591225#c4147089027902730491'> 2 September 2010 at 10:13 AM

    Aphrodisiac ba talaga ang onion? Ikaw na ang may magandang breeding...LOL...

     

  22. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283396378560#c7807355133682949395'> 2 September 2010 at 10:59 AM

    @ glentot - mukhang magandang ideya yan hehe

    @ imsonotconio - anong gusto mo sa sibuyas?

    @ khantotantra - parang me namatayan lang ano? hehe

    :-)

     

  23. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283396676065#c7841408958201548'> 2 September 2010 at 11:04 AM

    @ super jude - bare months. ito ang panahon ng paghuhubad haha

    @ pamatay homesick - mas gusto ko maging manyakis kesa malibog haha musta na ever!

    @ jag - hindi ko alam kung aprhodisiac sya. ang alam ko pagkain sya hehe

    :-)

     

  24. jericho Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283399672189#c131613548544742491'> 2 September 2010 at 11:54 AM

    malibog ka pala? hindi naman halata :)

     

  25. Nimmy Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283401219466#c2581982217433630286'> 2 September 2010 at 12:20 PM

    mahilig din ako sa sibuyas.

    i think #1 is somewhat kinda parang tama. hahaha. wink wink. ;)

     

  26. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283401604415#c7740151519683764398'> 2 September 2010 at 12:26 PM

    @ jericho - hindi nga sabi totoong malibog ako hehe

    @ nimmy - ah, kaya malamang mahalay ka hehe anong #1 un?

     

  27. paci Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283420435707#c6520994028750339200'> 2 September 2010 at 5:40 PM

    go go go sa balot! hehehe!

    mayaman naman sa sulfur ang sibuyas ah.. =)

     

  28. FerBert Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283423170463#c5421577674394647369'> 2 September 2010 at 6:26 PM

    Hindi totoo yan mahilig din ako sa sibuyas pero hindi naman ako malibog. LOL

     

  29. http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283485354699#c7651212153594134938'> 3 September 2010 at 11:42 AM

    mahal ang kilo ng sibuyas. ang ibig sabihin ba ay mahal na rin ang lumibog? kalokohan. ang balot pampalakas, ang talaba pwedeng lumakas ang pagkapit.

    ingat sa pagkapit.

     

  30. Led Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283650875569#c8021776709182682640'> 5 September 2010 at 9:41 AM

    Ayun pala ang sikreto. lol XD

     

  31. acey Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283668659404#c8635084842001367732'> 5 September 2010 at 2:37 PM

    lol! grabe ang dami ko gusto i-comment sa sharings mo. lol. napaka-hirap naman mag-tagalog!!!

    haha. masarap ang onions. i ate too much, too. huhuuuu. ngayon, aking smell parang onions rin. haha.

     

  32. Raft3r Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283704212474#c8033513299870120690'> 6 September 2010 at 12:30 AM

    ayun naman pala, eh
    nyahaha

     

  33. http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283725920820#c3180789150677171059'> 6 September 2010 at 6:32 AM

    ok, confirmed. malibog ka nga talaga. grabe naman.. gusto mong amoy sibuyas hininga mo? haha. sa bagay, kanya-kanyang trip yan.

     

  34. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283758167867#c6758705373037379480'> 6 September 2010 at 3:29 PM

    @ paci - tara balut tayo. :-)

    @ ferbert - OWS? hehe

    @ super balentong - saan malakas kumapit ang talaba? hehe

     

  35. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283758416901#c4706969254556505452'> 6 September 2010 at 3:33 PM

    @ led - ...at ngayon hindi na ito sikreto hehe

    @ acey - pwede ka naman mag inglis a hehe. spill it out cmon...

    @ raft3r - :-)

    @ mr. nightcrawler - hehe ika nga sabi nila, walang baagan.

     

  36. http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283767738963#c2172042456752934286'> 6 September 2010 at 6:08 PM

    hahaha, kumakapit sa katawan ng punong maugat!

     

  37. DRAKE Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283813859239#c6645180946527608715'> 7 September 2010 at 6:57 AM

    Pre alam mo ba na ang sibuyas at ang mansanas ay magkalasa, sa ampoy lang silang nagkakaiba. subukan mong kumain ng sibuyas na nakatakip ang ilong, kasing lasa ng mansanas.

    so pag ka ring kakain ng mansanas para hindi maging malibog

    hehehe

    ingat

     

  38. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283828450818#c745722371981156590'> 7 September 2010 at 11:00 AM

    @ super balentong - woot haha

    @ drake - pwede ko rin kayang gamitin ang mansanas sa pag gigisa? hehe :-)

     

  39. RICO Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283829207113#c7592131794770617872'> 7 September 2010 at 11:13 AM

    wow sibuyas ang topic.madali lng umiwas sa tukso pano? ay di ko din lam hehehe

    pero masarap tlga ang sibuyas lalo na pag pinagpupulutan..lagi ko kasing inoorder yun pag lumalabas rapsa rapsa..

