photo courtesy ryan

plaza sa tapat ng church


Hindi ako taghiyawating tao. Kahit nung medyo bata pa (asus), yung mga classmates ko, sila talaga madami ang pimples. Wala naman akong pinapahid na eskinol, chinchunsu, pulbo at kung ano sa mukha ko kahit walang tigil din ang paglangis nito noon. Sabon lang talaga.

Pero hindi ngayon. Napansin ko kagabi ang dalawang nagpupumiglas na pimples sa aking noo. Isa itong pagbabadya. Malamang isang sumpa mula sa iglesia katolika na siyang pipigil sa mga mapagpanggap na mananampalataya. Ito na marahil ang pinaka mabigat na dahilan kung sakaling ipagpapaliban ko na ang pagkumpleto ng simbang gabi at naisin na lang mamaluktot. Paano na lang kung sa nalalabing limang araw ay katumbas din ng limang sumpang pimples. Di ko na kaya ang dalawa, lalo na ang pito! Letse!

Pero hindi ako susuko. Hindi ang mga butlig na ito ang pipigil sa akin para suungin ang lamig ng umaga, sikip ng mga napipilitan inaantok na tao, at pakinggan ang nanghahamon na sermon.

Tadtarin man ng taghiyawat ang aking mukha, tatapusin ko ito! Basta!


facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

0 Response to '9 Mornings: Day 4'

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .