Medyo napaaga me sa Day 5. Hindi po ako excited, talagang napa aga lang. At base sa mga pictyur, medyo inumaga na rin. Plano ko na sanang i advance ang mga natitira ko pang apat na misa para matapos na ang mga pagbabait-baitan na ito. Nag e effort naman ako tuwing pupunta ng church. Abot tenga ngiti, naka sapatos, nagpapa autograph, mabango, kulang na lang ipaligo ko yung cologne na kinuha ko ng hulugan. Aba'y malaking achievement na to kung tutuusin. Naaalala ko nuong college , sinuhulan ko ang isang classmate na wag na ring pumasok sa religion class namin dahil me confession na magaganap kasama ang pari. Salamat at pumayag sya kapalit ng sampung pisong mani. Mukhang hindi ko ata naipasa ang subject na yun. ( naipasa ko ba? mukhang ilang retake ko ata ang subject ...)

Maliwanag na sa simbahan at hindi ko alam kung tutuloy ako sa susunod na misa. Me makakahalata kayang madaling araw pa ako dun? Bibigyan ba ako ng special citation ng Santo Papa kapag umabot ang balita sa Roma? Meron ngang naglakas loob magtanong sa kin kahapon...


Nagtatatanong: Bakit ka ba nagsisimbang gabi?

Ako: Para matupad wish ko.

Nagtatanong: Ano ba wish mo?

Ako: Ang makumpleto ang simbang gabi.

Nagtatanong: Ha?

Ako: Basta...


facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

0 Response to '9 Mornings: Day 5 (na?!)'

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .