Showing posts with label pista. Show all posts
Showing posts with label pista. Show all posts
Malamang ngayon alam nyo na. Merong ati-atihan sa Boracay. Hindi ko na kailangang ipaliwanag kung pano to nag simula kasi hindi ko rin alam. Spoof siguro to ng mga festival. Ang ikinababahala ko lang e kung gumamit ba sila ng sunblock bago sumabak sa matinding init ng araw. Ilang SPF ba ang kaya ng uling? Kunsabagay mararamdaman mo pa ba ang init kung langog ka na sa ispiritu ng alak?



Hindi na ako nakisali. Naki usyoso na lang kung ano meron. Hindi kasi ako deboto ng Sto Niño o kahit anong santo. Hindi ko pa na eksperyens ang isang milagro na bigay ng isang rebulto. Ganun pa man, masaya na rin ako kasi … kasi …parang masaya ang lahat. Ewan ko kung bakit ako natuwa. Nakikigaya lang ba ako? Ah… dahil siguro dito….

para sa yo to Baby Jesus!


Long Jump sa dagat! Parang Takeshi’s castle! Ito ang malaking sakripisyong dapat gawin ng mga deboto. Lahat ng sumali sa kaguluhang ito e dapat dumaan sa hurdle. Sadyang nilagay ito para i-test ang pananampalataya ng bawat isa . Walang binabatbat ang lubid ng Poong Nazareno. Ito na siguro ang bagong dadagsain ng mga deboto sa susunod na taon para maka lundag lang sa mahiwagang kanal! Hindi ko na nilagay ang mga nadapa habang hawak hawak ang bote ng Tanduay. Hindi na makatao kung ipo post ko pa pati mga yun at baka balikan ako ng karma.



Sana’y ikatuwa ng Baby Jesus ang mga sakripisyong ito at lalong ipagpala ang mga nakibahagi.
Basta...











Google
    Chill Zone 9 Mornings Untitled Boracay Ati-atihan 2008, Whatever Sleeping Child
       
    .