Ano kaya ang trip mong gamiting screen name halimbawang maging porn star ka?
Totoy Mola ay isa sa pinag iisipan kong gamitin. Tunog malaking kargada. Pero dahil si Jay Manalo na yun dyahi nang gamitin. Naisip kong mas angkop kung Totoy Bigo na lang. Hindi nga gaanong malaswa pero bagay. Kailangan ko pa bang sabihin kung bakit? Ngayon alam nyo na kung bakit ako nawalan ng gana sa pag blog.
Huwag kayong mabahala --kung kayo’y nababahala man. Hindi ako bitter. Paborito ko lang talagang ulamin ang ampalaya nung mga nakaraang araw pero hindi ako bitter. Alam kong sanay na akong mawalan ng lablayp. Pero sana hindi naman sa paraan na… you know… pagtaksilan ka… you know…
Kaya nga Totoy Bigo.
Pero ngayon nakakatawa na uli ako. Lalo na kung nakikita ko si Aling Dionesia Paquiao na nagbo ballroom sa tv parang nagiging maaliwalas ang pakiramdam ko. Hindi gaya noon na lagi kong naiisip kung paano ko karumal dumal na paslangin ang me pakana ng kabiguan na ito.
Dati tinatakpan ko ang aking tenga pag nakakadinig ng love songs. Kahit mga kanta ng Black Eyed Peas ayoko rin madinig. Ampangit naman ng pakiramdam na emo ka pero umiindak. Pero Ok na ako ngayon. Naging malaki din ang tulong nang pagbabasa. Ang pagbabasa ng mga children’s books. Naiiwasan kong maging bayolente at mas nakaka relate na ako ngayon sa cartoon network.
Oo, malaking bahagi ng pag move-on ay ang panonood ng TV. Lalo na ang panonood ng balita. Balita ng mga aksidente, kalamidad, holdapan, patayan at Mindanao. Mapagtatanto mong mapalad ka pa rin at puso lang ang masakit sa yo. Samantalang ang iba ay nalulunod sa barko o di kaya ay nasasagasaan ng bus. Malaking bonus na lang kung me balita tungkol ke Noynoy at Kris. Kahit papaano ay maaaliw ka sa masalimuot nilang buhay.
Sabi ko nga, OK na ako. Nabigo man, mapusok pa rin. Sumusugal pa rin sa lablayp. Mabilis pa rin ma in lab. Kahit kung minsan nagtatagal lang ng five minutes ang akala mong relasyon –libog lang pala. Pero Ok na rin kesa wala. Ilang five minutes ba sa isang oras. Kung minsan masaya rin ang mag move-on.
Pero kung ganito rin lang ang buhay, walang pinagka iba sa porn star. Parang masayang gamitan. Ayaw mong masaktan pero gusto mong ma in love. Ayaw mo na gusto. Ang gulo.
Kaya nga nag-iisip na lang ako ng screen name para malibang . Totoy BIGo. Pwede na.
welcome back abou! antagal mong nawala! kaya pala.. salamat nalang kay mommy dionesia naaaliw-aliw ka na. hehehe.
huwawnesss..
is this for real??
totoy bigo gali ha!!
welcome back yapet
kaya pala nawala sa...ewan ko...basta!..
pwede na yun totoy bigo..kahit bigo malaki naman.. kaya BIG-O! diba!
buhay na naman ang mga laman loob ng blogeryo..ha ha ha..abou is on the house...mabuhey!
hahaha! lintikan
Totoy Bigo guid!?
sana maging totoy wagi ka na lang :)thanks nga pala for dropping by my blog
totoy BigO wow..kewlness...
we need to moveon kahit masakit..lessons parin sa buhay ung naranasan mo..kung ako sau, ichecheck ko yan...
parang slamdunk..hhehhe
Anong kaguluhan ito dito?
@ gentle - oo nga salamat ke pacmom at sa kanyang killer moves hahaha now im alive
@ madjik - hmp.
@ ever - ang malas naman ng blogesperyo at eto maghahasik na naman ako lagim sa buong sanlibogan haha
@ fonzoire - amo gid! hehe pirme lang gani ko ga maoy haha
@ zai zai - mukhang matatagalan pa bago malampasan itong kabiguan. konting antay pa, mga five minutes hehe
@ rico de buco - kabiguan equals coolness? waw cool LOL
Parang hindi kapani-paniwalang ang isang Totoy BigO ay nabigO sa pag-ibig dahil pinagtaksilan.
Matagal ka ding nawala sa blogging ah. OK lang maging bigo sa pag-ibig. Ang mahalaga, hindi tayo nauubusan ng prospects. LOL
@ RJ - haha ikaw na lang kaya ang mag kwento. ingats dyan sa aussie a
@ gasoline dude - sabihin na nating ang post na ito ay ginawa para mabilis makakita ng mga prospects haha
This comment has been removed by the author.
welkam bak!
>:)<
ang dami kayang nag-aabang sa pagbabalik mo.
totoo ba ito???
haykenbilibit!!!
after 48 years,...
welkam bakers manong abou!
hehehe naramdaman din naman ang kaluluwa mo ditech sa blogosphere..
si mommy dionesia lang pala ang makakapagpabalik sayo nyahahaha
@ mikel - salamat sa mainit na wellcum. sana nga merong nag aabang sa pagbabalik ko LOL
@ Yanah - maging ako di rin makapaniwala na andito na ako e haha TY
@abou
NABUHAY KAAAA!
nyahaha. kamusta kamusta kamusta?
it's a phase.
thank you, kuya. this too shall pass. thanks!
Mayad, hasayran mo nga abo pat-ah gali sa pangabuhi liban sa lablyp. : )
Welcome back Abou!
aww!
hayyy sana kinatay mo nalang un may pakana ng pagiging totoy bigo mo hehe.
at eto ang yong come back entry? clap clap. haha
sarap mag basa dito.
sa ibang post nakakadurog ng puso
totoy bato na lang!
isip nga din ako ng pornstar name
@ elyas - o sya mag masyado ilabas ang angst ok?
@ blogusvox - ngani man. makaron ko nasayran nga liban sa lablayp hay may itotlayp pa hahaha hangae ko eang ron ha
@ chyng - pinapalakpakan mo ba ang kasawian ko hahahaha
@ pablong pabling - o pwede na ang screen name na pablong pabling a? hehe tunog pornstar na haha
hey abou thanks for droppin' by my blog
oh by the way I already replied on your previous comment see it here:
http://lovenashyboy.blogspot.com/2009/09/patience-will-soon-be-rewarded.html
I have a new blog post as well :P cheers!
Umm well don't give up you'll be able to find that love in the right time and at the right place :)
just wait and see :)
smile Totoy Bigo :)
hey about thanks for the visit :P by the way I responded on your comment na :)
http://lovenashyboy.blogspot.com/2009/09/top-10-pinoy-men-fashion-wreckers.html
Cool, dahil nagbalik kna. ;D At sana tuloy tuloy na ang iyong pag-ngiti. Hanggang sa muling pagbisita. ;D
April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit
@ mc callister - kakatayin ko nga e kaso nakapag pigil ako hehe
@ nash - opo eto na naka ismile na :-)
@ basyon - o sya hanggang sa muling pagbisita
masusunod sir!
+++
@rio
yup! with you guys, i am too fly to be depressed. thanks!
ayos pasok na naman sa PBA2009 FINALIST on best humor blog...congrats pards!
oi abou congratumalations ha? finalist ka sa PBA Best Humor Blog. biruin mo yun?lol. Goodluck.
Popoy
miss u parekoy! welkam bak! nakakarelate ako ngayon sa post mo? move on parekoy! masaya ang buhay!
like ur scrn name, BIGo tla! apir
mas bagay kung totoy betlog na lang kuya
ayan aysows marunong naman pala mag smile eh
pag naka gusot na naman mukha mo lagot ka sken hahaha :P
Totoy MOlA? wahahha! Ayos na rin, astig yun bilang screen name
overused na yung totoy,
"Bigong Mola" na lang.
isa rin ako sa naghintay sa muli mong pagbabalik totoy bigo, este pareng abou. sana'y magtuloy tuloy na uli ang iyong pagsusulat. kailangang ng blogosperyo ang tulad mo.
at isang araw alam kong magiging totoy wagi naman ang screen name. at aabangan ko yan. RGDS.
Just think, after bigo, inspired ka na naman. K? cycle lang kasi yan...
ah love life issue pala hehe. well, connected naman lagi ang love and sex.
sabi ni Keri:
"...just get back up when it knocks you down..."
Here's to moving on.
Cheers! :D
boy tigas, ayaw mo?
=P
hi first time ko sa blog mo. nag follow ka sa akin kaya sinilip ko blog mo.
aliw ako sayo.
but hey bisaya man diay ka. taga asa ka sa bisayas dong? totoy bigo!
May bagong pina-usong pangalan si BB Gandang-hari.
Ayaw mo bang TT Laging-bigo?
ako gusto kong pangalan eh "Balldomero Delakiki"
ganda ng naisip mo tol...
成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天