
Hindi ko alam kung bakit ipinapakita ko sa inyo ang mapa ng bahay namin. Iniisip ko pa ang dahilan. Siguro gusto ko lang maranasan magkaroon ng stalker o stalkers. Masarap din siguro mahabol ng paparazzi. Kung minsan kasi nakakapagod din maging low profile. Walang umaano sa yo...pumapansin. Deep inside, KSP din ako. Gaya ng karamihan, gusto ko din maging
Ayan ang mapa ko. Kaya't kung sa tingin nyo'y me pagkaka utang ako sa inyo, ayan madali nyo na kong matutunton. Para sa mga nahiraman ko ng libro nung hayskul at di ko nasa uli. Para sa mga gustong mamyesta sa bahay. Para sa mga inaanak. Para sa mga nagse census. Para sa AGB Nielsen. Para sa mga gustong makipag eyeball. Para sa nawawala kong aso.
Pasensya na kayo at medyo kailangan nyo lang i zoom-in ang pic para makita ang daan. Pero kung nahihirapan kayo, message nyo lang ko sa YM para sa mas detalyadong piktyur. Sinadya ko talagang aerial view ang gawin para hindi mahirapan maging ang mga pulis pangkalawakan.









hahaha, yun yung mga consequences ng pagiging low profile. you don't get noticed. pero ok lang yan.life is not about fame naman diba?
Taga-Aklan ka po pala? Wow! Aklanon ka? My father is from Ibajay.
Have a great time blogging!
kitang-kitang ko ang bahay nyo.. (kunwari may kapangyariha akong taglay! wala lang basta lang..
sobra akong natutuwa dito.. lol
hahahah.. how convenient naman. heheh.. ur pic ha.. sexyback.. hehehe
salamat sa pagsilip at natanaw ko rin ang bayang pinanggalingan ni Ina..gusto ko ring marating ang Kalibo..nalibang ako saiyong site..balik ako. :)