    salamat sa pagdalaw abouben

     

  40. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283832648651#c2766492856611860683'> 7 September 2010 at 12:10 PM

    @ rico - kapag sibuyas ang pulutan, di na ko tumatagay. namumulutan na lang hehe

     

  41. Pong Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283835565590#c7227404611985958028'> 7 September 2010 at 12:59 PM

    salamat sa pag-daan po sa blog ko sir,

    napatawa mo ako sa sibuyas overdose mo,

    ilagay sa ref ang onions bago mo balatan at maghiwa nito basta something na ibinabad sa malamig

    nakalimutan ko na yung pinag-aralan namin about it

    may silbi din ang sibuyas nung college ako madalas silang subject sa mga experiments namin at sa thesis pag nagka-kartotyping ng mga chromosomes, ano ba pinagsasabi ko pasensya naman.

    doon sa libog factor, madami namang claim about it hindi lang sibuyas pero susuportahan kita sa plano mong wala munang taglibog ngayon. Be blessed sir! add po kita sa tambayan ko.

     

  42. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283835883575#c5759210143959575448'> 7 September 2010 at 1:04 PM

    @ pong - andami mo palang alam tungkol sa sibuyas sir hehe

     

  43. cuteberl Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283836218997#c4341626209590472085'> 7 September 2010 at 1:10 PM

    hehehe. nice post to ah... salamat sa pagdaan sa blog ko....

     

  44. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283837171659#c3444849295921965522'> 7 September 2010 at 1:26 PM

    @ cuteberl - ym ym na lang ah
    hehe

     

  45. pong Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283837857383#c5544731281092765557'> 7 September 2010 at 1:37 PM

    tsaka nga pala sir may strategy ng paghiwa ng onion para iwas iyak hehehehe

     

  46. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283838499249#c5841377245472445454'> 7 September 2010 at 1:48 PM

    @ pong - anong strategy un sir pong? kelangan talaga ng stategy ha

    hehe

     

  47. arnie Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283838824429#c2532466421319989936'> 7 September 2010 at 1:53 PM

    hahaha...katuwa nman ng post natoh..

    .pero wag naman natin sisihin ang kawawang sibuyas...toinks

    ung bawang na lang kaya o luya...ahahaha

    tenks sa pagvisit sa bahay blog ko,,, :-)

     

  48. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283839086822#c3991643935610795730'> 7 September 2010 at 1:58 PM

    @ arnie - amoy ginisa na ko nyan kung pati bawang papatusin ko pa hehe

     

  49. -=K=- Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1283845271115#c3973826694249445016'> 7 September 2010 at 3:41 PM

    Sabe nila para daw ndi maluha habang naghihiwa ng sibuyas, dapat magchewing gum. Ndi ko lam kung anong konek nun pero i remember reading it from somewhere. Hehe!

     

  50. Chingoy Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1284001827356#c5813152618099132392'> 9 September 2010 at 11:10 AM

    Kung ang isang tao ba ay mapusok kelangan meron tayong sisisihin na gulay?


    hahaha, loko ka nahirinan ako ng major major hahaha

    bakit ngayon lang ako napadaan dito? i missed a lot! may bago nang mangungulit sa iyo hehehe

     

  51. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1284010355685#c3308401517919929336'> 9 September 2010 at 1:32 PM

    @ k - let's try that chewing gum thing hehe baka epektib

    @ chinggoy - oo nga, bakit ngayon ka lang haha

    :-)

     

  52. barrycyrus Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1284107186013#c4362752722252093288'> 10 September 2010 at 4:26 PM

    haha di ko alam na may relationship pala ang libido sa veggies

     

  53. ahmer Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1284112106976#c2629277998156779081'> 10 September 2010 at 5:48 PM

    wala sa kinakain yan. haha

     

  54. Andy B. Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1284144975402#c210596768947539961'> 11 September 2010 at 2:56 AM

    Lahat naman yata ng lalake malibog. May mga babae ring malilibog. So okay lang siguro maging malibog. :D

     

  55. Abou Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1284461394869#c3935453678348785090'> 14 September 2010 at 6:49 PM

    @ barrycus - wala silang relasyon. wala, wala haha

    @ ahmer - oo nga. baka sa nakikita yan hehe

    @ andy b - sinasabi mo lang yan kasi... hehe wala a

    :-)

     

  56. BlogusVox Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1285564049462#c2598577127654445458'> 27 September 2010 at 1:07 PM

    balot at talaba lang? samahan mo ng lechon, ampalaya at kangkong sabay himagas ng beer. tingnan ko lang kung hindi magdamagang naka "attention" si manoy.

     

  57. Aethen Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1287588799210#c8864542104589651738'> 20 October 2010 at 11:33 PM

    ngayon lang ako ulit nakabisita sa bahay mo parekoy.

    weird lang, pag ako ang naghihiwa ng sibuyas hindi ako napapaiyak, iwan ko manhid lang siguro ako. haha. pero parang totoo ang sibuyas na nagpapalibog.

    btw, bora ako this weekend. hope to see you.

     

  58. rose Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1287674084265#c7616552690372059863'> 21 October 2010 at 11:14 PM

    hahha. natawa ako sa sinabi mong nkakalibog ang sibuyas... hindi ppo totoo yun.. hehhehe
    kaya lng yung sabi mong gusto mo yung bawat hininga mo amoy sibuyas... prang hnd mgandang amoy yun...hehehhe...
    visit lng po sa site nyo....

     

  59. Bieberlake Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1288025791229#c6765546007292023040'> 26 October 2010 at 12:56 AM

    I dont eat onion....but still

     

  60. Bieberlake Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1288025829509#c1171939416058600774'> 26 October 2010 at 12:57 AM

    I dont eat onion but still...:P

     

  61. rainbow box Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1288298936479#c6609552167492116965'> 29 October 2010 at 4:48 AM

    sabi nila, para hindi ka maluha sa paghiwa/paggayat mo ng sibuyas, ngumuya ka ng bubble gum. ginawa ko naman sya, medyo effective ren.

    feeling ko naniniwala akong nakakapagpalibog nga ang sibuyas. tignan mo ang populasyon ng india. hehehe.. alam ko mahilig sa sibuyas yang mga yan. try mo silang amuyin. lol!

    parang ayoko rin kiligin netong BARE months.

    wv: congi ~ amy sibuyas ba yan? lol

     

  62. http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1288651395933#c282344606860727682'> 2 November 2010 at 6:43 AM

    keep on posting..

     

  63. hard2getxxx Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1289274241931#c616786766857670661'> 9 November 2010 at 11:44 AM

    never liked sibuyas in fact inaalis ko yun pagkumakain ng pizza hehehehehe

     

  64. http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1289711215119#c3324308137798472443'> 14 November 2010 at 1:06 PM

    iwas sibuyas kaso taglamig na.. paano na??hehe

    sige ser.. kaen lang ng kaen ng balot sa ngayon.. para pag ready na ulit magsibuyas, matibay na ang tuhod..hehe

     

  65. ae Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1290389406700#c2538629821061745746'> 22 November 2010 at 9:30 AM

    sabi nila kapag maggagayat k daw ng sibuyas mag lagay ka daw ng asin sa tabi,, i dunno if effected yan kasi ndi ko pa na tatry, pero ang iba sabi ok daw,, !! :D

     

  66. jobosaurus Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1291731337082#c1856545161434940264'> 7 December 2010 at 10:15 PM

    ''Kung ang sibuyas merong kapangyarihang magpa luha ng tao, bakit walang gulay na makapag papatawa sa atin?''

    ...ako natutuwa ako pag nakakakita ko ng talong...yung mataba at malaki!!!!

     

  67. rdsean Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1292398283343#c6851967688392441541'> 15 December 2010 at 3:31 PM

    "Ayaw ko munang i-share ang magandang lahi ko."

    kuya, musta.. natuwa ako jan sa linya mo. gumaganire.. hehehe

     

  68. Raft3r Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1293258050974#c231954048513732293'> 25 December 2010 at 2:20 PM

    merry christmas!!!

     

  69. Paul Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1293531831716#c7578277544336771729'> 28 December 2010 at 6:23 PM

    Exchange links tayo. naiadd na kita.

    http://www.palabuzz.com/friends/

     

  70. imsonotconio Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1294524726586#c1533021396371971535'> 9 January 2011 at 6:12 AM

    ganun ba un?

     

  71. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1295441954520#c3272960119206800797'> 19 January 2011 at 8:59 PM

    ahahaha ganon?hehehe kung si Jobo natutuwa sa talong..cge ako nalang dn heheh

     

  72. goyo Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1295592570721#c9000419230557425603'> 21 January 2011 at 2:49 PM

    Lol! Nakakalibog pala ang sibuyas.

     

  73. Dan Yaneza Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1298446037885#c8361166104986864847'> 23 February 2011 at 3:27 PM

    haha mag aamoy bumbay ka sa sibuyas manong...

     

  74. chino Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1319815084996#c6991688084332618836'> 28 October 2011 at 11:18 PM

    Hi Abou , i never thought na ang sibuyas pala ay nakakalibog. Kala ko sili lang hiihihi

     

  75. makunat Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1319815148565#c1965183951934722788'> 28 October 2011 at 11:19 PM

    So there's such an onion overdoze fever pala haha lavet

     

  76. http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1377345763913#c4738505820128770207'> 24 August 2013 at 8:02 PM

    natawa ako dito. Hahha

     

  77. Adamant Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1382321748687#c2360032290408106140'> 21 October 2013 at 10:15 AM

    hahaha! ganun ba yun? hmmm...

     

  78. Agony Said,
    http://abouben.blogspot.com/2010/09/onion-overdoze.html?showComment=1382493644062#c5480981555263260252'> 23 October 2013 at 10:00 AM

    Parekoy! Agony toh buhay na ulet... pafollow! ^_^ astig ka talagang bumanat!haha

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .