Babala: Walang kwenta ang post na ito.

Binili ko kanina ang aking ika siyam na rice cooker sa loob ng tatlong taon. Totoo. Walo na ang nasira ko. Ayaw nang uminit. Ilang araw na itong nangyari at ilang araw na rin akong naging balisa, bugnutin, nawalan ng gana sa internet at hindi makapag blog. Hindi kasi ako mabubuhay ng wala ang aking all-around na lutuan. Kaya’t kanina walang nakapag pigil sa aking bilhin ang medyo mahal na brand sa pag asam na ito’y medyo tumagal.

Naging masigla ang buhay ng madiskubre ko ang ginhawang dulot ng rice cooker. Akalain nyo ba naman, na eliminate na ang lighter, posporo, o ang apoy, isasaksak lang sa kuryente! Amazing. Hindi ko talaga hilig makisawsaw sa kusina subalit dahil sa malaking discovery/invention na ito sa siyensya, aba’y nagbago ang lahat! Kaya ko na magsaing ng walang kahirap hirap. Maglaga ng itlog, magpakulo ng noodles, ng oatmeal. Nagawa ko na ring mag- adobo, mag-sinigang, ginisang monggo, nilagang baka, maging mag prito ng isda ay napakadali! (Ako lang ata ang nakakapag prito sa ganitong paraan.) Para sa inyong dagdag kaalaman, meron po kaming oven, pero ang rice cooker, akin lang at ako lang pwede gumamit. Ganyan ako kasakim. Kung sino man ang naka imbento nito, para saken, nararapat lamang bigyan ng parangal –Nobel Prize, Pulitzer Prize, Oscar, Famas, Bayaning Pilipino—kahit ano, basta award.

Pero ewan ko ba at hindi ito tumatagal sa akin. Napag tripan ko na ring butingtingin ang mga sira kong rice cooker para alamin kung bakit hindi ito umiinit sa pag asang ito’y maaayos ko pa at nang makatipid. Syempre hindi ko naaayos, ni hindi ko nga maibalik sa dating porma e. Sinisisi ko na lang ang aking sarili dahil sa palaging pag gamit nito. Kahit madaling araw, isasaksak ko yan makapagluto lang ng LuckyMe!

Lucky is me talaga dahil ngayon meron na naman akong bago. Ganda pa ng kulay. Silver. One week warranty nga lang daw. Ok lang. Bili na lang ng bago kapag nasira. Marami pa kasi akong gusto lutuin sa de kuryenteng saingan na ito—spaghetti, carbonara, pizza.

Ngayon naisip ko, bakit ba bili ako ng bili ng rice cooker. Bakit hindi naman microwave. O di kaya e yung ultra sleek Q-Stove, de uling na pwede ihawan. Ewan ko din. Basta.

facebook Digg Stumble This Del.icio.us Twitthis Google Yahoo Reddit Technorati

7 Response to 'Rice Cooker'

  1. U.T.O.Y Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/01/rice-cooker.html?showComment=1201338180000#c4091909171833316778'> 26 January 2008 at 5:03 PM

    dear abou,

    una, abou sayap ka ba o abou bakr?
    di bale na ang mahalaga ay ikaw laang ang abou na kilala ko.

    panagalawa, penge namang rice cooker. cge na. medyo nanggigitata na kasi ang nasa bahay ko. mahilig kasi akong magluto ng kung ano ano dito kaya ayun kung anu ano na din ang amoy neto.

    cge sana ay magtagumpay ka sa susunod mong pagbili ng rice cooker.

    naghihintay ng rice cooker,
    utoy (may takip sa ilong habanag nagsusulat)

     

  2. BURAOT Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/01/rice-cooker.html?showComment=1201688100000#c462956579325933974'> 30 January 2008 at 6:15 PM

    lam ko na.. abourido!

     

  3. gen2507 Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/01/rice-cooker.html?showComment=1202346180000#c21578662613509573'> 7 February 2008 at 9:03 AM

    Nice blog u have:) u take care and have a wonderful day!

     

  4. chase Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/01/rice-cooker.html?showComment=1203495180000#c8528568547342466449'> 20 February 2008 at 4:13 PM

    yung pagluto ng rice sa rice cooker is the first thing i learn in cooking.. next is cooking not with rice cooker. hehehehe..

    grabe naman ang malas.. 8 rice cooker in 3 years.. bili ka kaya ng mahal at branded para matibay..

     

  5. http://abouben.blogspot.com/2008/01/rice-cooker.html?showComment=1204169700000#c1858120828565593268'> 28 February 2008 at 11:35 AM

    Una sa lahat, bakit maganda ang layout mo, Mr. Abou?

    Pangalawa, gusto ko din ng ganyang layout. Paturo naman =D

    Pangatlo, Natawa ako sa post na 'to :))

    Pang-apat, wala lang.

     

  6. Anonymous Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/01/rice-cooker.html?showComment=1282799776517#c3101076263183895160'> 26 August 2010 at 1:16 PM

    This season is all about lace. thomas sabo schmuck günstig I am talking about crocheted cotton lace, sabo charms the kind your great grandmother thomas sabo engelsflügel wore. Think of the old doilies she used to angebote thomas sabo make. Lace is on everything these days from clothing, handbags and the rest of the accessories. You will see handbags made out of it or adorned with it. It is made into lightweight thomas sabo flowy scarves. Bangles are big and anhänger thomas sabo covered in lace with matching necklaces and earrings. The thomas sabo kette necklaces have lace beaded into it, thomas sabo 2010 beaded with lacey disk beads thomas sabo online shop or lacey beads themselves. It will not be hard to find a great shirt with lace on the top and accessorize it with matching earrings, thomas sabo halsschmuck necklaces, scarves or handbags. thomas sabo ohrringe Use them tastefully together but don't go overboard. A little of each goes a long way. Handmade is big in this category so don't go looking only at stores; keep those art shows in mind for that unique great find.

     

  7. sad Said,
    http://abouben.blogspot.com/2008/01/rice-cooker.html?showComment=1285294153971#c7158092727073498908'> 24 September 2010 at 10:09 AM

    thomas sabo bracelet Some basic considerations can help a person to get the right par of shoes. Below are some of the important points that one may need to think about before getting the shoes. thomas sabo bracelets Style is not that important - majority of the people choose their tennis shoes considering only brand names and its looks. discount thomas sabo bracelet They don`t keep the importance of their feet up front most of the times. It can be a little hard to give up an awesome looking pair of shoes that matches your personality cheap thomas sabo bracelet But when it comes to the usage, they should be chosen based on their functionality. The tennis shoes that one is purchasing should be able to protect and support one`s feet ideally. thomas sabo bracelet clearance They are equally as good for keeping the water and weather away from your feet and both brands offer cheap golf shoes as well as their many expensive varieties. thomas sabo Shopping at FootJoy or Adidas can give you fashion, color, and a large line of shoes online and in stores.At any rate, be mindful of our golf game if you are a real competitor--know that shoes are the most vital part of your golfing attire. discount thomas sabo You need to shop around, compare prices. And get the most for your money. thomas sabo sale uk That doesn't mean you should opt for a pair of discount shoes that also have cheap quality. What would be the point of purchasing a shoe that is not comfortable to wear. thomas sabo jewellery If you care anything about your success in golfing, shop around. thomas sabo silver The Heel Box - it is an important part of the shoes.

     

Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .