Pakiramdam ko bumabait na ako. Pakiramdam ko lang. Kasama na sa mga nararamdaman ko ang mabigat na mga talukap na halos ayaw nang kumurap. Maka ilang beses na rin nawala ang aking isip at ang tanging naalala ko ay ang dami ng hikab na nagawa ng aking mga panga. Alam ko me kulang sa akin. I want to be complete!

Kailangan ko ng ipa check ang mga vital signs ko.

Ganito ba talaga ang epekto ng simbang gabi? Mababawasan ang oras mo sa pagtulog, oras sa trabaho, oras sa HBO, oras sa kantot, oras sa bisyo, oras sa friendster, oras sa pagbilang ng oras. Ilang araw ko ng ginagawa ang pakikibakang ito at ngayo’y tila magpapasko akong low bat.

Kailangan ko na kayang magpalit ng relihiyon?

Ayokong mag-isip. Minsan ko lang ginagawa yun. Isa lang ang alam ko. Hindi tayo susuko. Ngayon pa. Pikit mata pa rin akong maliligo sa malamig na madaling araw. Mag uunahan pa rin ang aking mga paa para sundan ang kalembang ng kampana. Dahil ngayon ko lang gagawin to.

Ngayon lang. Basta…



facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

1 Response to '9 Mornings: Day 8'

  1. chase Said,
    http://abouben.blogspot.com/2007/12/9-mornings-day-8.html?showComment=1198691160000#c3376210457011769851'> 27 December 2007 at 1:46 AM

    heheheh.. ako nga rin... magpa convert ako ng buddhism.
    gusto ko mag tibetan buddhist or monk..

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .