Magiging maganda ang araw na ito.
Kung sasabihin ng PAG ASA na sampung bagyo ang tatama sa araw na iyon, di ako maniniwala. Dahil nakilala kita sa panahong pwede ako.
Single. Unattached.
Aanhin mo naman ang magandang panahon kung buong araw ang gagawin mo ay mag babad sa facebook at mag like sa wall post ng mga masasayang kumag. Maganda nga ang sikat ng araw pero napapaligiran ka naman ng mga magkakapares na nilalang na magka holding hands.
Kaya’t bigyan na lang ako ng kulog at kidlat. Ayos lang. Andyan ka naman. Naks.
Sana ito na ang katapusan ng tag tuyot sa malamig na gabi. Katapusan ng pakikipag usap ko sa imaginary friends. Huling pagtitirik ko ng kandila para sa yumao kong lovelife. Handa ba akong itaya uli ang aking kakisigan?
Pero preno muna tayo. At baka mali ang forecast natin sa ating nararamdaman. Mahirap magsugal kung ang pa iiralin natin ay ang hanging nagmumula sa ating dibdib. Lahat tayo nangangailangan ng warmth. Pero takot ako na baka sa huli ito ay maging cold front. Magkaiba ang inog ng mundo natin at pagnagkataon disaster ang dala nito sa sanlibutan. Kunsabagay malapit na din ang 2012.
Kaya’t hayaan mo na lang na damhin kita mula sa malayo. Ituring mo akong ulap na papawirin na may kalat-kalat hanggang sa malawakang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Didistansya muna ako. Didistansya muna ako bilang parusa sa mga pagkakataong ako ay
Pero paano ko kikimkimin ang isang mala habagat na pakiramdam?
Akala ko magiging maayos ang lahat. Dahil nakilala kita sa panahong pwede ako. Pero akala ko lang pala. Ngayon nasa malayo ka. At andito ako.
Single. Unattached.
Kalimutan mo na lang ako. Habang hinihintay ko humupa ang init ng bagyong nararamdaman ko para sa yo.