Hindi na ako nakisali. Naki usyoso na lang kung ano meron. Hindi kasi ako deboto ng Sto Niño o kahit anong santo. Hindi ko pa na eksperyens ang isang milagro na bigay ng isang rebulto. Ganun pa man, masaya na rin ako kasi … kasi …parang masaya ang lahat. Ewan ko kung bakit ako natuwa. Nakikigaya lang ba ako? Ah… dahil siguro dito….

Long Jump sa dagat! Parang Takeshi’s castle! Ito ang malaking sakripisyong dapat gawin ng mga deboto. Lahat ng sumali sa kaguluhang ito e dapat dumaan sa hurdle. Sadyang nilagay ito para i-test ang pananampalataya ng bawat isa . Walang binabatbat ang lubid ng Poong Nazareno. Ito na siguro ang bagong dadagsain ng mga deboto sa susunod na taon para maka lundag lang sa mahiwagang kanal! Hindi ko na nilagay ang mga nadapa habang hawak hawak ang bote ng Tanduay. Hindi na makatao kung ipo post ko pa pati mga yun at baka balikan ako ng karma.

Sana’y ikatuwa ng Baby Jesus ang mga sakripisyong ito at lalong ipagpala ang mga nakibahagi.







