ang church namin kapag daytime

Ang akala ng lahat hindi ako natutulog. Kuya Germs nga tawag ni George sa akin e, kasi walang tulugan. Pero ang totoo, kapag tulugan, swak ako diyan!

Lahat na yata ng klaseng tulog nagawa ko na. Andyan yung matulog akong nakaupo, sa ibabaw ng mesa, sa keyboard ng computer, sa CR. With matching tulo laway pa yan. Maging sa gym nakatulog na rin ako, habang nag a abs sa mat. Alam kong split seconds lang naman pero tulog pa rin yun. Marami pang klaseng tulog ang gusto kong gawin pero tsaka ko na sasabihin.

Kanina sa Day 3 ng simbang gabi, akalain ko bang dalawin ako ng favorite hobby kong ito. Sa totoo lang ako’y antok na antok na habang nakatayo sa labas ng simbahan at nakikinig ng sermon. Sabi ng pari, “God is in our midst right now”. E paano kaya kung ako’y naidlip at nagpakita si Lord para mamudmod ng grasya, e di dagok na naman yun sa akin. Kaya’t buong kagitingan kong nilabanan ang antok para tapusin ang misa. E ano kung paminsan minsan e naglalakbay ang isip ko at nagtatanong kung sino ang peste ang nagsimula ng kaguluhang tradisyong ito. Pero sa isip ko lang yun syempre. Kasi baka gawin pa ng Vatican na 30 mornings to lagot ako.

Sa ngayon, hahayaan ko na lang muna ang panahon ang siyang magpasya kung maka apat na araw ako. Kasi para sa akin tama na ang tatlo. Basta.


facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

2 Response to '9 Mornings: Day 3'

  1. ponchong Said,
    http://abouben.blogspot.com/2007/12/9-mornings-day-3.html?showComment=1198014360000#c6258832705236340014'> 19 December 2007 at 5:46 AM

    talagang bumalik ka lang sa simbahan para picturan..kunsabagay para mas appealing ang documentation. Good Luck sa Day 4 Kuya Germs este Mr. Rei.. BASTA!

     

  2. darius Said,
    http://abouben.blogspot.com/2007/12/9-mornings-day-3.html?showComment=1198221540000#c1659507984674335372'> 21 December 2007 at 3:19 PM

    haha BASTA! todo na to... see you soon!

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .