Palagi akong nawiwiling sumali sa mga raffle. Yung mga raffle na kailangan ng proof of purchase. Bibili ka ng ganito, ganyan, tapos isasali mo yung wrapper.Ewan ko ba. Hindi pa man ako nananalo e, iniisip ko na kung ano ang gagawin sa premyo. Kaya siguro minamalas. Ni minsan di pa nanalo. Counting the eggs kasi kahit hindi pa ito hatched. O di ba?
Pero hindi. Hindi ko ata matatanggap na ako ay malas. Mas gugustuhin ko pang isipin na ako ay dinaya. Tama. Dinaya ako. Imposibleng hindi ako manalo. Sinusunod ko ata mga regulasyon. Pinapaganda ko pa ang aking sulat kamay. The best pa ang aking signature. Kumpleto address. Kulang na lang nga lagyan ito ng autographed picture ko e. Kaya lang di ko na nilalagyan. Parang panunuhol na yun. Bad ang bribery.
Ayan! Ayan ang aking sandamakmak na
Dapat kasi hindi na ako umaasa e. Dapat kasi hindi na ako nagpapadala sa mga ganitong buladas/marketing strategy para bilhin ang ganitong produkto. Dapat kasi itapon ko na ang mga wrapper ng kendi, karton ng toothpaste, sachet ng shampoo et al. na iniingat ingatan ko.
Makakabuti siguro sa akin kung itatapon ko na to sa lalong madaling panahon. Mahirap na. Baka masyado akong maging attached sa mga basurang ito. Nakakahiya baka abutin ko pa sampung karton sa kakaipon nito.
Bakit kasi ang malas ko sa raffle. Bakit ba di ako mabunot-bunot. Wala atang DTI rep. Lagyan ko kaya ng glitters ang sobre he he. Wala sa rules yun. I-novena ko kaya?
Tama. Sa susunod, pa bendisyunan ko ke pader ang aking entries. Ewan ko lang kung di mahiya sa kin si Lord. Basta…









kauspain mo kaya si pareng willie ... malay mo ;)
at bakit mahilig ka sa extra joss? palagi ka bang nanghihina? =)
ako naman ay swerte sa raffle pati na sa bingo.
kaso nadala ko yung kaswertihang yun sa mga graded recitation. lagi akong natatawag!!
sana malas na lang ako putek
ok lang yan... hintayin mo pa raffl ng extra joss... at kapag extra joss na ang dumadaloy sa veins mo sigurado panalo ka na nun... :)
Hahahahah ayos =)))
Dadating din ang araw, abou.. Dadating din ang araw..
..wala lang.
Dadating lang yun araw.
=|
Tama! Lagyan mo ng glitters yung entry mo at mga palamuti, para yung sayo ang bunutin. O kaya staple a 500 peso bill on your entry para yun ang mapili! =D Hahaha!... Try mo din lagyan ng autographed pic mo, baka sakaling effective. =D Hehehe!... kapag di ka pa rin nanalo, eh kalokohan na yang pa-contest na yan! Hahaha! =D
@ jericho - gusto mo ba kong mandaya? he he dyuk
@ coldman - oo palagi akong nanghihina, sobra kasi sa... kadyot? ha ha. hindi no, kayod kaya.
@ pauee - palit na lang tau pls...!
@ sexymoi - sana nga. sinabi mo e.
@ janelleregina - taga PAG-ASA ka ba? he he
@ yael - sana ikaw na lang ang bubunot para sure win na me! nya ha ha
alam mo yung halls.. yung pag nabuo mo may premyo ka.. ilang beses ko ng nabuo yun pero hindi ako sumali.. ayoko ng pera eh.. kase mayaman na ako ano naman gagawin ko dun gagawin ko lang pamunas ng salamin sa aking mansyon.. hahahaaha.. joke lang.. poor ako..
maswerte ako sa mga palaro sa perya pero pag yung big time na talaga wala olats ako..
ang kulet kulet. hehe
Araw araw ko yang iniipon pero hanggang ngayon wala pa rin silang parapol!
pamatay. :)
*padaan lang
@ ferbert - loko ka ferbert, sino maniwala sayong nabuo mo un. ilang buwan ko din inipon un, di ko nabuo e, he he.
@ amicus - oo nga e, kulet talaga. kaya wag mo ko tularan. dont do drugs.
nawa'y palarin ka sa susunod na raffle.. :P
hahaha. denial stage ang tawag jan. hahaha! pero pwede rin dinaya...para atleast, pampalubag loob na lang.
when i was a kid, i used to play with tansans just to join the coke raffle draws because of the boom box. i was able to send atleast 500 entries but sa dami ng prizes wala akong napanalunan. kaya baka nga dinadaya talaga!
@ portable bitch - uu nga. gudluck sa akin, he he.
@ wandering commuter - sabi ko nga me daya ha ha
Sabi nila, magtiwala ka lang at darating din ang suwerte, malay mo mananalo ka rin pagdating ng takdang panahon. 'Wag mo na lang munang itanong kailan yun. Ako nga minsan makakatanggap nga "text" dahil nanalo daw ako sa raffle na di ko naman sinasalihan. Minsan nakakatanggap din ako ng emaildahil nanalo din daw ako. Di ba swerte na yun? Hahaha.. Malas pa rin dahil, SPAM lang yun. Hindi totoo. -batang buotan
Oist, serious ba yang collection mo ng extra joss? Wag mo itapon, i-donate mo na lang dun sa mga gumagawa ng bags tsaka baskets na doy pack yung material. Makakatulong ka na sa kanila, makakahelp ka pa sa environment.
Anyway, hindi ako mahilig sumali sa raffle. I don't want to think na I'm malas. Wala lang. Di ko lang siguro trip yang mga marketing strategy nas iyan.
grabe tsong, sobrang lakas mo na cguro sa kakainom ng extra joss.
ala akong kaswerte-swerte sa mga parapol na yan.. hehehe..
wow. dami nyan ah..
malas din ako sa mga raffle2x
oy. baka maoverdose ka sa extrajoss at manatili ka nang dilat pooreber.. tsk tsk..
ako rin hind ako maswerte sa raffle. pero nanalo na ako minsan. blank cd from cdr king.. take note, hindi siya rewritable.
ang daming extrajoss.. uminom ako dati nyan nung may exam kami.. ahahaha..ayun inantok pa din ako..hehehehe..
malas din ako sa raffle, kaya di na ako naasa.. d na tuloy ako nabili ng sachet na shampoo..hahaha
oo nga pabendisyunan mo kay pader! :)