
Pero teka lang, bakit ganito. Mukhang hindi ata krus ang nalagay sa akin ni padre. Markang demonyo ba ito? Hindi naman siguro. Sa pagka raming beses ko na nagpalagay ng abo sa aking noo, hindi ko pa natsambahang hugis krus ang malagay sa kin. Pakiramdam ko tuloy napag praktisan lang ulo ko ng mga paring nais sumaydlayn maging tattoo artist.
Eto at nasa lenten season na tayo. Pumapasok kagad sa isip ko ang fasting, repentance, holy week,
Fasting... bakit ba bawal ang karne sa fasting? Di ko ata natanong to a. Siguro dahil indulgence na to at sa panahon ng lenten dapat nagtitiis ang isang katoliko. Sa tingin ko naman hindi mahirap gawin to. Sanay na rin naman ang mga pinoy sa noodles at de lata ang kinakain buong taon. Siguro kung ibababa ang presyo ng karne tuwing fasting, madami ang hindi mag aayuno at sila'y magfefe feasting na lang. Kaso ganun pa rin presyo at hindi talaga nadadaan sa anumang klase ng religious activity. Kaya't i boycott ang karne hanggang easter sunday!
Repentance... tagal ko na ding hindi nakapag confession a. Dapat magawa ko to at baka ipabuhat sa kin ni padre ang krus kapag narinig niya ang aking kumpisal. Joke lang, he he. Hindi naman ganun kadami...









hindi ako nakakapagsimbah pag ash wednesday.. basta ewan . heheheh..