Day 7. Pitong araw ko na ring itinatago ang aking sungay. Bagamat hindi halata ang aking ka demonyohan, proud na rin ako at marami ang nagnanasa nababaitan sa akin.

Ngayong papalapit ang pasko, asahan na ang pagdagsa ng mga taong mababait. Sabi nila kailangan mong maging mapagbigay, kailangan mong maging mapagpatawad, kailangan mong maging mabait sa ngalan ng pasko. Dahil kung hindi, naku baka wala kang matatanggap na biyaya. Sino ba naman ang hindi magkukumahog nito? Syempre lahat gusto ng grasya. Gusto ng gift. E di ba kaya nga nauso ang simbang gabi dahil sa mga hangarin nating matupad ang kanya kanyang wish? Aminin na kasi.

Ako walang aaminin. Hindi ako naniniwala sa wish. Ayokong makikapit sa nag iisang inaasahan ng mga taong nakatira sa Third World Countries. Subalit, kung meron man salitang ganito, hindi ako mag aatubiling ihayag ang aking inaasam…



Ang sasakyang iyan. Ganyan ang gusto ko. Hindi sya masyadong magara pero pakiramdam ko safe ako diyan. Yun naman talaga ang dapat hinahanap natin sa isang sasakyan, ang security. Lalo na kung nakatira ka sa Pilipinas. Feeling ko kapag meron ka niyan, mayaman ka kahit hindi.

Kaya simula ngayon, mas lalong magiging taimtim ang mga dasal ko…

“Lord sana maibigay mo to, kung hindi man buo, kahit yung laman na lang.”

“Basta.”




facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

0 Response to '9 Mornings: Day 7'

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .