Ang mga piktyurs na to ang magpapatunay na ako ay nakapasok sa loob ng aming cathedral. Sa ilang araw na pagsisimbang gabi ko di ko akalain na meron pa ring agam agam sa aking pag pasok. Alam nyo ba, naging tukso sa akin kahit noon pa, na ako raw ay masusunog kapag nagsimba. Alam kong joke lang yun, kaya sabi ko, ha ha ha.
Pero sa isip isip ko, bakit ako masusunog? Hindi lang ako nagsisimba pero hindi ibig sabihin nun masama akong nilalang. Mas maitim pa ata ang budhi ng mga corrupt na politikong nakaupo sa first row, o yung mga nakaupo sa second row. Ewan ko ayoko namang maging mapanghusga. Tingnan na lang natin sa afterlife.

Subalit hindi ko naman sila masisisi. Sa bawat pagkakataong ayain ako sa church, aba’y ang haba ng listahan ko ng mga rason kung bakit hindi ako makakapunta. Oo ma drama talaga . Kaya siguro hindi ako pinagpapala. Ayos lang.


Pero ayan! Hindi ako nasunog. Akala nyo siguro puro labas ng simbahan lang ako! Inantay ko talaga lahat ng taong lumabas para masolo ko si Lord! Siguro kung ako lang mag isa mas maririnig nya ang mga buladas, reklamo hinaing ko. Kaya’t mala telenobela kong sinabi ang mga… ang mga gusto kong sabihin. Sabi ko pa, sana pagbigyan nya pa rin ito kahit hindi ko makumpleto ang siyam na umaga. Inunahan ko na. Mahirap na.

Ewan ko kung nakinig sya. Basta.


facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

0 Response to '9 Mornings: Day 6'

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .